Chapter 42

17K 333 7
                                    

Alex' POV

Andito ako ngayon sa kwarto ko, nakahiga sa kama ko at nakatingin sa kisame.

Naalala ko nanaman yung panahon na bugbog sarado ang inabot ko sa Kuya ni Cassie.

Flashback

"Tarantado ka! G*go!" Tapos sinuntok niya ako ulit.

Nanghihina na ako, puro pasa na ang ang mukha at katawan ko. Sinugod lang naman ako ni Christian Montenegro sa bahay namin at binugbog.

"T*ngina mo! Bakit mo niloko ang kapatid ko ha!" sigaw niya sa akin habang nakahawak sa kwelyo ng damit ko.

Christian Montenegro, ang kuya ni Cassie Montenegro na mahal na mahal ko.

"Akala ko ba ok na tayo? Diba sabi mo hindi mo siya lolokohin at mamahalin mo siya ha!" sigaw niya.

Binitawan na niya ako, umupo naman siya sa tabi ko. Umupo na din ako at pinunasan ang labi ko na may dugo.

"Ang sabi mo aalagaan mo siya, pero ano?"

"Sorry." yan lang ang nasabi ko.

Oo, alam ko na mayaman si Cassie. At kilala ko ang pamilya niya. Christian Montenegro, kaibigan ko sa business world.

Small world, right?

"Asa Paris siya ngayon, susundan mo ba siya?" mahinahon na tanong niya.

Umiling naman ako bilang sagot.

"Bakit?" takang tanong niya.

"Gusto kong matupad niya ang pangarap niya. Diba dapat dati pa siya pupunta sa Paris? Pero hindi siya tumuloy? Kasi ayaw niya akong iwan. Gusto kong maging masaya siya kaya hahayaan ko muna siya." sabi ko sa kaniya.

He just tap my shoulder at iniwan na niya ako.

End of Flashback

Alam kong mayaman si Cassie, pati na ang barkada. Kaya hindi na kami nagulat na siya na ang bagong CEO ng company nila.

Lahat ng ginagawa ni Cassie alam ko. Pati na rin ang panliligaw ni JB, alam ko. Alam ko ang lahat ng tungkol sa kaniya.

Noong mga panahon na umiiyak siya nang dahil sa akin nandun ako. Tinitignan siya sa malayo. Hindi ko siya magawang lapitan.

Pero as time goes by nakapagmove on na daw siya.

Buti pa siya, ako kasi hindi pa eh. Mahal na mahal ko pa din siya. Siya lang ang babaeng minahal ko ng ganto.

Flashback

"I love you Alexander Lee!" sigaw niya.

Andito kami sa may burol.

"Mas mahal kita Cassie Montenegro!"

Humarap naman siya sa akin at niyakap ako.

"I love you." bulong niya.

"I love you too."

End of Flashback

Kung pwede ko lang ibalik ang panahon, binalik ko na. Napakatanga ko kasi eh, bakit ko nga ba nagawa yun? Hay, pero kung hindi ako pumayag sa deal magiging kami kaya?

Sorry Cass, hindi ko natupad ang pangako ko sayo.

Flashback

"I love you Cassie Montenegro, ikaw lang wala ng iba. Hindi kita lolokohin, aalagaan at mamahalin kita. Tayo magpapatunay ng forever. Ikaw lang at ako. This is my oath to you." nakangiti kong sabi sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit.

End of Flashback

-----

Kakapasok ko pa lang sa opisina kasunod ang secretary ko.

"What is my schedule for today?" I asked to my secretary.

"Ahmm, 10:30 meeting with the CEO of the M Company's then Lunch meeting with the board. That's all sir." I just thanked my secretary.

Lumabas na rin siya.

May meeting pala ako kay Christian, makapaghanda na nga.

Habang chinecheck ko ang report ko para sa next week, tumunog naman ang intercom ko.

"Sir, andito po si Mr. Christian Montenegro." sabi ng sekretarya ko.

"Papasukin mo na siya."

Pumasok naman ang CEO ng Montenegro Clothing Line na si Christian Montenegro.

"What's up bro?" bungad niya sa akin.

Nakipagmanly hug naman ako.

"10:30 palang ang meeting natin ha." saad ko.

"Hindi kasi ako pwede mamayang 10:30, kaya pumunta na ako ngayon." sabi naman niya

Tumango na lang ako.

"So, bakit ka nga pala nagpappointment at sinabi mong may meeting tayo?" tanong ko habang nakatitig pa rin sa monitor ko.

"Wala lang. Just wanna ask kung nakita mo na ba ang kapatid ko?" Napatingin naman ako kaniya.

"For sure nagkita na kayo sa welcome party niya." dugtong niya.

"Tss."

Napatawa na lang ang gago.

"So ano nga, anong balak mo?" tanong niya habang tinitignan ang mga pictures sa table ko.

"Ganda ng kapatid ko dito." saad niya habang nakatingin sa picture frame.

Oo, nakita niya yung mga pictures sa table ko. Alam namam niya yan eh.

"Plano? Wala nga eh. Tulungan mo nga ako." sabi ko sa kaniya.

"Aba, bahala ka diyan bro." nakangisi niyang sagot.

"Umalis ka na nga dito." walang emosyon kong sagot.

Tumawa lang ang gago.

"Ano na nga?" seryosong tanong ko.

"Edi magpaliwanag ka sa kaniya. Ipaliwanang mo lahat lahat." seryosong sabi niya.

"Paano ko gagawin yun?" tanong ko habang nakatingin sa kaniya.

"Puntahan mo siya sa opisina niya o kaya sa bahay." suggestion niya.

"Paano kung hindi niya ako pinakinggan?"

"Papakinggan ka niyan." sabi naman niya.

"Paano kapag ayaw na niya?" tanong ko nanaman sa kaniya.

"Bahala ka diyan gago, ikaw ang may gusto niyan eh." seryosong sabi niya.

Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Easy." natatawang sabi niya.

"Tss."

"Basta bro, goodluck na lang sayo." sabi niya.

"Umalis ka na nga." walang emosyong sabi ko.

"Eto na nga. Hahaha, bahala ka na bro. Goodluck na lang." Yun na lang ang sinabi niya at lumabas na sa opisina ko.

Nahilot ko na lang ang sentido ko.

Ano ang gagawin ko?

Paano ko sasabihin sa kaniya ang lahat? Paano ko ipapaliwanag sa kaniya ang lahat?









A/N:

ANO KAYA ANG GAGAWIN NI ALEXANDER? PAPAKINGGANG KAYA SIYA NI CASSIE? MANINIWALA BA SI CASSIE SA PALIWANAG NI ALEXANDER?

COMMENT YOUR ANSWERS.

The Princess turns to a NerdWhere stories live. Discover now