Chapter 8

651 16 0
                                    

***Yesha’s POV***

Tumatakbo kami ni Nathan. Bigla kasing umulan… Abnormal na talaga ang panahon…Kanina lang ay umaaraw tapos bigla-bigla na lang umulan…Kalokang weather yan….Tapos yung ulan pa man din ay biglang bagsak na malakas…Ibig sabihin, basang-basa kami ngayon.

Di nagtagal ay nakarating kami sa isang building. Sumakay kami sa elevator. Walang ibang tao. Tahimik lang kaming dalawa at napansin ko na sa kabilang side nakatingin si Nathan…Bakit kaya?

Napatingin ako sa reflection ko sa elevator…Shocks! Grabe ang pagkabasa ko at bakat na ang bra ko. Nakakahiya! Kaya pala hindi sya tumitingin sa akin…

Tiningnan ko din yung reflection ni Nathan…Kyyyyaaaaahhhhh!!!!! Basang-basa din sya at nakabakat ang well built na katawan nya sa damit nya…Ang hot nya…Basa din ang hair nya na medyo magulo.

*lub dub lub dub*

Napatitig ako sa mukha nya..Side view lang kasi sa kabilang direction sya nakatingin…Pero maya-maya ay nakita kong nakatingin na din sya sa akin sa reflection namin sa loob ng elevator. Nag-meet ang mga mata namin kaya bigla akong umiwas ng tingin.

“Yesha… Nandito nga pala tayo sa condo ko..”, bigla nyang binasag ang katahimikan.

“Ahh..”, yun lang ang sinabi ko…Nakakahiya talaga.Nakita nya akong nakatitig sa kanya kanina..Pero, nasan daw kami??? Condo nya???

“Ito kasi ang alam ko na pinakamalapit na pwede nating masilungan.”, kunsabagay, mukhang wala rin syang choice and else konti lang naman talaga ang tinakbo namin. So talagang malapit lang.

“Okay”…ang tipid ko namang sumagot.

“Just stay in my condo for a while habang umuulan. And we can just do also the thing that I’m sure only two of us can do.”

*lub dub lub dub*

Do the thing that only us can do????

*lub dub lub dub*

“Ha?”, bakit ganun? Parang kinakabahan ako…Teka! Sanay naman ako na lalaki ang mga kasama since lagi akong sinasama ni daddy pag minimeet  nya ang gang.

*Ting!* biglang bumukas yung elevator. Lumakad sya at sinundan ko lang sya. Huminto kami sa harap ng isang unit…Binuksan nya iyon at saka pumasok..Naiwan lang ako na nakatayo sa labas at tulala..

“Hey!”, lumapit sya sa akin at nagwave-wave malapit sa mukha ko.

“Yes?”, bigla kong sagot

“Hindi ka ba papasok? Mukhang nilalamig ka na. Magpainit muna tayo sa loob…Wag ka nang mahiya…Tayong dalawa lang naman ang nandito ngayon…”, nakangiti sya habang sinasabi yon….

Dalawa lang kami? I know na harmless si Nathan pero hindi ko parin maiwasang kabahan… Kahit saglit pa lang kaming magkakilala, I trusted him… I can feel na mabait talaga sya. Kaso di ko pa rin mapigilan ang mapaisip.

Babae pa rin ako at lalaki sya…Dalawa lang kami, umuulan sa labas at parehas kaming basang-basa…Mukhang napanood ko na to sa isang Koreanovela…Yung nabasa sila ng ulan taz pupunta sa isang place na silang dalawa lang…Parehas silang basa ng ulan…Magtititigan…tapos..tapos.. Waaaahhhhhhh!!!!!!! Hindi keri ng imagination ko…..Hindi naman siguro mangyayari yung iniisip ko no? Ano ba ang iniisip ko?Mukhang nasobrahan lang ako sa panonood ng Koreanovela at kung anu-ano ang pumapasok sa isip ko… Waaaahhhhh!!!!

At kung mangyari man, sisiguraduhin kong gagana ang reflexes ko at magagamitan ko talaga ng remarkable move ko si Nathan…Haaaayyyyyzzzzz….Naalala ko tuloy ang makulit na stalker este admirer pala kasi gwapo, ni Suzy….Suot ko yung damit ni Suzy kaya akala nya ako ang kapatid ko.  Bigla nya akong niyakap patalikod…At dahil sa pagkabigla, nahatak ko sya sa kamay at ibinalibag sa sahig sabay tadyak….Nakakaawa talaga sya nun…

I'm A Gangster Fangirl(On-going)Where stories live. Discover now