Chapter 39

17.7K 325 16
                                    

Cassie's POV

Pinagbuksan naman ako ng driver ko at bumaba na ako. Andito ako ngayon sa isang orphanage sa may Pampanga. First charity work ko to as the CEO of the Montenegro Clothing Line.

Pagkapasok ko dito ay namangha ako, sobrang linis ng lugar. Napangiti na lang ako ng naalala ko noong bata pa ako sinasama ako ni Daddy sa mga gantong lugar.

Pinuntahan ko naman ang mga bata sa may garden ng orphanage.

Napangiti na lang ako sa nakita ko, ang sasaya ng mga bata habang sila ay naglalaro.

Nang oras na ng pagkain ay naghanda na ang mga ibang volunteer. Tumulong naman ako sa pagbibigay ng mga pagkain sa mga bata.

Pagkatapos naming mamahagi ng mga pagkain. Pumunta ako sa isang grupo ng mga bata at umupo sa tabi nila.

"Hello." nakangiti kong bati sa kanila.

"Hello po." sabay sabay na bati naman nila sa akin. Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan sila.

"Salamat nga po pala." sabi sa akin nung isang lalaking bata na sa tingin ko ay limang taong gulang pa lang.

"Para saan?" tanong ko naman.

"Para po sa pagkain." ngumiti na lang ako sa kaniya.

"Alam niyo po, ang ganda ganda niyo." dugtong niya pa.

Napatawa na lang ako sa sinabi nung bata.

"Oo nga po." pangsang-ayon naman ng iba.

"Thank you." nakangiti kong saad sa kanila.

"Bagay po kayo ni Kuya Xan." sabi nung isang cute na bata.

"Kuya Xan?" sino kaya yung lakaking yun? Tumango na lamang siya dahil busy siya sa pagkain niya.

"Sino siya?" pagtanong ko.

"Isa din po siya sa tumutulong sa amin." nakangiting sabi nung bata.

Napangiti na lang din ako.

Pagkatapos nilang kumain ay naglaro sila ulit at binigyan na namin sila ng mga gamit tulad ng damit, sapatos at iba pang personal na kagamitan.

Habang nagpapaalam ako hindi ko maiwasang maiyak. Sa totoo lang naaawa ako sa mga batang to. Ang babata pa lang nila pero wala na silang mga magulang.

"Hanggang sa muli po Ate Cassie." paalam sa akin ng mga bata.

Pagkatapos noon ay umuwi na ako sa Manila.

--------

Jessie's POV

"Jess!" sigaw sa akin ni kuya.

Paano ba naman kasi nakain ko yung gawa niyang lasagna. Hahaha. Akala ko kasi sina manang ang nagluto nun, kaya kinain ko ng walang paalam.

"Jess! Bumalik ka nga dito!" galit na sigaw ni kuya. Andito kasi ako ngayon sa may garden, hanggang dito rinig na rinig ko sigaw ni kuya.

Nabigla na lang ako ng may bumuhat sa akin.

"Waaaahhh! Put me down kuya!" sigaw ko sa kaniya. Nahihilo na ako.

"Ahhh!" sigaw ko. Paano ba naman tinapon niya ako sa pool.

Pagkaahon ko, ayun tawa ng tawa.

Sinamaan ko naman siya ng tingin, pero wala pa din. Tawa pa rin siya ng tawa.

Ang kulitan namin natuloy sa swimming. Hahaha.

Habang nagpapahinga ako sa may gilid ng pool. Tinanong ko naman si kuya na nasa tabi ko lang.

"Kuya? Do you know that Ate Cassie is here?" tanong ko sa kaniya habang nakatingin sa malayo.

"Yup." Napatingin naman ako dahil sa sagot niya.

"How?" takang tanong ko.

"Source, my 'lil sister." nakangiti niyang sagot.

"Tss. Alam mo ba na, nakabungguan ko siya nung isang araw." pagkwento ko sa kaniya.

"Kailan? At paano?" tanong niya.

"Remember, nung nagmall tayo? Tapos yung natagalan ako?" Tumango naman siya bilang sagot sa tanong ko.

"Papunta na sana ako sa meeting place natin ng makabunggo ako ng babae, at yun si ate Cassie." aniya ko.

"Alam mo kuya, lalo siyang gumanda. Hindi na nga siya nerd eh." dugtong ko.

Magtatanong pa sana siya pero lumangoy na ako palayo sa kaniya.

"Masyado tayong seryoso eh. Hahaha." sigaw ko atyka lumangoy na.

-------------------------------------------------------------

A/N:  MUST READ

MAGIGING BUSY MUNA PO AKO, BAKA PO MATAGALAN AKONG MAGUPDATE AND INEEDIT KO PO ANG TPPTAN.

Sino kaya si Kuya Xan? New Character ba o hindi? Abangan na lang natin.

HOPE YOU UNDERSATND :)

The Princess turns to a NerdWhere stories live. Discover now