Chapter 39. [Ignoring You]

310K 5.6K 396
                                    

39. Daniella

Isang linggo kong di pinansin si Bryan. Takang-taka na nga, e, iwas kasi ako nang iwas. Mabuti na yun, mahirap nang masaktan. Hindi ako sumasabay sa lunch, sa pag-uwi, sa recess.

"Dee!"

Boses ni Bryan yun. Tumakbo ako toward the opposite direction. Sakto nakatambay lang sa malapit na pergola sina Andie.

"Uy, Daniella, akala ko ba di ka sasabay sa amin?" tanong ni Andie.

Nakalapit na sa amin si Bryan, hingal na hingal. Akala naman nung iba may LQ kami kasi biglang nag-ayos ng gamit at naghandang iwan kami.

"Uy, Dee. Bakit ka ba hindi namamansin? Did I do something wrong?"

"Bryan, hayaan mo na lang muna si Daniella. Wag mo siyang piliting makipag-usap sa'yo," salo ni Andie.

Ang bilis talaga maka-pickup ng bestfriend ko! "Gusto ko lang namang malaman kung may problema ba at kung meron, ano. I'm starting to believe you're all just toying with me. Is this some kind of a prank?"

"Di namin alam kung ano ang pinagkakaganyan mo, Dani. Maski kami nagtataka. I think kelangan n'yong mag-usap ni Bryan. Guys, tara na. May mahalagang pag-uusapan ang lovebirds."

Akala talaga ng lahat may nagawang mali si Bryan. Kung alam lang nila.

"Okay, Dee, anong problema? May nagawa ba ako?" Kung alam lang niya na mababaliw na ako sa pagka-miss sa kanya. Pero wala, e, kelangan kong tiisin. 

"Wala, trip ko lang mang-snob. Bakit ba?" 

"Hindi ako naniniwala."

"E di wag."

"One week kang di namansin tapos aasahan mo okay lang sa akin?"

Natahimik ako. Na-guilty bigla.

"Wait... Are you trying to withdraw from the agreement?"

"Hindi! It's just that..." "What?"

"Tina-try ko lang kung gaano katagal na kaya kong di ka pansinin."

"Na-realize mong hindi mo kaya, no?" 

"Kaya ko kaya! Makulit ka lang, e."

"Ano ba naman kasing experiment yan? Akala ko

naman aayaw ka na sa contract. May two months pa tayo, a." Two months. Two months na lang. . .

"So intact pa rin yung contract, ha?" 

"Okay."

Nalungkot naman ako. Yung contract lang pala ang concern niya.

"Bryan, sa tingin mo, kapag nag-break tayo after ng third month ano nang mangyayari sa atin?"

"E di balik tayo sa dati."

Sumikip yung dibdib ko sa sinabi niya.

Sana ganun kadaling bumalik sa dati.

"Friends," dagdag pa niya. "Well, that's good!"

Nag-thumbs up pa ako. Galing kong umarte! Yung totoo gusto ko nang umiyak doon pa lang.

"Okay lang sa'yo na bumalik tayo sa dati?" seryosong tanong niya.

"Well, wala naman tayong choice, di ba?"

I looked away. Di ko kayang tingnan siya sa mata. "Baka lang puwedeng i-extend yung contract o di na matapos..."

Nabigla ako sa sinabi ni Bryan kaya napalingon ako sa kanya.

"Anong sabi mo?"

"Wala. Sabi ko, balik na tayo sa classroom, magbe-bell na."

I'm sure iba yung sinabi niya. Di ko nga lang alam kung ano.

Sabay-sabay kaming umuwi nung hapon na yun. One happy barkada na ulit. Ayos na ang lahat.

Yung puso ko na lang ang hindi.

Naisip ko, kung patuloy kong iiwasan si Bryan, lalo ko lang siyang mami-miss, lalo lang lalalim yung feelings ko for him. So siguro hahayaan ko na lang. Kapag tapos na ang agreement namin, mawawala na rin siguro 'to. Ang importante sa ngayon, hindi niya mahalata.

Natatakot ako. Baka pag nalaman niya na may feelings ako para sa kanya, iwasan niya ako. Hindi ko yata kakayanin.

Ang Boyfriend Kong Artista. [Published book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon