Chapter 45

6.8K 168 10
                                    

Chapter 45

Kathryn's Point Of View

Simula 'nung magkasagutan kami ni Daniel ay hindi ko siya kinakausap. Dalawang araw na ding ganoon ang sistema namin. Iintayin ko lang siyang dumating para pakainin ng hapunan at aakyat na agad ako sa kwarto ko.

Hindi ko nga alam kung bakit gusto kong tanggapin ang offer na iyon, alam ko na naman ang mga ginagawang kamanyakan ng ibang mga lalaki doon.

Sinabi ko na nga din kay Papa ang plano ko, nagalit din siya sa akin. Pinagbantaan pa niyang papauwiin niya ako pabalik sa NE kapag tinuloy ko ang gusto ko. Si Mama, ok lang sa kanya pero hindi niya ako pwedeng suportahan doon dahil sila naman ni Papa ang magkaka-galit. Naiintindihan ko din naman.

Hindi ko naman kayang suwayin sila para lang dito sa pag-cover ko ng FHM. Hindi ko din naman kasi alam kung saan ako pupulutin pagkatapos noon.

"FHM?!" gulat na tanong ni Julia. Nandito siya sa bahay, sinabi ko kasi sa kanya.

"Oo nga! Seryoso." sabi ko sa kanya.

"Pumayag ka? Sosyalin ka girl." sabi niya. "Gusto mo ba talagang utuloy?" napa-tingin ako sa kanya.

"I dunno Jules, simula 'nung sinabi ko sa pamilya ko ang balak ko. Hindi sila naging masaya eh." malungkot na sabi ko.

Baka kasi kapag nakita na ni Papa ang magazine ay atakihin pa sa sobrang galit.

" Pero gurl, sayang naman ang opportunity. Sabi mo, ipinasadya ka ng organizer. Ibig sabihin gusto ka talaga. Diba? Tapos Vice Ganda pa ang sumadya sa'yo dito." sabi niya.

Hindi agad ako naka-imik dahil ilang araw ko na din 'yung naiisip. Sabi naman din ni Vice na ako pa din daw ang bahala kung papayag o hindi.

"Isa lang naman ang tanong eh, papayag ka at magiging cover ka ng FHM o hindi? Tapos ang usapan." dagdag niya pa.

"Hindi ko na itutuloy, Juls. Para na din sa ikatatahimik ng lahat."

Daniel's Point Of View

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko kapag lumipas pa ang araw na ito nang hindi kami nagbabati ni Kathryn. Ramdam na ramdam ko ang pag-iwas niya sa akin. Masakit na eh.

Wala pa nga kaming dalawang lingo ay ganito na kaagad. Natatakot na ako sa kalalabasan ng relasyon namin.

"Daniel! Ano bang nangyayari sa'yo? Pangalawang araw ka nang ganyan." inis na asik ni Seth.

"Ano ba?!" inis na sagot ko din.

Pag ganitong hindi ko na nga alam kung papano ako makikipagbati kay Kathryn eh dadagdag pa siya.

"Kahapon ka pa ganyan. Paka seryoso tapos 'nung nakaraang araw naman sobrang saya mo. Sabihin mo na nga ang problema mo." sabi niya sa akin.

Sumandal ako sa swivel chair at ipinatong ang kamay sa arm rest. Nakakapanghina naman talaga ang gustong gawin ni Kathryn eh.

"May nag-alok kay Kathryn na maging cover ng magazine. Hindi na naman ako magdu-duda doon dahil alam kong maganda talaga siya. Pero hindi ko pinayagan." sabi ko.

"Daniel naman! Sayang naman ang ganda ng girlfriend mo kung hindi mo papayagan. Akala mo naman mage-FHM." sagot niya na may panghihinayang.

Pinalo ko 'yung arm rest sa sobrang inis.

"'Yun na nga pare eh sa FHM nga!" halos mapanganga siya sa gulat.

"FHM?! Si Kathryn? Eh sa sobrang simple at hinhin niyang si Kath ay di ko akalain na sasabak siya sa ganoon." hindi makapaniwalang sabi ni Seth.

Substitute Mom (KathNiel) COMPLETE [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon