Chapter 16.2

7.2K 176 5
                                    

Naisipan ko lang mag-UD kasi #TeamBahay ako. Hahaha.
Pakunti na ng pakunti ang votes.

Warning: Sa phone lang po ako nag-UD kaya asahan ang tamabak na typo.

Kathryn's Point of View

Bulong ko sa sarili ko ng makita ko ang lugar. Napakaganda ng set up. Unti-unti akong nag-lakad. Punong puno ng mga ilaw ang paligid. Saka puro pink and red rose petals ang pool.

Nagtubig ang mga mata ko.

"Ma'am, may kailangan po ba kayo?" may nagsalita mula sa likod ko. Hinarap ko siya at nakita ko ang logo ng shirt niya. PM or Planet Magenta.

"Ahhm. Para saan ang set up na ito?" mahina kong tanong.

"Para po 'yan sa isang proposal Ma'am pero hindi po natuloy kasi may nahulog na baby sa pool. Kasamahan po ba nila kayo?" napantig ang tenga ko sa sinabi ng babae.

"Proposal? Kay Daniel Adison ba?" mangiyakngiyak kong sabi sa babae.

"Ay. Opo Ma'am. Kaano-ano po kayo? Teka si Kathryn po ba? Kumalma po kayo." pag-alo niya sa akin.

"Ako nga. Nasaan sila? Miss nasaan sila? 'Yung anak ko kamusta? Ano bang nangyari?!" hagulhol ko. Napa-upo na ako sa sahig. Hinawakan niya ang braso ko at pinatayo.

"Nasa clinic po sila. Sasamahan ko po kayo."

Lumakad kami ng mabilis papunta sa clinic. Nahihirapan akong maglakad dahil sa suot kong long dress. Pero hindi ko iyon ininda.

Nakita kong nakatayo sina Tita, Lelay, Magui, JC pati rin ang buong pamilya ko. Bakit lahat sila nandito?

"Ano bang nangyayari?! Bakit lahat kayo nandito?! Ma?!" napako ang atensyon ng lahat sa akin.

"Bunso, kumalma ka. Ok si Jordan. Tahan na." niyakap niya ako, lalo pang bumilis ang pagpatak ng luha ko.

Lumabas si Daniel at Jasmine. Kumawala ako kay kuya at tinakbo si Daniel.

"Anong ginawa mo?! Ni hindi ko nga 'yan hayaang mawala sa paningin ko! Putaragis!! Bakit mo pinabayaan ang anak mo?!" sinubukan niyang hawakan ang braso ko pero lumayo ako sa kanya.

"Kath, sorry. Hindi ko din naman 'to ginusto eh! Nakita mo ba 'yung set up sa may pool area? Para sa'yo 'yon. Kasabwat ko ang lahat sa proposal ko sa'yo. Pero nasayang lang lahat. Isu-surprise sana kita pero ako lang din naman pala ang nakasira." he did this for me. Kasalanan ko din pala, kung hindi ako bibigyan nt proposal ni DJ. Walang aksidente. Walang mahuhulog sa pool. Hindi mapapahamak si Jordan.

Hindi na ako nakaimik sa sinabi ni DJ. I feel guilty.

"Mahal kita. Matagal na." tinignan ko siya diretso sa mata.

Halata ang pagod, sakit at sincerity.

"Hindi mo naman kailangang gawin lahat ng ito eh. Hindi mo naman kailangang gastusan ang pag-tatapat mo. Hindi naman ito ang kailangan ko."

Napatungo siya at umaalog ang balikat niya. Umiiyak siya.

"DJ, may napahamak. Sa tingin mo ba, kakayanin ko kapag mas malala pa ang nangyari kay Jordan? Mahal ko 'yun eh." hirap akong mag-salita dahil sa paghikbi ko.

Patuloy pa din ang pag-iyak niya. Kahit kailan hindi ko pa nakitang umiyak si DJ ng ganito.

"Nasasaktan ako kasi pakiramdam ko ako ang dahilan kung bakit kayo nasasaktang mag-ama." napatunghay siya sa at tumingin sa akin. "Mahalaga kayo sa akin eh. Mahal na mahal ko kayo." lumapit sa akin si DJ at niyakap ako.

"Stop crying. Nasasaktan din ako kasi umiiyak ka dahil sa katangahan ko. I love you. I love you so much. Kath. Sorry kasi failure ako. Imbis na pasayahin kita, umiyak ka pa. Sorry. Mahal, I love you. I love you. I love you." kumawala ako sa yakap niya at piningot ang tainga niya. Napasigaw siya sa sakit.

"Napaka mo!! Nakuu!! Wag sanang mag-mana ang anak mo sa'yo." hindi ko kasi alam kung papano ako magre-react sa mga I love you's niya. Damn! Nakakakilig.

Natatawa siya habang pinapahiran ang muka gamit ang kamay niya.

"Pinaghanda na nga kita ng magandang proposal tapos pingot lang ang ang natanggap ko." susuntukin ko sana ang dibdib niya pero nahuli niya ang kamay ko at hinalikan ang likod nito.

"Dapat tatanungin na kita kung pwede na kitang maging girl friend. Pero dahil malaki ang kasalanan ko sa'yo. Ligaw muna."

Doon ko lang din napagtanto na nandoon lahat ng mga pamilya namin. Pati mga staff at iba pang mga tao.

"Kath, I will court you even if you don't want to. Mahal kita talaga. I love you. I love you." tumigil siya at tumitig sa akin.

"I love you." tuloy pa niya.

"I love you."

"I love you."

"I love you."

"I love you too. Tumigil ka na bago pa ako maiyamot sa iyo at ako mismo ang mag-lunod sa'yo sa pool."

Tinalikudan ko siya at pumasok sa loob ng clinic.

Bumalik na naman ang lungkot ko.

~~~~~

Anyare? Hahaha. ✌✌✌✌✌✌✌Dapat itutuloy ko siya na bongang surprise pero bitter ako. xD Hindi ko din naman intensyon na lunudin si Jordan nuh.

I'll edit this soon. Ok? Sorry.

Dedicated to: Coco_Chinito

Votes, comments and being a fan is highly appreciated.

Alyssaxx

©2015

Substitute Mom (KathNiel) COMPLETE [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon