Chapter 49. [St-restroom]

294K 5.1K 243
                                    

49. Daniella

Nadatnan kong nagbubulungan yung ilang girls sa restroom. Bigla silang nanahimik nung nakita nila akong pumasok. I wonder kung ano na naman ang isyu this time. Kakaumay. Hindi ko na lang pinansin. Baka masira lang ang araw ko, e.

Si Bryan nasa basketball practice. Nakaka-miss pero alangan namang buntot lang ako nang buntot sa kanya. Wala, e, Mr. Extra Curricular ang peg.

Yung eksena sa restroom, naulit sa classroom. Pagpasok ko biglang natahimik yung mga tao.

Ano kayang problema ng mga taong ito? Wala akong makausap. Sina Erick at Kevin kasama ni Bryan sa basketball team. Araw-araw ang training nila kasi malapit na yung interschool basketball tournament. Pinaghahandaan nang mabuti ng Montenegro High ang long-time rival na Xander High. Sina Andie at Allison naman kasama sa cheering squad.

I feel so alone.

"Is the rumor about Bryan and Daniella true?" 

"Sabi sa akin."

"You mean palabas lang ang lahat? Para sa media?" 

"That's what I heard."

So kami na naman pala ang talk of the town? Tingnan mo nga naman, o. Ayaw talaga kaming tigilan ng mga ito.

"Uhm, excuse me? Baka gusto n'yo naman ako iinform kung ano ang balita tungkol sa amin. Di ko pa kasi alam, e," sarcastic kong sabi.

"Daniella, sorry..."

"No, don't say sorry, just tell me what's it about." "E kasi..."

"C'mon, tell me."

"Hindi raw totoo yung relasyon n'yo ni Bryan. Gumawa lang daw kayo ng agreement."

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. Paanong nakalabas yung ganung impormasyon, e, kami lang ni Bryan ang nakakaalam nun?

Sinabi ko nga pala sa barkada! Pero ba't naman nila ako ilalaglag?

"Daniella, okay ka lang? Namumutla ka," sabi sa'kin ni Anya.

"I'm okay. Ano ka ba." I faked a laugh. "Nakakatawa na lang yang mga ganyang balita. Hindi na sila napagod."

"So hindi totoo? Kayo talaga ni Bryan?" "Oo naman! Hindi ba obvious?"

"Buti naman. Akala talaga namin, press release lang ang lahat."

Nagpunta ako sa restroom para mag-refresh.

Pagkarinig ko sa pangalan ko, I stopped at the door para makinig sa usapan ng dalawang girls.

"Daniella? I actually find her plain, walang dating. So I'm not surprised na hindi totoong sila ni Bryan."

"That's so true, sis. There is no way Bryan would fall in love with that girl."

Pumasok na ako nang tuluyan sa restroom at hinarap yung dalawang girls.

"Excuse me, would you mind if I join your conversation?"

"Oh..."

Nagulat yung dalawa at halatang naging uncomfortable sa sitwasyon. Pero dahil mukhang mga brat, pinanindigan na nila yung mga nasabi nila.

"Well, we're just telling the truth, coming from your friends' mouths."

Nabigla ako sa sinabi nila. Sina Andie ang nagkalat ng tungkol sa contract?

"What truth? Alam n'yo, girls, yung spare time n'yo, wag n'yong aksayahin sa tsismis. Read books, madami sa library. Para madagdagan yung laman ng utak n'yo, hindi puro make-up, dresses, shoes, at boys. Okay? And last, you have no business meddling with people's lives. Get a life."

I walked out of the restroom. Ayokong sayangin ang oras ko sa pakikipag-usap sa mga yun. Hinanap ko agad sina Andie. They have a lot of explaining to do.

Ang Boyfriend Kong Artista. [Published book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon