Chapter 41. [Jealousy]

332K 5.7K 408
                                    

41. Daniella

Pag-uwi ko sa bahay, hinanap ko agad yung diary ko. Wala akong ibang mapagsabihan, e, kaya isusulat ko na lang.

Pero wala akong ibang nasulat kundi: Don't fall in love with Bryan Lim.

E kaso in love na nga! Sana nga kasi ganun kadaling i-resist siya. Yung sana hindi ka parang nauubusan ng hangin tuwing nginingitian ka niya. Yung sana hindi na lang siya mabait, nakakatawa, charming, thoughtful. O sana ginagawa niya ang lahat ng yun hindi dahil kaibigan ka niya kundi higit pa.

Pero hindi, e. Alam mong parang demi-god siya tapos

ikaw mortal lang. At hindi bagay ang demi-god sa mortal. Imposible ka niyang magustuhan.

Lintek na pag-ibig 'to. Maitulog na nga lang. Friday, sinundo ako ni Bryan sa bahay as usual. Mineet namin sina Erick, Allison, Andie, at Kevin sa lobby. Halatang excited lahat. Parang mga nakatakas sa lungga! Umalis sila saglit para bumili ng baon sa canteen. Mayamaya, nilapitan ako ni Kevin. Hmmm. Parang alam ko na kung bakit.

"Dee..." "Problema mo?"

"Gusto ko nang umamin kay Andie, kaso natotorpe ako." "Hay naku, Kevin, babagal-bagal ka dyan. Mamaya niyan maunahan ka ng iba."

Tinakot ko na para magtapat na. Di naman na dapat pinapatagal yun, e.

"Nakakakaba. Baka di niya ako payagang manligaw." "Papayag yun."

"Tingin mo talaga okay lang sa kanya?"

"Oo nga. Ang kulit." Nginitian ko siya at hinawakan sa kamay, pampalakas ng loob. May biglang tumawa nang malakas. Paglingon ko si Bryan saka isang kaklase namin, si Nikki, nag-aasaran.

Nagkatinginan kami ni Bryan. Nakaramdam naman agad si Kevin.

"Ay, andyan na pala si Bryan. Sige, Daniella, puntahan ko lang sila sa canteen."

"Sige."

Hindi pa rin tapos yung pinag-uusapan nina Bryan at Nikki. Akala ko lalapitan na niya ako pag-alis ni Kevin. Nainis ako. Alam niyang nandun ako pero may fine-flirt na iba. Mayamaya, tumabi sa'kin si Bryan.

"Close pala kayo ni Kevin?"

"Oo. Kasama siya sa barkada, di ba." 

"To the extent na nagbubulungan pa?"

"E ba't kayo ni Nikki? May pa-apir-apir pa nga kayo, e!" "At least hindi kami naghahawakan ng kamay."

"My God! Pinapalakas ko lang ang loob nung tao, magtatapat kasi kay Andie."

"Kahit na. Hindi ka dapat humahawak ng kamay ng ibang lalaki, okay? Ako ang boyfriend mo. Nasa contract 'yun."

Contract na naman! Puro na lang contract! Sinuntok ko siya sa braso. Nakakainis na talaga siya.

Hindi man lang niya naisip na posible akong masaktan.

Who are you kidding, Daniella? Paano niya maiisip yun, e, hindi niya nga alam na may gusto ka sa kanya?

"Hey, what's that for?"

"That's for making it seem like I'm flirting with another guy! Pakibawas-bawasan din yang pagka-friendly mo, ha?"

I stormed out of the lobby at sumunod na lang kina Andie sa canteen. Yes, nagselos ako, inaamin ko naman.

"Uy, bes, nakasimangot ka dyan!" "Nag-away kami ni Bryan."

"Away na naman? Para kayong mga bata."

Nanahimik na lang ako. Walang pupuntahan kung makikipag-argue pa ako sa bestfriend ko. After fifteen minutes, dumating na yung bus. Si Andie ang katabi ko. Buti na lang malayo si Bryan sa akin, iwas-bad trip.

Ang Boyfriend Kong Artista. [Published book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon