Chapter 17

568 11 5
                                    

***Yesha’s POV***

Nandito kami ngayon ni Nathan sa park. Nilibre ko kasi sya ng kung anu-anong pagkain bilang pasasalamat ko sa backstage pass sa concert ni L na binigay nya sa akin. Naku!!! Kung alam nyo lang kung gaano talaga ako kasaya nung binigay nya to. Sabi ko nga na sa five star restaurant ko na lang siya ililibre kaso dito naman daw nya gusto. Hindi ko maintindihan kung bakit nya napili ang park na to pero at least nakatipid ako. Hehe...

Sa totoo lang, first time kong kumain ng mga pagkain na to. Ano na pala pangalan ng mga to? Aishhh... Hindi ko alam basta pinabalot ko kay manong tindero lahat ng niluluto nya sa frying pan. Karamihan ay mga hugis bilog at may kulay brown pa na pahaba. Bumili rin ako ng kulay black na inumin. Sa lahat ng binili ko, yung cotton candy lang ata ang kilala ko. At ito namang si Nathan, parang super excited nang kainin ang mga pinamili ko.

Ang balak ko lang talaga sana ay panoorin syang kumain tutal ay para sa kanya naman lahat ng iyon. Nag-aalangan pa ako nung una nang alukin nya ako pero hindi na rin ako nakatanggi. At totoo nga! I will lost half of my life if ever na hindi ko matituikman ang mga ito. Now, favorite ko na ang mga street foods. Mukhang mapapadalas ako dito. At I’ll make sure na yayayain ko dito si Suzy. Yum! Yum! Yum!

Mabuti na lang talaga marami akong binili kasi sobrang dami kong nakakain. Hahaha... Kaso bigla akong napatigil sa pagkain...

“Tsss... May concert na naman pala yung L-yen na kumag na yon”....

Natigil ako sa pagkain at sumama ang tingin ko dahil umandar na naman ang gangster fangirl radar ko. Grrrrr.... Sinong tinatawag nilang kumag???? Sa tingin ko, may kailangan na naman akong turuan ng leksyon.

“Tama! Sinabi mo pa... Hindi lang yun basta kumag... Sumikat lang konti, ang yabang yabang na. Kala mo napakalayo na ng narating!”. Nyemez naman tong mga to. Sarap itapon sa ilog pasig. Mayabang? Sino? Si L my labs? A big NO! E may charity pa nga sya which is inaallot nya yung half ng kita nya para ron. At isa pa, totoo naman na malayo na narating nya. Hello!!! May mga international fans na nga siya. If I know, baka malapit na rin syang magkaroon ng show sa ibang bansa.

“Ang dapat gawin sa kanya, ginaganito!”, na-curious naman daw ako sa ginagawa nila kaya lumingon ako ng konti. Aba’t ang mga loko, tinatapaktapakan ang poster ni L tungkol sa concert nya. Oh no! The beautiful face of L. Talagang ginagalit nila ako ha. Kahit picture lang yan, hindi ko sila mapapatawad. Hindi na sila nakuntento sa pag-apak, dinuraan pa nila at tinapunan ng sauce ng kinakain nila.

Teka nga... May naisip ako...

“Nathan! Tapos ka nang kumain? Akin na to ah,” sabi ko kay Nathan saka ko kinuha yung napakaraming sauce ng kinakain namin. Nakalagay yun sa 2 malalaking plastic cups. 2 kasi yung klase ng sauce na meron kami, yung suka at yung sauce na matamis. At dahil marami akong binili kanina kaya malaki yung pinaglagyan ni manong tindero.

Walang kaanu-ano kong isinaboy yung sauce sa dalawang kumag na bumababoy sa poster ni L. Nagulat naman sila sa ginawa ko at dali-daling humarap.

“Ano bang problema mo Miss?”

“Ako ba tinatanong nyo?”, medyo nag-mamaang maangan kong sagot sa kanila.

“E sino pa ba sa tingin mo?”

“Ako walang problema, e kayo malaki.” Sabi ko habang nakatingin sa winalanghiya nilang poster ni L.

“Tss...Para poster lang...Haha... E walang kwenta naman yang idol mo. Bakla ata e...Hmmm...Alam mo ba kung magkano tong damit na dinumihan mo?”

I'm A Gangster Fangirl(On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon