Chapter 23

15.8K 326 8
                                    

Trixie's POV

Andito ako ngayon sa isang Coffee Shop, nakakatamad kasing pumasok eh.

Bigla naman akong napangiti, naalala ko kasi yung nangyari kagabi eh. Galit na galit si alexander kay Cassie. Buti nga sa kaniya. Buti na lang nakita ko silang pababa ng hagdanan kaya hindi na ako lumaban.

Simula pa lang yan Cassie, maghintay ka lang. May susunod pa. *smirk*

"Hi, i'm sorry i'm late." Nagsmile naman ako sa kaniya.

"It's ok Alexander." Yup, si alexander ang kausap ko. Nakipagkita kasi siya sa akin eh.

"Look trix, sorry sa mga nagawa ni cassie." Sabi niya, kung alam niya lang na ako yung may kasalanan.

"Ok lang, pagsabihan mo na lang siya." Plastik na kung plastik, aba syempre dapat ako ang mukhang kawawa.

"Anong nangyari diyan sa pisngi mo." Tanong niya habang hawak niya yung kanang pisngi ko.

"Napalakas ata yung sampal sa akin ni Cassie eh, kaya bumakat." Si cassie na talaga yung may kasalanan niyan. Yung b*tch na yun. Makikita niya.

"Sumosobra na siya ha. Ako na ang bahala sa kaniya." Sabi niya, kita ko sa mata niya ang galit.

"No, wag na Alexander."

"No, sinaktan ka niya." Napatango na lang ako. Sana magbreak na sila. Humanda ka Cassie *smirk*

Ayeisha's POV

"Loko pala yung trixie na yun ha. Kala ko pa naman mabait." Sabi ko kay besty, nakwento kasi sa akin ni best yung nangyari eh.

"Hayaan mo na lang siya yeisha. Ako na ang bahala." Loko to, naging nerd lang bumait na siya. Nako kung siya yung bad girl na kilala ko, tiyak basag na yung mukha nung trixie na yun.

Akala mo anghel may tinatago pala.

"At eto pa ha, kinampihan niya pa si trixie. Gosh! Ikaw yung girlfrien eh." Nahihigblood ako sa dalawang yun. Loko yung alex na yun ha.

"Hayaan mo na yeisha, secret muna natin to ha." Sabi niya, wala na rin akong magagawa eh. *sigh*

"Sige na nga." Sabi ko at niyakap ko siya.

Umiyak siya ulit. Ano ba yan, 2 years ko na siyang hindi nakikitang umiyak eh, ang last niyang dahilan kung bakit siya umiyak ay dahil kay..... secret, malalaman niyo rin. Hihihi.

"Tama na best." Sabi ko habang hinihimas ko yung buhok niya.

"Best!" Tawag ko kay best. Pagtingin ko tulog na. Sus. Ano ba yan.

Inalalayan ko na lang siyang humiga, tutal asa kama naman kami eh.

Paghawak ko sa noo niya, hala ang init niya. Nilalagnat siya. Anong gagawin ko? Di ako marunong magalaga ng may sakit. Naman eh.

Sino ba ang tatawagin ko? Si Alex.

Calling Alex

(Napano ka?) Wow ha, wala ng hello.

(Eh kasi si cassie---) pinutol na niya ang sasabihin ko.

(Wala akong pakeelam sa kanya!)

*toot*toot*toot*

End call

Argghhh! L*tche ka Alex! Sino ang tatawagin ko?

Ahh, si kuya Christian.

Calling Kuya Christian

(Hello?) Bati niya.

(Kuya?)

(Bakit Ayeisha?)

(Kasi... kasi si cassie nilalagnat eh.)

(What!? Sige, papunta na ako diyan.)

Hindi na niya ako pinagsalita, binaba na niya yung phone. Wow lang ha. Kanina pa ako nababaan ah.
-,-

After ilang minutes dumating na si Kuya Christian.

"Sige na, ayeisha. Uwi ka na, ako na ang bahala kay Cassie." Sabi ni kuya christian.

Tumango na lang ako, at umalis na.

Christian's POV

Bakit kaya siya umiyak? Pano ko nalaman na umiyak siya? Nilagnat kasi eh. Tuwing umiiyak siya, nilalagnat siya. Di ko din alam kung bakit.

Pero bakit nga siya umiyak? Baka naman pinaiyak siya ni alex. Hindi ko na kasi natanong kay Ayeisha, kung bakit siya umiiyak eh. Hinaplos ko naman yung mukha niya.

"Subukan lang nila na paiyakin ka, ako ang makakalaban nila."

Kuya niya ako, ako dapat ang tigapagligtas niya.

Malaman ko lang kung bakit siya umiyak, humanda sa akin ang nagpaiyak sa kaniya.

"Its not my fault! Siya ang nauna." Pagkakita ko naman sa kaniya, nakapikit siya pero may mga luhang tumutulo.

Niyakap ko naman ang kapatid ko.

"Shhh." Bakit? Ano ba ang nangyari?

Pagkatingin ko ulit sa kaniya. Nakatulog na siya.


Alex POV

"Bro! Bakit nandito ka? Di mo man pinuntahan si cassie." Sabi sa akin ni Jaycee. Andito kasi ako ngayon sa bar ng biglang sumulpot to.

"Tss."

"Nilalagnat kaya siya." What!? Nilalagnat siya? Bakit naman?

"So di mo alam?" Tanong niya.

"Tss."

"Loko to, girlfriend ko yun tol, tapos di mo alam ang nangyayari sa kaniya?" Edi siya na ang may alam.

"Eh nagaway kami eh." -,-

"Ahh, kaya pala nung tinawagan ka ni Ayeisha, binabaan mo daw." So kay Ayeisha niya pala nalaman.

"Eh sa galit pa ako sa kaniya." Nakakabwisit kasi eh.

"Bakit naman?" Tanong niya.

"Samin na lang yun tol."

"Ge. Una na ko." Tapos umalis na siya.

Kamusta na kaya siya? Bakit naman siya nilagnat?

-------------------------------------------------------------

A/N :

Lame ba? Sorry. Pinilit ko lang magupdate. Hihihi. May sakit kasi eh, kaya ganyan ang kinalabasan.

Short update lang pala to. :)

The Princess turns to a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon