STB 46: bakulaw vs. halimaw

46.4K 1.2K 30
                                    

STB 46: bakulaw vs. halimaw

Tj's POV

" ayun!" sigaw ko nang ma-track ko na ang phone ni Ice at agad na pinasibad yung sasakyan ko.. pero hindi pa man ako masyadong nakakalayo ng biglang humarang yung mga traffic enforcer sa akin..

Itinigil ko naman ang sasakyan at saka bumaba, mukha kasing may komusyon duon sa maraming tao eh..

" anong nangyayari? May problema ba?" tanong ko agad..

" pasensya na po kayo sir, may konting problema lang po kasi kanina, pa gewang gewang po kasi yung isang sasakyan kaya nagkaroon ng traffic" sabi nya kaya tumango ako..

" sige po" yun lang at saka ako naghanap ng ibang dadaanan, gusto ko pa ngang mag wala kanina eh, buti nalang napigilan ko yung sarili ko tsk! Mas importante munang mapigilan ko yung date -.-

Mabilis kong pinasibad ang sasakyan para maabutan ko pa silang dalawa.. walang matutuloy na date, pinapangako ko yun..

Leirah's POV

" bat nandito ka pa?!" tanong nung lalaking walang modo, yung bakulaw na kala mo naman malakas eh weak pala, yung tinulak nuon si Rommel tss.. (si Cj po yun)

" pake mo?!" mataray kong sabi sabay inom nung juice ko.. natutuwa talaga ako kasi inlove na si Tyler, oo may crush ako sa kanya pero hindi naman ako yung tipong ipipilit yung sarili ko noh, saka crush lang naman kaya no hard feelings, masaya pa nga ako eh haha..

" abat-! Hoy! Bahay ko to kaya may pake alam ako! Saka bakit ka ba kasi nagpunta dito?! Nakakagulo ka lang eh!!" napantig naman ako sa narinig ko kaya sinamaan ko sya ng tingin at napatayo pa..

" hoy ka din!! Bakit ka ba nakeke alam?! Ikaw ba pinunta ko dito?! At saka hindi lang naman sayo tong bahay ah?! FYI si Tyler ang pinunta ko dito hindi ang isang bakulaw na katulad mo!!" inis na sigaw ko din, nakaka highblood eh ugh!

" a-anong bakulaw?! Hoy hindi ako bakulaw!! Ang gwapo gwapo ko para maging isang bakulaw no!! baka ikaw jan! mukha kang mangkukulam! Halimaw!!" sigaw din nya, bwisit!!

" gago ka! Ako halimaw?! Mukha mo!! Tsonggo!! Unggoy!!" ako

" baka ikaw!! Baboy!! Tabachoy!!" sya

" unggoy!!" ako

" baboy!!" sya

" bakulaw!!" ako

" halimaw!!" sya

" hep hep!!" napatigil kami ng sumingit sa gitna namin si Ace..

" ANOO?!" nagtinginan kami ng masama, bwisit to! Gaya gaya ugh!

" bakit sa tingin ko, may nabubuong love team dito?!" at saka sya ngumiti ng mapang asar.. natigilan naman ako at napatingin sa nakakasukang mukha ng bakulaw..

" SIRAULO KA BA?!" ako/sya. Bwisit! Bat ba kasi gaya gaya tong unggoy na to?!

" ay? Scripted?" tinignan ko sya ng masama..

" Shut Up!!"

" manahimik ka!!"

Bwisit! Sinamaan ko sya ng tingin at sazka dire diretsong umalis, nakakabwisit ugh!! I hate him! Bwisit talagang bakulaw ugh!

ICE POV

Nakahinga ako ng maluwag ng ngumiti sya na parang walang nangyari..

" okay!" napangiti na rin ako saka ginulo ang buhok nya, nawala na din yung awkward atmosphere sa aming dalawa na parang wala talagang nangyari..

" ugh! Ano ba?!" saka nya ako sinamaan ng tingin pero tinawanan ko lang sya saka binelatan haha, ang cute nya..

" tsk! Childish! Sigurado ka bang ikaw si Yelo at hindi si Alas ha? Baka naman nagpapalit lang kayo ng katauhan?" mas natawa naman ako hindi dahil sa sinabi nya kundi dahil sa cute na expression nya, nakataas kasi ang kilay nya tapos parang sinusuri ako na ewan, hahahaha! Hindi bagay pfft!

" nah.. ako si Ice at hayaan mo na akong maging childish kasi sa harap mo lang naman" at saka ko sya kinindatan, at mas lalo akong natawa ng mag blush sya..

" uy.. nagbla-blush sya.. iiihh.. kinikilig ka no??" at saka ko sya sinundot sundot sa tagiliran..

" ugh! Wag ka ngang makulit!" at saka sya bumaba sa sasakyan nakuha nya kasi yung remote ko, tsk! Galing talaga, hindi ko man lang napansin..

Bumaba na rin ako at sinundan sya, nang maabutan ko sya ay agad ko syang inakbayan at sinamaan ng tingin yung mga lalake, tsk! Makatingin kasi eh psh!

" problema mo?" takang tanong nya pero ngumiti lang ako at saka kinurot yung pisngi nya..

" ang cute cute mo!!" at mas lalo ko pang kinurot, ang lambot kasi, parang marshmallows wahahahaha!

" hanush bash, mashaket!!" (anu ba, masaket!)

" pfft! Haha, a-ano??" pigil tawa kong tanong..

" mashaket!!" hahahahaha!

" ano haha ulit yun?" natatawa na talaga ako this time!!

" mashaket!! Pusha---"

" hoy babae!!" at napabitaw ako dahil sa sigaw na yun..
@#@#@#@#@#@#@#

Bitin! Wahahahahaha! Ewan ko din anong trip ko XD..

Vote. Comment. Follow

_yen_

She's the Boss [COMPLETED]Where stories live. Discover now