Epilogue

53.8K 1K 62
                                    

Epilogue

5 Years Later...

ICE POV

*Tok tok tok*

"come in" malamig na sabi ko habang abala pa rin sa pag aayos ng mga gamit ko..

"hey"itinigil ko ang ginagawa ko at lumingon sa kakambal ko

"hey" tinanguan ko sya at saka ko binalik ang tingin ko sa mga damit na nakalatag sa higaan ko

"isang araw lang tayo dun Ice... andami naman yata ng dadalhin mo?" puna nya tapos ay tumabi sa akin.. itinigil ko naman ang ginagawa ko at saka humarap sa kanya..

" that's because I'm planning to stay there for a couple of weeks" sagot ko sabay buntong hininga. Napatingin naman ako sa kanya ng wala syang sinabi only to find out na nakamasid lang sya sa akin...

" what?" tanong ko

"let it out"seryosong sabi nya kaya nagtaka ako.. luh, nabaliw na ba to?

"what are you talking about?" tanong ko, tsk! Di bagay sa kanya magseryoso, nagiging magkamukha kami psh!

"Ice.. I'm your twin.. and I know, for the past 5 years, masakit" hindi na ako nakapagsalita sa sinabi nya kasi totoo... limang taon na, pero masakit pa rin...

"lahat tayo nasasaktan Ice... pero alam ko na mas masakit para sayo kasi sya lang yung unang babaeng nakapasok sa puso mo..." tumawa ako ng pilit para patigilin sya..

"come on twin.. nabagok ka ba at kung anu-anong pinagsasabi mo?? Alam natin na kung may pinaka nasasaktan man ngayon.. Si Jace yun"at saka ko sya hinawakan sa balikat para ipakita na okay lang ako..

"I know.. but that's not the point twin.. the point is, let your pain out.. masakit din para sa akin ang pagkawala nya pero mas nasasaktan ako habang nakikita kitang ganyan... twin mo ako.. magkasangga tayo diba? So let it out... promise hindi ko ipagkakalat na umiiyak ang Yelo na kilala namin" napangiti naman ako sa Sinabi nya, yung totoong ngiti at saka tumingin sa kanya..

"yes your right twin.. masakit... hanggang ngayon masakit pa rin... but I can handle it.. and I promise, kapag hindi ko na kaya.. ikaw ang unang kakausapin ko"I assured him at saka ko sya niyakap..

"hays.. ano pa bang magagawa ko? Tsk, kahit kalian ang tigas mo talaga, kahit hotness ko hindi ka kinakaya eh hahaha" biro nya kaya napatawa na rin ako

"sira ulo ka talaga" humiwalay na sya sa akin..

"bilisan mo nang ayusin yan kasi aalis na tayo" tumango naman ako kaya umalis na rin sya sa kwarto ko..

Pinagpatuloy ko naman ang pag aayos ng mga damit ko para maka alis na din kami kaagad..

-------

As expected sobrang tahimik sa Private Plane pagkadating ko don.. halos walang may gustong mag ingay at inaabala nalang ang sarili sa kani kanilang gadget...

Ganyan na talaga simula ng mawala sya.. para kasing isinama nya lahat ng saya namin kaya ngayon, kahit limang taon na ang nakalilipas ay hindi pa rin namin magawang tumawa... ngumiti pwede pa, pero minsan lang yun dahil madalas pekeng ngiti ang pinapakita namin.. lahat kami parang nakalaklak ng yelo dahil sa lamig ng pakikitungo namin sa iba maliban sa aming mga nakaka intindi sa isat isa..

She's the Boss [COMPLETED]Where stories live. Discover now