Chapter 7

654 12 2
                                    

***Yesha’s POV***

Sabado ngayon at may gagawin kaming group project ni Nathan….Di naman talaga by group kundi by pair….Napag-usapan namin na sa park magkita since nandun naman ang kailangan namin para sa project na to….

Wait! Ano ba ang project na to at sa park naming kailangan magkita? Well, painting kasi sya… Anything under the sun as long as it includes people and emotion…Yes, Art Major kami parehas ni Nathan and isa ito sa requirements namin to pass our major subject…

Wala pa kaming idea if what scene ang ipepaint kaya we decided to try our luck here…Marami kasing tao sa park and madalas itong puntahan ng mga tao lalo na pag walang pasok. Tumingin ako sa paligid ko…May mga batang masayang naglalaro, mga tindero ng ice cream at cotton candy, mga pet na kasama ang mga amo nila, may mga nagjojogging pa dahil medyo maaga pa naman at di mawawala ang mga PDA na ang sarap ilaglag sa fountain…Kulang na lang kasi e maghalikan sa harap ko.

Ano ba yan? Ang tagal naman ni Nathan…Kunsabagay, 8 ang usapan namin pero 6:30 pa lang ng umaga…Well, di kasi ako magaling sa direksyon… Ayoko naman na malate sa usapan namin kaya inagahan ko na ang punta dito. Matagalan man ako sa paghahanap ng lugar na ito, at least sigurado ako na di naman ako malelate…

Tingin sa orasan…..

7:00 am

7:30 am

8:00 am

“Yesha!”

“Omo!”, napasigaw ako dahil sa gulat…Andyan na pala sya…Pagtingin ko sa direksyon ng tumawag, napatulala ako. Nandyan na si Nathan, nakangiti sya habang papalapit sa kinauupuan ko… Nasa likod nya yung araw kaya napakaliwanag nya sa paningin ko… Shemay…Ang gwapo nya…Para syang nagniningning…

“Kanina ka pa?”, tanong nya…Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala sya at nakatitig pa rin ako sa kanya….

“Ka-Kararating ko lang”, nauutal kong sagot sa kanya…Sinungaling ka Yesha, kanina ka pa kaya nandito no…

“Great! Akala ko matagal ka ng nag-aantay dito…Here, I bought some breakfast…” inabot nya sa akin ang coffee at burger na mukhang tinake-out nya sa Mcdo.

“Thanks! Nag-abala ka pa..” 

“It’s okay, since di pa din ako nag-breakfast…At dahil maaga ang usapan natin, I assume na hindi ka pa din nag-breakfast…” Waaaahhhhh….ang thoughtful naman nya…umupo muna kami sa isang bench para kumain ng almusal.

Tahimik lang kami habang nagmamasid sa paligid…

“Yesha!”,

“Yes?”

“May naisip ka na ba para sa project natin?”

“Uhhhhmmmmm….meron na pero I’m not sure if maganda….I just think of a mother and child painting”, I said as I look up in the sky. “I just remembered when I was a kid, I always sit on my mom’s lap. She sings for me as she brushes my hair. Everyday, she expresses her love for me. And I can never ever forget that scenes when I was a kid. I think the love of a mother to her child is the most expensive thing that can’t be bought of any gems on earth..”

“I think that’s a nice idea…”, he said as he smile a bit… Hindi ako nakatingin sa kanya pero I think nakita ko sa gilid ng mata ko na parang lumungkot ang mukha nya…

Out of the blue, we heard a cry from a kid…

“Waaaaaahhhhhhh…..Mommy! Huhuhuhu…Mommy!” may umiiyak na bata di kalayuan sa amin.

I'm A Gangster Fangirl(On-going)Where stories live. Discover now