Chapter 23

551 13 4
                                    

 

( Jam's POV )

"Baby Girl.. Baby Girl.."

Naalimpungatan ako. Pilit kong iminulat ang aking mga mata.

"Baby Girl, malapit na lumapag ang eroplano." - GK

Ano daw? Baby Girl? O_O

"Anong tawag mo saken?"

"Baby Girl.." - GK

"Baby..? Girl..?"

"Yun na ang tawag ko sayo."

"Ha? Seryoso?" - ako

"Seryoso ako."

"Parang ang korni lang kasi eh."

"Basta yun na ang tawag ko sayo." - GK

Hayyy!!! Oo na lang.

Makalipas ang ilang minuto, nakalabas na kami sa eroplano.

Nagpalinga-linga ako sa paligid. 

Nasaan na kaya si Ellise? Sabi nya susunduin nya kami dito.Ang dami pa namang tao dito sa airport.

"Boys wait lang ha. Hinahanap ko pa yung susundo saten." Sabi ko sa kanila.

"JAMIIIIIIIILLEEEEEEEE..." (NakaMEGAPHONE)

O_O

Boses ni Ellise yun ah. Asan kaya yun?

"JAMIIIIIIIIIIIIIIILLEEEE.."

Luminga-linga ako sa paligid para hanapin si Ellise.

"Jamille.. Jamille.."

Sa wakas nakita ko na din sya. Kumakaway sya saken. 

Patakbo syang lumapit sa amin.

"Bestfriend.." Niyakap nya ko agad at nagtatalon kaming dalawa sa sobrang tuwa.

Dorm PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon