Chapter 44

16.9K 337 23
                                    

Cassie's POV

"You're schedule for today ma'am is meeting with Mr. Alexander Lee at 2:00 pm. And a dinner meeting with your brother, Mr. Christian Montenegro." I just nodded to my secretary and she went out.

Paano ko pakikitunguhan si Alex pagkatapos ng nangyari kahapon? Ano ba ang dapat kong sabihin sa kaniya pagkatapos niyang magpaliwanag?

Flashback

Hindi ko alam kung bakit pumunta ako dito sa Apartment ko dati nung nag-aaral pa ako sa L University. Pumasok naman ako, malinis pa naman ito at may stocks pa, pinabili ko na to kay Kuya, minsan kapag stress ako dito ako pumupunta.

Aalis na sana ako pero napansin kong umuulan ng malakas. Dito muna siguro ako magpapalipas ng gabi.
Papasok na sana ako sa kwarto ko nang narinig kong bumukas ang pinto at niluwa si Alex doon.

"Why are you here?" tanong ko sa kaniya.

"Dito sana ako magpapalipas ng gabi. Umuulan kasi." simpleng sagot niya.

"Paano ka nakapasok dito? Eh nilock ko na ang pinto?" takang tanong ko sa kaniya.

"Remember, binigyan mo ako ng susi?" sabi niya at pinakita pa yung susi. Oo nga pala. Tss.

Pumasok na ako sa kwarto ko at hinayaan ko na lang siya. Matutulog na lang sana ako kaya lang naisipan kong uminom muna ng tubig kaya lumabas muna ako sa kwarto ko.

Nakita ko naman siya na nakahiga sa couch. Hindi pa nga siya kasya, dahil matangkad siya at hindi naman mahaba ang couch ko. Uminom muna ako ng tubig at pinuntahan ko siya.

"Alex." pagtawag ko sa kaniya at tinapik tapik ko pa ang pisngi niya. Umungol naman siya at minulat na niya ang kaniyang mata.

"Bakit?" paos niyang tanong.

"Dun ka na lang sa kwarto. Hindi ka kasya diyan atyka malamok din diyan." sabi ko sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang nagudyok sa akin para patulugin ko siya sa kwarto.

Hindi ko na siya hinintay na magsalita at pumasok na ako sa kwarto. Saktong pagkahiga ko ay bumakas ang pinto at pumasok siya. Humiga na rin siya sa kama ko.

Nakatalikod ako sa kaniya. Matutulog na sana ako kaya lang narinig ko ang boses niya.

"Cassie." Hinayaan ko na lang siya nagtulugtulugan.

"Cass, I'm sorry. I'm really really sorry. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin to sayo. Kaya kahit alam kong tulog kana ay sasabihin ko pa rin sayo to." seryosong sabi niya. Nakinig naman ako pero hindi pa rin ako nakaharap sa kaniya. Nakasarado pa rin ang mga mata ko na para bang tulog.

"Totoo na nagsimula lang sa deal ang lahat. But believe me or not minahal kita. Nung una, ginagamit lang kita para pagselosin si Trixie, pero hindi rin nagtagal yun." Hindi ko namalayan tumutulo na pala ang luha ko. Kinagat ko naman ang labi ki para hindi niya ako marinig.

"Ang gago ko nga eh, dahil nagawa ko yun. Mahal na mahal kita pero alam ko naman na hindi mo ako agad mapapatawad dahil sa ginawa ko. Remember, I texted you nung nasa airport ka? At sinabi kong pupuntahan kita? Alam ko na naghintay ka Cass. Pero hindi ako dumating kasi naaksidente ako nun." Mas lalo ko namang diniinan ang pagkagat ko sa labi ko. Sh*t! Bakit? Bakit siya nagpapaliwanag ngayon?

"Gusto gusto kitang sundan pero hindi ko magawa. Kasi alam ko na pangarap mong mag-aral sa Paris, pero hindi mo tinanggap yun kasi ayaw mo akong iwan." Narinig ko na nagcracrack na rin ang boses niya. Umiiyak din kaya siya?

"I-i'm sorry, kung hindi kita sinundan sa Paris.  Ayoko lang hadlangan ang pangarap mo. I just want to see you happy kahit na nahihirapan ako. Kahit alam kong nasasaktan ka hindi kita magawang lapitan. I'm such a jerk dahil sa mga panahon na umiiyak ka ay wala ako. Nang dahil sa mga panahon na yun hindi mo ako kasama. Ang gago ko diba? Kasi yung babaeng nagpabago sa akin sinaktan ko. I'm very proud to you baby, nung grumaduate ka, nung narating mo ang pangarap mo." Hindi ko kaya ang lahat ng sinasabi niya ngayon. All this time akala ko hindi niya talaga ako mahal kaya hindi siya nakapunta. Sh*t!

"You wanna know my secrets? Christian Montenegro is my bestfriend in bussines world. Siya ang tumulong sa akin sa mga panahon na hindi ko pa kayang ihandle ang company. Alam ko that you're a princess and you're not a nerd or poor young lady. Alam ko lahat Cass. Kung bakit kayo nagbreak ni JB, kung bakit ka naging playgirl at kung bakit ka naging nerd. Nung nasa Paris ka, alam ko lahat ng ginagawa mo. I know that JB is courting you again. Tuwing birthday mo nandun ako, pero hindi lang ako nagpapakita sayo." Too many revelations, hindi ko ata kaya to.

"I'm sorry Cass and I love you so much. Para akong gago dito, kinakausap ko yung tulog. Sana masabi ko to sayo kapag gising ka." Yun na lang ang huli niyang sinabi. Baka natulog na siya.

Basang basa na ang mukha ko. Paano ba to? Anong gagawin ko? Argh!

"I know that you're awake babe." Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Alam niya na gising ako? Ano pa ang mukhang ihaharap ko sa kaniya.

"I hope you can forgive me." seryosong sabi niya.

"I can forgive you and I will forget all the things that you did to me, but not this time." malamig kong sabi at pumikit na ako para makatulog.

Sana kaya ko siyang harapin bukas. Sana.

End of Flashback

Tinawag na ako ng secretary ko at sinabing 10 minutes na lang at magiistart na ang meeting ko with Alexander. Inayos ko na ang mga gamit ko at pumunta na sa conference room.

Mga ilang minuto din ay dumating na si Alex. Wala siyang kasamang secretary? Nevermind.

Nagstart naman ang presentation ko sa kaniya, ngunit hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata niya.

"Hey Ms. Montenegro, why can't you look at me direct to the eye?" diretsong tanong niya. Humahanap pa ako ng sagot ngunit nagsalita siyang muli.

"Akward? Drop that." seryosong sabi niya.

Hindi ko pa rin pala alam kung paano ko siya pakikitunguhan after nung gabing iyon.

"Look Cass, kung iniisip mo lahat ng sinabi ko sayo kagabi, kung nagsisinungaling ba ako o hindi. I'm not lying Cass, i'm just stating the fact. I want to start with a new life with you. I know na kasalanan ko ang lahat kung bakit naging ganto tayo. Kung sanang hindi kita ginago." seryosong sabi niya. Tumayo naman siya at lumapit sa pintuan, akala ko aalis na siya pero nilock niya pala yun.

Lumapit naman siya sa akin. Hinawakan niya ang dalawa kong pisngi at pinaharap niya ako sa kaniya. Tumingin naman ako sa mata niya, love? Lonely? I don't know kung anong nasa isip niya ngayon.

"I'm sorry for everything. Please give me a chance. I will prove to you that I love you. Just give me a chance Cass, I will court you again. We will start again. Hindi na kita sasaktan. I love you so much Cassie, and I will do everything just come back to me. Baby please." He's pleading now. What I will gonna do? Give him a second chance? Or what?

Kaya ko na ba? Kaya ko na bang magmahal muli? Hindi nga ba niya ako sasaktan? Kaya ko bang isugal ang puso ko? Can I break the walls that I made for him? Can I trust him again? Can we start a new one?

A/N:

JUST A SURVEY. ANONG GUSTO NIYO? HAPPY ENDING OR SAD ENDING? PARA KASING MAS GUSTO KO ANG SAD ENDING BUT NOT REALLY SURE, BAKA MAGBAGO PA YUNG ISIP KO.

The Princess turns to a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon