STB 52: BOYFRIEND ka lang, ASAWA ako!

50K 1.4K 103
                                    

STB 52: boyfriend ka lang! asawa ako!

Charlotte's POV

Inis akong naglakad paalis sa office na yon leche! Malay ko ba kasing mapapatulog ako nung gagong kalaban na yon?!

At oo! Hindi ako ang may pakana nun, ano ako tanga? Bat ko naman lalasunin yung taong mahal ko? Tsk! oo na, mahal ko si james at hindi simpleng landi lang, pero nakakainis kasi laging may humaharang, lalo na yung babaeng yun, ugh! nakakapeste tuloy -.-

Kanina, hindi ko rin ine-expect yung mangyayari, basta bigla nalang kasi syang nagcollapse sa harap namin ni mr. Johnson tapos poof! Dumating na yung mga armadong nilalang at sinugod kami, at aaminin ko, malalakas sila tsk!

Nang makadating ako sa may corridor ay agad napatahimik yung mga student at saka napatingin sa akin, napataas naman ang kilay ko..

" anong problema nyo?!" bulyaw ko kaya agad silang nagbaba ng tingin tsk! kung hindi lang talaga dahil kay James hindi ko gagawin tong pagtuturo na to eh, pasalamat talaga sya lalo na yung class D na yan! Kaya palaging sumasakit ulo ni James dahil sa kanila eh ugh!

Tapos dumagdag pa yung bruhang Artemis, ugh! Sarap talagang sapukin ng pagmumukha nun, peste! Mas maganda naman ako sa kanya pero bakit naging sila ni James?! Mangkukulam pa yata yun tsk!

Bwisit! Bwisit talaga!

Tinignan ko yung relo ko at saktong magla-lunch time na pala kaya agad akong nagpunta sa cafeteria para kumain, nagutom ako eh

Pagkadating ko sa cafeteria ay napatingin na naman silang lahat sa akin kaya nagtaka ako, ano bang meron? Alam kong maganda ako pero hindi nila kailangan ipahalata na naglalaway na sila tsk!

Hindi ko nalang sila pinansin at dumiretso nalang sa may cpounter para bumili ng pagkain, pagkatapos ay nagpunta ako sa isang table dun at saka kumain..

Pagkatapos kong kumain ay agad akong tumayo para pumunta sa class D, kanina pa tapos ang klase ko sa kanila but since wala namang pumapasok na teacher sa section nila ay napagpasyahan ko na gamitin nalang yun, I maybe a bitch pero hindi ako pabaya sa mga tinuturo ko no, mahirap na, baka ako pa pagalitan ni James baby..

Napairap nalang ako dahil malayo palang rinig na rinig ko na ang kaingayan ng class D, kahit kailan talaga tsk!

At dahil naiinis ako ay sinadya kong lakasan ang pagtulak sa pinto pagpasok ko..

Kablaaagggg

Malakas na tunog ng pinto kaya napatahimik sila at napatingin sa direksyon ko.. agad ko naman silang sinamaan ng tingin..

Pero laking gulat ko ng bigla na naman silang tumawa ng malakas.. what the heck!?

" ANONG TINATAWA TAWA NYO HA?!" inis na bulyaw ko pero mas lalo lang silang tumawa, ugh! Tangina naman oh!!

Nagtagis ang bangang ko at saka naglakad papunta sa gitna.. ibinagsak ko ng malakas ang hawak kong bag sa mesa at saka sumigaw ng malakas

" PAG HINDI KAYO TUMIGIL KATATAWA, I SWEAR BUBUGBUGIN KO KAYONG LAHAT!!!" inis na sigaw ko..

" hindi mo pwedeng gawin yun, maam! Kakasuhan ka namin!" rinig kong sigaw nung isa kaya napangisi ako

" oh really? Try me" matigas kong sabi pero mas lalo silang tumawa ugh!

" bakit ba kasi kayo tumatawa?!"

" eh kasi maam, ang ganda ng make up mo!! Hahahahahahaahaha!" nagtaka naman ako

" make up?" naguguluhan kong binuksan yung bag ko at kinuha yung compact mirror ko, agad ko yung itinapat sa mukha ko at..

" aaaaaahhhh! Oh myh gosh!!" tili ko, what the fvck happened to my beautiful face?! Oh my gosh!

She's the Boss [COMPLETED]Kde žijí příběhy. Začni objevovat