Chapter 6

575 12 5
                                    

***Yesha’s POV***

The next day, I feel so happy… Kahit medyo naging boring ang class ko today, super saya ko pa rin.

Hindi ko pa rin makalimutan ung pagtitig ni L sakin kagabi…Kinikilig talaga ako…Feeling ko tuloy namumula na pisngi ko. Tinitigan kaya nya talaga ako o namalikmata lang ako sa nakita ko? Basta, kinikilig pa rin ako.

Napatingin ako sa kaharap ko. Kanina pa sya tulala…Nasa canteen nga pala ako kasama si Nathan. Since sya ang unang nakilala ko dito sa school, sya na rin ang lagi kong kasama. Isa pa, classmates kami  and take note, sa lahat ng subjects. Same schedule so same din ang time ng vacant.

Sabay na rin kami gumagawa ng assignment and projects.

Kung itatanong nyo kung wala ba syang ibang kaibigan, wala talaga…Okay lang naman daw na magkasama kami since bago pa lang ako dito sa Pinas, parang sya ang tour guide ko… Nasa ibang school daw kasi yung bestfriend nya and never ko pa nakita. Medyo awkward kasi babae ako at lalaki sya tapos lagi pa kaming magkasama. Ewan ko ba pero talagang napakakomportable nyang kasama.

Medyo weird sya…Antahimik nya tapos bihira pa ngumiti pero aaminin ko ang gwapo nya….Mukha syang isnabero pero ang bait nya mabait talaga sya… Siguro kung mas una ko syang nakilala kay L, malamang, nagustuhan ko na sya…Erase…erase…erase…ano ba tong sinasabi ko??? Kay L lang ako diba? Kay L lang…period.

“Ah, Nathan?” kumaway ako sa harap nya pero no pansin…Lumilipad talaga utak nito ngayon…

“Nathan?”….wala pa din….

“NATHANIEL FUENTES!” medyo malakas yung pagtawag ko sa kanya….naptingin tuloy lahat ng tao sa amin.

“Yes, ma’am!”, bigla syang napatayo…hala! Anyare ditto??? tumingin muna sya sa paligid taz umupo ulit….

“Hahahaha”…..napatawa ako sa upuan ko….

“Stop it!”, he said na parang nahihiya…

“Okay, I’ll stop…Nakakatuwa ka kasi…Akala ko kinidnap na ng mga alien yang utak mo…Kanina ka pa kasi tulala….Aray!” bigla nya akong binatukan…mahina lang pero nagulat ako kaya ako napa-aray…

“Sira! May iniisip lang kasi ako…Ano na ulit yung sinasabi mo? Ahh, nanood ka ng concert ni L kagabi..”

“Yup, ang gwapo nya grabe…Ang cool nya habang kumakanta….. Taz feeling ko tumingin sya sa akin…Our eyes met  na para inaalay nya sa akin yung kanta...Waaahhhh!!!!” kinikilig talaga ako habang kinukwento yun…

Natauhan naman ako sa ginawa ko kaya napayuko ako..”Sorry, nakakahiya,,,hindi ko talaga napipigilan ang sarili ko pag si L ang pinag-uusapan…Alam mo naman, super fan nya ako”

“Hindi naman..Nakakatuwa ka nga e….” tumingala ako at nakita ko syang nakangiti….

“Baka iniisip mo na nababaliw na ako.”

“Ano ka ba? Sanay na ako sa ganyang reaksyon ng mga fans ko….” Natatawa nyang sinabi…

“Sanay? Fans mo?”, nagtataka kong tanong…

“No, I mean…Arrrggghhhh…..” ginulo nya yung buhok nya…”Yung kapatid kasi ng bestfriend ko…tama! Tama! Yung kapatid ng bestfriend ko is super fan din taz ganyan din ang inaasal nya kapag pinag-uusapan yung idol nyang si L…He-hehe..” ,bakit ganun? Feeling ko kasi parang kinonstruct na ewan lang yung sinasabi pero never mind…

I'm A Gangster Fangirl(On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon