Chapter 5. [Piggyback]

602K 9.9K 682
                                    

5. Daniella

Teka, si Bryan?!

"Aray kooooo!" Ang sakit ng ankle ko, syet. Nasa clinic kami ngayon. At yung may kasalanan kung bakit ako andito? Si Bryan! Oo. Wala nang iba! Ang epal kasi, e!

"Sige, sampalin mo siya, paduduguin ko yang labi mo." Hinila na ako ni Bryan papalayo sa lugar na yun. Teka,

si Bryan?!

"Hoy! Ano baaaaa! Bitiwan mo nga ako." Naiinis na tiningnan lang niya ako.

"Wala ka ring utak, no? Buti nga tinulungan pa kitang makawala dun, e. Ano ba kasing ginawa mo at sasampalin ka nung babaeng yun?" inis niyang sabi. Tuloy-tuloy pa rin siya sa paghila sa'kin.

Hanggang sa makarating kami sa...rooftop? "Hoy! Bakit tayo nandito?"

Hindi niya ako sinagot. "Hoy."

Wala pa ring kibo. "Hoy."

Aba, anak ng! Naputulan ba ng dila 'tong kasama ko?

"Hooooooooy, Bryan!" Tiningnan lang ako ng mokong. May tama yata sa utak 'to, e.

"Ano?" bored niyang sagot. "Problema mo?" "Problema mo rin?"

"Wala ka ring kuwentang kausap, e! Dyan ka na nga!" Aalis na sana ako nang bigla niya akong hilahin.

"Dito ka na lang muna. Baka mamaya, anong mangyari sa'yo, e."

Dahil sa lakas ng hila niya, nawalan ako ng balanse at napaupo. Sa harapan niya. At sa kamalasan, e, na-sprain pa yata yung ankle ko.

"Hahahahaha! Gusto kitang tulungan pero naiiyak ako sa kakatawa. Hahahaha!"

Aba, tinawanan lang ako ng hudas! Ang sakit kaya! Tiningnan ko siya nang masama. Bigla naman siyang tumahimik.

"Ay. Masakit ba?"

"Nakita mo nang di ako makatayo, tatanungin mo pa ako nang ganyan? Aba, dalhin mo ako sa clinic!"

"Sus, ganti ko lang yan sa'yo. Iniwan mo ba naman ako dun sa fangirls ko," sabay ngiti.

Ayan na naman yang ngiting yan!

"May fangirls ka? Dream on! Hahahahahaha!" "Mang-aasar ka pa o tutulungan na kita?"

"Ay. Sige na, tulungan mo na ako. Hehe. Ikaw rin naman may kasalanan, e!"

"Buhatin kita, ha." At binuhat niya ako na parang bagong kasal.

OMG! Ang awkward sa pakiramdam! "Waaaaaaa! Ibaba mo ako!"

"Wag ka nang mag-inarte! Mas madali 'to," sabay smile uli.

So ayun, nakaharap ako sa guwapo niyang mukha. Wait. WTF did I just say?

"Ano ba yan! Ang lapit ng mukha mo! May bad breath ka pa naman. Yuck!"

Joke lang siyempre yun. Mabango siya. Hahahaha. Sarap asarin, e.

"Halikan kita ulit, gusto mo?" Eto na naman po kami. "Pakamatay ka muna."

"Isasama kita kapag gagawin ko yun." "Tss. Ewan ko sa'yo."

"Tumahimik ka na nga lang!"

Inis na siya kaya tumahimik na lang ako. Baka halikan talaga ako, e.

Ang Boyfriend Kong Artista. [Published book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon