Previous Page of 4Next Page

7th Unit

Dedicated to
jhaijhailovestories
spinner.gif

Anong gagawin ko?! Wala akong dalang pera!! Nagastos ko na!

 

“Siya po.” Sabay turo sa akin. AHHH!! Pahamak talaga tong lalaking ‘to.

 

“Bleh!” Nang-aasar pa talaga!!!!! AAARRRGGHHH!! HE’S GETTING INTO MY NERVES!

 

“Miss, you have to pay this. Dahil isang set ang nabasag mo, 4700 ang babayaran mo.”

 

“Whatttt?!?! Pe..pero po wala akong dalang pera ngayon.”

 

“Oh pano yan? Kailangan mo tong bayaran ngayon.”

 

Umalis naman sya at kukuha ata ng panglinis. Buti mahinahon siyang makipag-usap. Pero nakakatakot pa din!!

 

Naiiyak na ako nun. Paano yan?! Nasa bahay yung pera ko. Anong gagawin ko? Naiyak na talaga ako nun. Nakakainis naman kasi eh! Pinagtitinginan na kami ng mga tao dun. Bwisit kasi tong lalaking ‘to eh!

“Nakakainis ka!!”

“Ako pa may kasalanan? Ikaw humarap sa akin dyan eh!”

Teka. May naisip ako. Dahil kasalanan naman niya talaga ‘to eh! Kailangan ko ‘tong gawin. Hingang malalim. Kailangan ng konsentrasyon! PRIDE, dyan ka muna sa tabi. Babalikan kita!

“PAUTANG NGA!!”

“Haharap pa kas—ANO?!?!?”

“Sabi ko pautang!”

“Ayoko nga. Bahala ka na nga dyan! Alis na ko.”

AAHH. Di pwede ‘to! Hinatak ko naman sya nun para di sya makaalis.

“Ano ba bitawan mo nga ako!”

“Pautang na kasi!”

“Ayoko nga sabi eh.”

“Sige na. Please?”

“Close ba tayo ha? Bahala ka na nga dyan!”

 

Umiyak na talaga ako nun ng malakas. Di ko na alam yung gagawin ko. Makukulong na ba ako, ha?

Narinig ko naman yung mga bulung-bulungan ng mga tao. At may naisip ulit akong magandang idea. Hmm, di mo ko papautangin ha?? Makonsensya ka!

“Ano ba yan? Nagpapaiyak ng girlfriend? Anong klaseng lalaki yan?”

“Bakit kaya sya umiiyak? Nakakainis naman yung lalaki, mukhang inaway. Wala talagang kwenta mga lalaki eh. Kahit kailan.”

 

I’m sure narinig nya rin yung mga sinasabi ng mga tao sa paligid nya kaya napahinto sya tapos tumingin sakin. Akalain mo yun? Madali pala siyang maapektuhan ng mga sinasabi ng ibang tao? Buti na lang.

 

Nilakasan ko naman lalo yung iyak ko para magpanic sya. Wala na akong pakialam kung sinong makakarinig. Basta kailangan ko ng pera ngayon! Nagulat ako nung tumakbo sya papunta sakin tapos tinakpan yung bibig ko.

“Shh, wag ka na ngang umiyak! Ako napapahamak dahil sa’yo eh!”

Tumigil naman ako sa pag-iyak.

“Pa..pa..papau..utangin mo..mo na ko?” Nagtanong pa rin ako kahit humihikbi.

“Oo na! Nakakainis ka!”

“YE..HEY! P..promise ba..baba..yaran ko. T..thanks!” Para akong baliw nun. Kasi nakangiti ako pero humihikbi-hikbi pa din.

“Fine!! Eto oh! Bahala ka na dyan!” tapos tumakbo na sya palabas ng store. Baliw talaga yun.

 

OMG. 5,000?!? Ang yaman nya ha? Nagbayad na ako para dun sa mga nabasag ko, then umuwi na.

 

GRABBEEEEE! Nakakastress yun ha?! Nakakahiya pa!! Argghh!! Nakakainis talaga!!!! Di ko nga alam kung paano ako nakauwi sa bahay ng maayos eh. As in sabog ako habang naglalakad. Ang gulo-gulo ng ayos ko! Pero pag naaalala ko yung kanina, naghahalo lahat ng feelings ko eh! And I think hindi yun maganda.

Natulog naman ako ng maaga dahil first day of classes bukas. Kakalimutan ko na lang lahat ng nangyari doon sa convenience store. Baka kasi sa sobrang pag-iisip ko ay di na naman ako makatulog, malate pa ako.

 

 

***

Rise and shine! Inat-inat muna.

Nagprepare ako ng sinangag at hotdog for breakfast. Naalala ko tuloy si kuya. Dati siya yung naghahanda para sakin. Hay, nakakamiss kahit tatlong araw pa lang ako dito.

Naligo na rin ako at nagbihis. Dahil first day, kailangan presentable ang suot kaya nag-skirt ako and pinagpatong ko nalang yung dalawang damit. Cute naman tignan eh. And I’m off!

 

Dahil sa math building ang una kong klase, naalala ko na naman yung lalaking yun. Teka, di ko pala alam pangalan nya? Paano ko mababayaran... Ay, bahala sya!

 

Napahinto naman ako. OMG!! Di ko dala yung pambayad ko! Patay na.. Tsk, hayaan mo na nga. May bukas pa naman, at saka di naman ako sure kung makikita ko siya ngayon. So, tinuloy ko nalang ulit yung paglalakad. Pagdating ko sa room...

Previous Page of 4Next Page

Comments & Reviews (83)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Cast

Victoriaas Kristell Lyka Alonzo
Lunaas Meily de Guzman
Nichkhunas Dylan Arellano
Onewas Patrick James Sison

Who's Reading

Recommended