Epilogue

7.8K 164 14
                                    

Matagal na panahon ko na siyang hinihintay.

Hanggang ngayon naghihitay at maghihintay pa rin.

Pero hanggang kailan?

---
"Mommy!!" lumalagunos na lumapit sa akin si Jordan at niyakap ako.

"Ano 'yun Mahal ko?" umupo ako at kinandong siya.

"I got this, this, also this one and this four stars!" magiliw sabi niya habang pinapakita ang star na tatak sa braso niya at 'yung apat na papel na bituin din.

"Wow! Very good naman ng baby ko. At dahil sobrang galing ni Jordan ko, gagawa tayo ng cake!" nagningning naman ang nata niya.

"Can I help? Can I?" masiglang tanong niya.

"Oh sure! Go, change your clothes muna." agad naman siyang tumakbo paakyat sa kwarto.

"Careful!" paalala ko sa kanya.

"Ang laki na niya ano? Parang kelan lang nakalampin pa." napatingin ako kay Nanay Sol.

"Ang bilis nga pong lumaki eh. Mas lalo niya din pong nagiging kamuka si Daniel." puna ko.

Limang taon na ang nakakalipas mula 'nung umalis si Daniel. Simula 'nun ako na ang nag-alaga kay Jordan, ako na din ang sumusuporta sa lahat ng pagkukulang niya.

Ginawa kong lahat 'wag lang magkulang kay Jordan. Naging ama at ina ako sa kanya. Ama na dapat si Daniel ang gumagawa.

Pero nasaan nga ba siya ngayon?

Oo, limang taon siyang walang paramdam. Hindi namin alam kung buhay pa ba siya. Tss.

Pero kung hindi ako nagkakamali, may ibang pamilya. Saya diba?

Limang taon ko nang pinanghahawakan ang relasyon namin. Matatawag pa bang relasyon 'yun kung ako lang ang nakakaalala? Kung alam ko ngang wala na.

Kung bumalik man siya, sana naman ibigay na niya sa akin ang anak KO. Kahit hindi na ang pagmamahal niya.

Nasanay na akong wala siya, nasanay akong kami lang ng anak ko.

Ako si Kathryn San Jose, pinangarap at nangangarap na maging REAL Mom ni Jordan.

At hindi ko alam, kung dapat pa ba kitang hintayin.

Siguro Daniel, mabuting magkalimutan na lang tayo..

~~

End of Book 1
Written by: Alyssa/TheBestDamnThingxx

Substitute Mom (KathNiel) COMPLETE [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon