Chapter 27

7.2K 163 18
                                    

Chapter 27

Kathyn's Point of View

Tapos na ang holiday seasons kaya ibig sabihin back to normal na ang lahat. Nakauwi na sina Mama at Tita Karla. Si DJ naman back to work na din. Ako? Iwan na naman sa bahay kasama ang cute na baby.

"DJ, bangon na. Kapag nagising si Jordan bahala ka walang mag-aalam sa'yo." pang-gigising ko kay DJ.

Medyo umaarte na kasi si Jordan eh. Kapag bagong gising gusto laging pabuhat. Sa bigat ba namang 'yun hindi ko kakayaning isang kamay lang. Feeling ko nga magkaka-musle na ako eh.

Bumangon na siya at nag inat-inat pa. Pumunta naman ako sa cabinet niya para kunin ang towel niya.

"Good Morning." bati ni DJ nang maisukbit ang towel sa balikat niya.

"Good Morning. Ano pa lang gusto mong suotin?" tanong ko.

"Kahit ano. Simula ngayon, ikaw na ang pumili ng damit na isusoot ko. Ok po?" sabi niya saka pumasok sa banyo.

Grabe naman, halos all around the house na nga ako, yaya na tapos ngayon stylist pa? Huhuhu.

Pinili ko 'yung light pink na long sleeves. Ang cute kasi eh hahaha. Hinanda ko na din ang pants, sapatos saka 'yung medyas. Pagkatapos noon ay sinilip ko muna si Jordan bago ako pumunta ng kusina.

Nagsaing na ako ng kanin at nagluto na din ng mga pangulam.

Mayamaya ay narinig kong may bumaba sa hagdan.

"Kath." narinig kong tawag ni DJ.

"Kitchen." sagot ko.

Inayos ko ang mga niluto ko nang marinig ko ang yabag ng paa ni Daniel.

"Kath. 'Yung tie." sabi ni DJ na parang bata.

Napatingin ako sa kanya, bihis na naman pero hindi pa nga naka-kabit ang neck tie niya.

Lumapit ako sa kanya at sinimulang ayusin ang tie niya. Sa kalagitnaan ay narinig ko ang biglang pag-iyak ni Jordan. Hala.

"Hala. DJ ikaw na ang mag-ayos." binitawan ko na tie at tumakbo na paakyat ng kwarto niya. Narinig ko naman na hindi daw siyang marunong.

Kailangan kong unahin ang mahal na prinsipe dahil magwa-wild na naman ito mag-hapon.

"Good Morning." bati ko kay Jordan ng mabuhat ko siya, agad din naman siyang tumigil sa pag-iyak. Arte talaga, manang-mana sa tatay.

"Daddy." ungot ni Jordan habang nakalagay sa balikat ko ang ulo niya.

"Kay Daddy tayo pupunta? Tara. Bababa po tayo. You want to walk?" tanong ko. Ibaba ko sana pero mas humigpit ang hawak niya sa akin.

No choice kung di buhatin.

Pagkababa namin nakita namin na kumakain pa din habang nagbabasa ng dyaryo si DJ.

"Good morning, baby." bati ni DJ nang mapansin niyang dumating na kami.

Kakargahin sana ni DJ pero ayaw talagang bumitaw sa'kin.

"Kain ka na Kath." yaya ni DJ.

"Mamaya na kapag wala na 'tong sumpong. Ikaw, hindi ka pa aalis? 6:15 na." ininom niya ang natitirang kape sa baso niya saka tumayo pero napansin kong hindi pa naayos ang neck tie niya.

"Baby, wait lang. Aayusin ko lang 'yung neck tie ni Daddy. Saglit po." iniupo ko siya sa high chair niya pero ayaw niya at nagsimula na namang umiyak. Ayy grabe stress.

Substitute Mom (KathNiel) COMPLETE [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon