Sir, You're Hot. 3

63.8K 645 68
                                    

Dapat last March ko pa nakuha ang diploma ko. Kaya lang, nagkaroon ako ng bad record sa dalawang subjects ko which caused me troubles. Sabi kasi ng mga professors ko sa subject na iyon, masyado daw akong palaban. Hindi rin raw ako sumusunod sa rules niya. Samantalang siya nga 'tong boring magturo eh. Dapat rin sana nakapunta na ako kay Mama sa Singapore kung naayos ko na ang mga requirements ko, kaya lang, wala eh. So sad.

"Aray!"

Isang babae na maikli ang buhok naman ang sumimangot sa akin dahil nabangga ko siya. Tinarayan pa nga ako at minura. Minura ko rin siya, pinagbantaan ko pa ng tatlong ulit. Hindi dapat binabangga ang isang Rebecca.

Papasok ako ngayon sa school para sa isang subject ko. Friday ngayon and I only have one class to attend this afternoon. As usual, nagmamadali ako kaya hindi ko na makita 'yung mga humaharang sa dadaanan ko.

"'Wag nga kayong humarang sa daan," sagot ko sa mga babaeng nasa gitna ng corigdor.

Nagtuluy-tuloy na ako sa paglalakad ko matapos iyon.

Sabi nila, rebelde raw ako. Mukha daw akong mataray. Marami nang nagsuspetsa na member ako ng isang magulong gang—which is hindi naman talaga dahil simpleng rebelde lang ako. Ayoko lang nang hindi nasusunod ang gusto ko. Nagkataon lang na ang dalawang professors na nagbagsak sa akin last semester ay insecure sa akin. Nagkataon lang rin na pula ang kulay ng buhok ko noon.

Nagmamadali pa rin akong humakbang sa bawat baytang ng hagdanan. Nakatingin lang ako sa baba dahil gusto ko ng umiwas sa gulo. War-magnet ang tawag nila sa akin, dahil isang tingin ko lang sa isang tao, nang-aaway na raw ako. Masama na ba ngayong magtaas ng kilay?

"Rebecca. How are you?"

"Good morning po, Dr. Pantorillo," bati ko kay Dean. Siya ang Dean ng kolehiyo namin. May katandaan na rin si Dean. 50 years old mahigit na siguro siya. May maikling buhok at matalas na dila lalo pa sa pagsasalita ng English. Bukod dito, napakabait pa niya. Isa siya sa dahilan kung bakit hindi ako na-expel sa school na ito kahit pa sobrang sama ko.

"Rebecca. Can I ask you a favor?" hinawakan ni Dean ang mga palad ko. Bakas sa mukha niya ang pakikiusap. Ewan ko ba sa kanya. Sa dinami-dami ng teacher na nakaaway ko, siya lang ang namumukod-tanging may tiwala at tiyaga sa akin. Sign of a good teacher talaga.

"Sige po, Ma'am. Ano po 'yon?" kahit ano pang sabihin ni Ma'am, handa akong gawin. Isa kasi siya sa tumutulong sa akin sa paglalalakad ng papeles ko sa University sa tuwing magkakaproblema ako sa mga teachers. Kahit pa ang dami niyang ginagawa, natutulungan niya pa rin ako.

"I want you to join the Debate Club. I believe you have potentials, hija. Tamad ka lang," and she smiles as she say this. Compliment ba ito o panlalait na?

"Sure, Ma'am. Sabihin niyo na lang po sa akin lahat ng details," sagot ko kay Ma'am. Alam ba ni Ma'am na palasagot ako kaya niya ako pinapasali ng Debate Team?

"I know, hindi mo ako bibiguin," then she kissed me sa cheeks dahil sa sobrang tuwa. "By the way, may pasok ka ba bukas? Just attend to their screening at exactly 7:00 am. Your adviser would be Sir Medrana."

Sinabi ba ni Ma'am ang 'Sir Medrana?' Wala akong mapiling reaksyon. At agad naman iyong napansin ni Dr. Pantorillo.

"Rebecca. He's a good Debater when he was a student. He can teach you to become good debater as well. Just trust him. And, nag-aalala ako sa Debate Team ng College of Education. We're not yet established, kaya naman gusto kong makahanap ng members na makakatulong talaga sa team. I hope you can give us some help."

Sir, You're Hot. FINISHED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon