Chapter 27

16.1K 308 25
                                    

Kaye's POV

What the! Bakit alam ni Trixie yung about sa deal. Hahaha. Nakakafrustrate.

Para na akong baliw dito sa kwarto ko, sinasabunutan ko sarili ko, pagulong gulong ako sa kama ko. Kasi naman eh. Paano niya nalaman?

Flashback

Andito ako ngayon sa Park, makikipagkita daw si Trix eh, himala nga sa park.

"Hi twin sis!" Bati niya sakin tapos nakipagbesobeso.

Bati na kami, pero di na bumalik yung dati.

"So, bakit mo ako pinapunta dito?" Agad na tanong ko, kasi naman eh busy ako.

"Ahmm, I just want to ask you something." Sabi niya. Ano kaya yun.

"Go on."

"About the deal." Seryosong sabi niya. Napakunot naman ang noo ko. Deal? Anong deal?

"What deal?"

"Yung deal na paibigin si Cassie ni alex. You know. Yung deal ng mga boys." Wha-what!? Paano niya nalaman yun.

"How did you know that?" No way! Di niya pwedeng malaman yun.

"My source. By the way may question is, tuloy pa ba yun?" Ano ang sasabihin ko?

"I think..... I think no, inlove na si alex kay Cassie eh." Yan na lang ang sinabi ko. Kasi alam ko may plano siya. At gagamitin niya yung deal na yu..

"Ohkay" tapos she smile evil. I know that smile. Gagamitin nga niya.

End of Flashback

Arrghhh! Kailangan kong balaan si Xander, mag-aaway sila ni cassie pag nalaman ni Cass ang deal or worst eh maghiwalay sila.

"Revenge"

Bigla kong naalala yung sinabi ni Xander. No way! Ayoko nang bumalik sa buhay ni xander si Trix. I need to do a plan, para di malaman ni cassie yun. Dahil alam ko sa huli ay iiwan pa rin ni trix si alex. Kaya no way.

Kasi naman eh! Anong alam nila. :3

Eh pano ko sasabihin kay Xander kung mas mahal niya si Trixie. Nga naman oh.

Bakit kasi hindi ko sila napigilan nun? Naman eh. Edi sana wala na akong problema ngayon. Ako ang naiipit eh. Arrghh.

Caslex ako, ahahaha. San ko naman nakuha yun?

Bagay na bagay kay Xander yung kantang mahal ko o mahal ako. Hahaha.

Sinong pipiliin ko, si trixie ba na mas mahal ko o si cassie na mahal ko din.

Hahaha. Nababaliw na nga ako.

Alex POV

Nakakailang beer na ba ako? Ewan ko. Pero alam ko di pa ako lasing. Malakas kasi ang alcohol tolerance ko eh.

Bakit nga ba ako umiinom? Ahh, naguguluhan na kasi ako eh.

Mas mahal ko si trixie pero hindi ko kayang iwan si cassie.

Argh! Bat parang nagbabago ang isip ko? Nababaliw ka na talaga Alex.

Mahal mo si trixie ok? Siya lang. Si cassie, ginagamit mo lang siya para pagselosin si Trixie, at para mabawi mo na siya. Naiintindihan mo?

------

Arrghh! Ang sakit ng ulo ko. Hangover -,-

Bigla naman may kumatok sa pinto. Malamang -,-

Di na siguro nakapagintay na buksan ko yung pinto, pumasok na kasi eh.

"Good Morning Kuya." Kapatid ko lang pala.

"Why are you here?" Tanong ko sa kaniya habang nakadapa pa. Eh ang sakit pa ng ulo ko eh -,-

"Ahmm, ate trixie is here." Sino daw ang nandito?

"Who?"

"I said ate trixie is here." S trixie? Andito? Bigla naman akong bumangon.

"Ang bilis bumangon ha. Akala ko ba may hang over ka?"

"Tss." Papaso na ako ng banyo ng bigla siyang nagsalita.

"Wala naman si ate trixie dito kuya. I'm just kidding." Sabi niya tapos mabilis na tumakbo papalabas ng kwarto ko.

"Arrgghhh! Lagot ka talaga sa akin Jes!" Sigaw ko.

Naisahan nanaman ako nun. Humiga ulit ako sa kama. Wala naman pala si Trixie eh.

Wait. What? Makakahalata niyan si Jes, arrghhh!

------

Asa rooftop ako ngayon, nagpapahangin lang nang biglang bumukas ang pinto ng rooftop

"Hi kuya!" Kapatid ko lang pala.

"Sungit." Tss

"Why are you here?" Tanong ko sa kaniya. For sure may kailangan yan.

"Nothing." Sabi niya. Liar

"Tss. Sabihin mo na."

"Fine. Bakit kanina nung sinabi ko na andyan si Ate trixie bigla kang nagmadaling bumangon?" Napakastraightforward naman ng kapatid ko.

"Wala lang."

"Wala lang daw. Aminin mo nga kuya, mahal mo pa ba si ate trixie?" Nabigla naman ako sa tanong niya. Can I trust my sister?

"Silence means yes." Tapos nagtatawa pa siya. Tss.

"Eh paano si Ate Cassie?" Ayan na. Nabisto na.

"I love her pero mas mahal ko si Trix." Inamin ko na sa kapatid ko. Kapatid ko naman siya, for sure hindi niya pagsasabi yan.

"Ang complicated naman ng love life mo kuya." I agree with her. Napakagulo. I don't know kung sino ang pipiliin ko.

"Example kuya, kinidnap silang dalawa, then isa lang ang pipiliin mong iligtas. Sino ang ililigtas mo?" Napakunot naman ang noo ko sa tanong niya.

"Sagutin mo na lang."

"I don't know." Yan na lang ang sinagot ko.

"Hay ewan ko sayo kuya. Dapat habang maaga pa kuya alamin muna kung sino ang pipiliin mo. Ingat lang kuya ha." After niyang sabihin yun umalis na siya.

Sino nga ba ang pipiliin ko? Si cassie o si trixie?

-------------------------------------------------------------
A/N:

Ang tagal kong magupdate.

Nagkawriter's block eh.

Caslex o Trilex? Hahaha. Comment na dali. :)

The Princess turns to a NerdWhere stories live. Discover now