Chapter 9

752 15 3
                                    

***Yesha’s POV***

Nasa ibabaw ko ngayon si Nathan at nagtama ang mga paningin namin… Tila napako ako sa pwesto ko at hindi alam ang gagawin… Hindi tama ito….May nararamdaman na ba ako para kay Nathan? Pero si L lang ang gusto ko…Ang lalaking isinumpa kong mamahalin at puprotektahan buong buhay ko…

Unti-unti syang lumalapit sa mukha ko nang…

“Nat----“, biglang bumukas yung pinto nya at may lalaking biglang pumasok…

Waaaaaaahhhhhh! Bigla kong naitulak si Nathan at tumayo ako bigla…..Ang awkward…Grabe!!!!

“Sorry, nakaistorbo ata ako…Sige ituloy nyo na lang…Balik na lang ako next time.”, papatalikod na sya papunta sa pinto.

“Kai, wait!”, pigil ni Nathan sa lalaking dumating.

“Huh?”, lumingon ulit ung lalaki..

“It’s not what you think...She’s Yesha…remember?”

“Oh! Is that she? Hmmmm….Have we met before? Mukha ka kasing pamilyar…”, tanong nya sa akin habang may nakakalokong ngiti mula sa labi nya..

“I don’t think so. Ngayon lang kita nakita”, bakit parang pamilyar nga sya sa akin…..

“Hoy Kai, wag si Yesha…She’s a good friend of mine”

“Relax lang pare…Hindi ko naman sya gagalawin…”

Wala akong maintindihan sa dalawang to..

“Yesha, si Kai, bestfriend ko..”

“Bestfriend? E di sya yung may kapatid na super fan din ni L tulad ko? Waaaaahhhhhh!!!! An saya naman….Nice to meet you Kai..” hala! Hyper na naman ako basta si L ang nasa usapan.

“Ah,,,Yes…”, napakamot naman sa ulo nya si Kai. Pero ako, di talaga mawala sa mukha ko ang saya…Pano ba naman kasi may makikilala na ako na super fan ni L. I’m think magkakasundo kami…

“Pwede ko ba syang makilala?”, sobrang ngiti ang ibinigay ko sa kanya.

“Okay…” yun lang ang sagot nya na mukhang nag-aalangan pa..

“Sigurado ka ba?” Mukha kasing nag-aalangan sya..

“Yes, excited na nga rin syang makilala ka…Nabanggit na din kasi ni L este ni Nathaniel na gusto mong makilala ang kaptid ko dahil same kayo ng interest.” Medyo sarcastic nyang sagot habang nakatingin kay Nathan…Hindi ko alam ang ibig sabihin nun pero wala na akong pakialam.

Maya-maya ay tumigil na ang ulan. Tuyo na rin ang mga damit ko kaya mabilis na akong nagpalit. Hinatid na din ako ng bestfriend ni Nathan na si Kai since pauwi na rin sya. May dinaanan lang sya sa condo ng bestfriend nya na nakalimutan nya daw kunin. Kahit medyo nahihiya ako, pumayag na rin ako para hindi ko na din maabala si Nathan. E kay Kai, hindi ba ako nahihiya? Uhmmmm…mapilit rin sya dahil same lang daw kami ng way pauwi nung sinabi ko yung address ko…Tutal gabi na rin, mas safe kung sa kakilala na lang ako magpahatid.

Tahimik lang kami sa loob ng kotse nya habang bumabyahe hanggang sa nakarating na ako sa condo ko.

“Thanks sa paghatid! Nga pala, kelan ko pwedeng mameet ang kapatid mo?” excited kong tanong sa kanya…

“Next week I think…Medyo busy pa kasi sya sa school..I’ll just inform you if kelan sya pwede….”, diretso nyang sinabi….Bakit sa tono ng pananalita nya ay parang ayaw nyang ma-meet ko ang kapatid nya.

I'm A Gangster Fangirl(On-going)Where stories live. Discover now