Chapter 24. [Rumors]

365K 7.1K 1.9K
                                    

24. Daniella

Friday, after school, umuwi ako kaagad dahil ayokong gumala. Sinabi ko kina Andie at Bryan na kung may lakad sila, pass ako. Nakakapagod din. Hinayaan ko na lang din na sumama-sama sa amin si Bryan. Okay din naman siya, kahit mapang-asar minsan at di nawawala ang kayabangan. Yun nga lang, kapag hinahabol siya ng fans niya, damay kami. Si Andie busy din naman yata dun sa dance club. Mag-o-audition daw uli. Lakas ng fighting spirit! At may kasamang guwapo. Kevin daw ang pangalan.

Pagkauwi, balak ko sanang matulog agad pagkatapos mag-shower kaso nawala antok ko. Nag-internet na lang muna ako para magpa-antok. Mayamaya, biglang tumunog yung phone ko.

Fr: Lars

Daniella, na-print na yung newsletter! Ang ganda ng article mo! Published na rin online, check mo sa website.

Pinuntahan ko yung website namin. Magaganda nga yung mga article, pati na rin yung mga photo. Nakatulong talaga yung Photography Club sa'min. Sinilip ko yung article na sinulat ko. Grabe, ha, kaka-post lang kanina pero may 200 comments na. Ganun ba naman kasikat yung subject, e.

posted by gandako

OMG! Ang hot ni Bryan sa picture!

posted by iamsam

Very inspring story! Kudos to the writer! =))

posted by bryloverforever

Favorite color, favorite food, favorite hobbies, alam ko na! Thank you for this!

posted by jennylicious

Ang astig niya. Idol ko na siya!

posted by rocketdream

More movies pa sana! Can't wait!

posted by yomayomayoma

Suwerte ni Daniella! Siguro natutunaw siya habang iniinterview si Bryan.

Grabe 'tong si Yoma! Ako matutunaw? Puwede pa sana kung na-intimidate, e. Pero natunaw? OA naman!

Binasa ko pa yung ibang comments. Hanggang sa mapansin ko yung isang comment sa bandang dulo ng thread.

posted by anonymous21

Siya yung girl na nakita ko with Bryan sa office ng Writer's Club. And you wouldn't believe what I saw. May proof ako.

Bigla akong kinabahan. Nanuyo yung lalamunan ko at kumabog yung dibdib. Proof? Nakuhanan niya kami in an awkward situation? My God! Baka kung anong isipin nila!

Kaso, hindi umayon sa'kin ang kapalaran. Mayamaya lang nakita ko na ito.

posted by anonymous21

eto yung link ng photo, guys. ikalat nyo!

Clinick ko yung link. And it was there. Hindi siya nagbibiro. That person captured that moment na nakadagan ako kay Bryan pagkatapos ko mawalan ng balanse.

Holy shit! What am I to do? Kakalat na 'to! Paano na ako? Paano na si Bryan? Paano na kami?

I don't know how long I stared at the photo. I know I have to think of a way para malusutan 'to pero ayaw gumana ng utak ko. Nagulat pa ako nung tumunog yung cellphone ko. Ang daming nagtext, nagtatanong kung anong ibig sabihin nung nakita nila. Kami na raw ba ni Bryan?

Inulan ako ng text messages. Apat dun sobra akong naapektuhan.

Fr: Allison

Malandi ka talaga, ano? Patay ka sa Monday. Susugurin ka naming Bryanbelievers. Papasok na ako sa Monday, so get ready. Hahaha.

Sino namang tinakot ng Allison na 'to? E di bumalik siya, pakialam ko ba.

Fr: Erick

What the hell is that, Dani? Ang bilis mo naman akong palitan!

Nalungkot ako na nainis. May pakialam pa pala si Erick sa akin. Pero grabe siya, siya pa talaga ang may lakas ng loob na sabihan ako ng ganun? Siya nga 'tong two-timer, e! Sinabi ko sa kanya na wag siyang magsasalita ng kahit ano dahil wala pa naman siyang alam sa nangyari.

Noon ko lang naalala na ilang araw ko na rin palang hindi naiisip yung break-up namin. Naka-move-on na kaya ako? Pero nasasaktan pa rin ako pag nakikita sila ni Allison. A, ewan.

Fr: Bryan

Alvarez! Nakita mo na? Paano na yan? Masisira image ko kasi ikaw yung kasama ko sa picture! Huhuhu.

Nakuha pang mang-asar ng isang ito. Naku, lalo tuloy akong na-stress!

Pero sa last text talaga ako sobrang nasaktan.

Fr: Bes Andie

Traydor ka. Wag mo na akong kakausapin kahit kelan. Bahala ka na sa buhay mo.

Traydor? Ano 'tong sinasabi ni Andie? Hindi ba siya dapat ang unang-una makaintindi at dumamay sa akin?

Binalikan ko yung comments section, nadagdagan pa lalo yung hate comments. Halos umabot na sa 1000. Malandi daw ako, tapos hindi raw kami bagay ni Bryan. Bakit daw ako nasa taas niya? Kami na raw ba or sineseduce ko siya? Hindi ko na alam ang gagawin. Kung anu-ano na ang masasakit na salita na sinabi nila sa'kin

kahit wala naman silang kaalam-alam sa nangyari.

At ang pinakamasakit dito, yung taong inaasahan kong makakapitan ko, wala na rin, hindi ko na rin kakampi.

Ang Boyfriend Kong Artista. [Published book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon