STB 53: selos overload

49.1K 1.3K 155
                                    

STB 53: selos overload!

ICE POV

" BOYFRIEND ka lang! ASAWA ako!!"

Hindi kami nakapag-react sa sinabi ni Tj hanggang sa maka-alis sila sa class room

" woooooo! Hanep si leader! lumalove life!!"

" langya pre! Intense!"

" ang ganda nung sinabi nya ah! Magamit nga yun sa iba kong chicks!!"

" boyfriend ka lang tol!! Asawa ako! Woooooohooo!!"

" yeeeeeaaaaaah!!"

Napuno ng hiyawan ang buong classroom kaya natauhan ako at saka nagpunta sa pwesto ng kambal ni Art dahil hanggang ngayon ay tulala pa rin

Tinapik ko sya sa balikat kaya natauhan sya at napatingin sa akin!

" fvck!" akmang tatayo sana sya para sundan ang dalawa pero piinigilan ko sya

" hayaan mo na muna sila" sabi ko pero nagulat ako ng tumawa sya

" hahahahahaha! T-that's.. ahahahahahaha! That's epic dude! Asawa ako!? Wahahahahaha! Cant imagine art's face kapag nakapag-react na yun! Wahahahahahaha!" napailing nalang ako, may sayad din pala to tulad ni art!XD

" mukhang okay ka na naman, geh" sabi ko pero agad nya akong tinawag

" bakit?" tanong ko

" sino yung lalaking yon?" tanong nya

" si TJ.. karibal-este kaibigan ko" at ngumiti ako ng pilit

" so parehas pala kayo" tumatangong sabi nya

" huh?" naguguluhang tanong ko, parehas na ano??

" parehas na may gusto sa babe ko!" napaiwas naman ako ng tingin, ibang klase! Alam nya agad? Hay.. nandito na rin naman to edi sulitin na

" kung alam mo naman na pala.. hinihingi ko na ang basbas mo" sumeryoso naman ang mukha nya dahil sa sinabi ko..

" basbas?? Bakit ko naman ibibigay yun sayo?" tanong nya

" dahil mahal na mahal ko ang kapatid mo at kaya kong gawin lahat para sa kanya" determinado kong sabi

" talaga?? Kahit ano?? Kahit pa sabihin kong...*pabulong* pumatay ka?" para naman akong nabilaukan sa sinabi nya.. pero kailangan

" oo" sabi ko, bahala na

" hahaha! Ibang kalse ka bata! Sige sige.. pag-iisipan ko kung kanino ko ibibigay ang basbas ko.. sayo ba? O sa kaibigan mo" at saka sya ngumisi ng makahulungan bago umalis papunta sa kung saan

Napahinga ako ng malalim.. pakiramdam ko kagagaling ko lang sa isang napakatinding laban.. masyadong malakas ang presensya ng kambal ni Artemis at nakakatakot itong banggain..

Pero kahit ganon ay ipaglalaban ko pa rin si artemis.. kahit pa sumali ako sa mafia wala akong pake alam..

Bumalik na ako sa upuan ko pero nahagip ng paningin ko ang pintuan.. at parang may sariling buhay ang paa ko at kusang lumabas ng classroom.. at nagtungo sa daan na dinaanan nila Tj..

Half of me is saying to go back while the other half says that I need to follow them.. napabuntong hininga nalang ako

" bahala na.." at saka ako nagpatuloy sa paglalakad pa-abante

Artemis POV

TULALA

Yan ako ngayon.. para lang akong hangin na dala dala ng lalaking to sa kung saan.. parang nablangko ang utak ko.. paulit-ulit na nagple-play sa isip ko ang sinabi nya

She's the Boss [COMPLETED]Where stories live. Discover now