STB 54: I'll try

43.6K 1.1K 50
                                    

STB 54: I'll try

Ice POV

" attention all teachers.. please proceed to the faculty office, we will have an urgent meeting"

" attention all teachers.. please proceed to the faculty office, we will have an urgent meeting"

Boses na nanggaling dun sa speaker, may emergency meeting siguro..

Habang naglalakad ako ay bigla kong nakasalubong yung isang teacher, mukhang wala sya sa mood at bigla nalang akong sinamaan ng tingin pagkatapos ay huminto, syempre huminto din ako..

" san ka pupunta?!" duro nya sa akin

" wala ka na dun" walang gana kong sabi, nakakainis talaga ang paki alamerong teacher, sarap nilang bangasan tch!

" ugh! Walang modo! Kung may balak kang mag-PDA din, hwag dito sa school!!" at saka ito dali daling umalis kaya naiwan akong nagtataka.. PDA? Sino naman ang magpi-PDA dun sa pinanggalingan nya? Unless--

" shit!" at dali dali akong tumakbo, sa pagkaka alam ko, sina Art lang ang pumunta sa direkyon na iyon at kokonti lang ang tao dun!

Tae na! pag yung gagong TJ na yun talaga ginalaw si Artemis mata lang ang walang latay sa kanya! Pucha!!

Pero napatigil ako dahil naririnig ko ang malakas na boses nila, parang nagtatalo sila.. kaya nagpasya akong sumandal nalang sa pader at makinig..

" anong ano ba?! Sino yung lalaking yon?! Totoo bang boyfriend mo sya ha?!" napangiti naman ako sa sigaw ni Tj, langya! Kahit kailan talaga napaka-seloso tsk!

" ano namang pake mo ha?! At saka asawa?! Kailan pa ako nagkaroon ng asawa?! At kung magkakaroon man ako, sisiguraduhin kong hindi ikaw iyon!!" nagtaka naman ako kasi boses yun ni art, at sa pagkaka-kilala k okay Art, hindi sya palasigaw.. pero sure akong sya yun...

" wag mong ibahin yung usapan!!" sino yung lalaking yon!!" selosong Tj

" pano kung sabihin kong boyfriend ko nga sya?! Anong pake-alam mo?!" high blood na Artemis

" may pake-alam ako babae!!" selosong Tj

" tangna!! Wala! Wala kang karapatan dahil hindi kita kaano ano!!" high blood na Artemis

" may pake-alam ako!!" selosong Tj

" at bakit?!" high blood na Artemis

" tangna ang slow mo naman eh!!" selosong Tj

" at ako pa ngayon yung slow?! Bat di mo nalang kasi diretsuhin!!?" high blood na Artemis

" ay puta! NAGSESELOS AKO BABAE!!" selosong Tj, tangna! Mukhang aamin na ang gago!!

" eh gago ka pala eh!! SA TINGIN MO AKO HINDEEE?!"

...........*speechless*

Para akong tinulos sa kinatatayuan ko at hindi ako makapagsalita.. parang siang plaka na paulit-ulit sa pandinig ko ang sinabi niya..

" eh gago ka pala eh!! SA TINGIN MO AKO HINDEEE?!"

" eh gago ka pala eh!! SA TINGIN MO AKO HINDEEE?!"

" eh gago ka pala eh!! SA TINGIN MO AKO HINDEEE?!"

" eh gago ka pala eh!! SA TINGIN MO AKO HINDEEE?!"

Nang mag-sink in sa akin ay bigla akong napa-atras para umalis, ang tanga ko! Dapat hindi nalang pala ako sumunod... d-dapat pala...

*plllaaannnnkkkk*

Napatigil ako sa pag-atras at napatingin sa lata na naapakan ko... shit!

Artemis POV

" eh gago ka pala eh!! SA TINGIN MO AKO HINDEEE?!"

Matapos kong isigaw yun ay para akong nabuhusan ng malamig na tubig, natulala lang ako habang nakatingin sa kanya.. ganun din naman sya..

Fvck! ano yung nasabi ko?! what the hell?! Paano na? paano ko na lulusutan to?! Ugh!!

*plllaaaannnnkkk*

Napabitaw ako sa kanya dahil sa tunog na iyon at napatingin sa likod.. at dahil dun nakita ko na ang magliligtas sa akin sa awkward na sitwasyong to..

Mabilis pa sa kabayo akong tumakbo palapit sa kanya

" Damien!!" at saka ko sya mabilis na hinila palayo, oo si kambal yung nakita ko.. mabuti nalang talaga at nakita ko sya, my ghaad!! Ano ba yung nasabi ko?? Waaaah shit!

" ehem... eh gago ka pala eh! Sa tingin mo ako hindi?! Bwahahahahahahahaha!" sinamaan ko ito ng tingin, tae to! Nakuha pa talaga akong asarin!

" walang nakakatawa!" inis na sabi ko pero patuloy pa rin sya sa pagtawa hanggang sa makapunta kami sa officeni James..

" damn sis! Ngayon lang kita narinig na sumigaw!! At ngayon lang kita nakitang mag-selos!! Bwahahahahaha!" inis ko syang binalingan ng tingin at tinutukan ng dagger sa leeg..

" manahimik ka" nanggigigil kong bulong.. napatahimik naman sya at kita ko ang pagtaas-baba ng adams apple nya tsk! takot din naman pala -.-

Ibinaba ko na yung dagger at nauna nang maglakad..

Pabalang kong binuksan yung pintuan ni James at padabog yung isinara, dahilan para mapatingin ito sa akin..

" the fvck Artemis? May balak ka bang sirain pinto ko?!" singhal nya pero tinaliman ko lang sya ng tingin, porke magaling na sya ganyan na asta nya?! Patayin ko sya eh tsk!

" wag mo nang kausapin yan James, pikon eh" hindi ko pa rin sila pinnasin at agad nanagkulong sa private room dito..

Pagkapasok ko ay agad kong sinuntok yung pader

" damn!" paulit ulit na mura ko..

Did I just really CONFESSED?! Nakakainis!! Bat ba kasi ako nadulas?! Oo na! mahal ko na sya at nag-seselos ako sa Leirah na yun pero fvck! Wala sa plano ko ang mag-confess!! Ugh!!

Napaupo ako sa sahig at agad kong nasabunutan ang buhok ko.. ano na? ano nang mukha ang ihaharap ko? Puta naman oh!

Pagkaraan ng ilang saglit ay bumukas ang pintuan pero hindi na ako nag-abalang tignan kung sino pa yun.. hanggang sa naramdaman kong may tumabi sa akin at inakbayan ako..

" alam mo kambal, hindi naman bawal ang magmahal sa atin" sabi nya pero hindi pa rin ako tumingin sa kanya...

Ang totoo, hindi ako natatakot na baka madamay sya sa mundo ko, kayang kaya ko syang protektahan, kayang kaya ko syang turuang protektahan ang sarili nya pag nagkagipitan.. pero ang kinakatakot ko.. ay ang matakot sya sa akin, ang kamuhian nya ako dahil sa pagiging mamamatay tao ko..

" alam kong mahal mo sya.. kita sa mata mo kambal... ngayon anong pumipigil sayo?" tanong nya, huminga ako ng malamim bago sumagot

" takot" isang salita na maraming ibig sabihin, maraming sanga..

" mahirap yan.." komento nya, alam ko yon.. kaya nga hindi pwede..

" pero Art.." napatingin na ako sa kanya dahil sa sinabi nya, pero.. may pero

" hindi masamang sumubok.. just try.. ipaglaban mo.. at kung hindi talaga pwede, saka ka sumuko" sabi nya kaya napatahimik ako..

Napansin nya yon kaya tumayo na sya..

" malaki ka na, kaya mo na yan" sabi nya at umalis..

Napahinga ako ng malalim..

" I'll try.."

@#@#@#@#@#@

Maikli lang to... gomen guys!!

Vote. Comment. Follow

_yen_

She's the Boss [COMPLETED]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora