Chapter 13

8.3K 174 10
                                    

Chapter 13 –Date?!

 

 

*Same Day -12 in the Afternoon*

 

Kathryn's point of View

 

Naka-upo ako sa hospital bed ko habang nagtu-twitter, nakaka-bagot na kasi dito. 'Tas sabog nga ang notification ko sa dami ng naka-tag na tweets sa'kin. Karamihan ng naka-tag "Get well soon." Hindi ko alam kung papano nila nalaman na na-ospital ako. Nag-tanong ako sa isang nag-tweet kung bakit nila sinasabihan ng get well soon. Nag-reply naman ito ng nag-tweet daw si Vice na nasa ospital nga daw ako. Baka nandoon na sa studio ng showtime si DJ at na-kwento na niya ang nangyare. Hinihintay ko na nga lang na bumalik siya kasama si Tita. Naiwan ako kasama nila Mama at Papa na naka-upo sa sofa at may inaayos para sa delivery sa isang market. Pakiramdam ko tuloy ngayon naging abala pa ako.

Napatingin kaming lahat ng may kumatok at binuksan din naman pagkatapos.

Pumasok si DJ kasunod si Tita K.

"Hello po. Karla, Mama ni Daniel." Tumayo naman sina Mama at nagkipag kamay kay Tita.

"Ako si Min, asawa ko si Teddy."  Pakilala ni Mama.

Tumabi sa'kin si DJ. Muka siyang badtrip. Hinayaan ko na lang mag-usap ang mga magulang namin. Tinanggal ko ang oxygen mask ko, napa-tingin naman siya sa'kin.

"Bakit ganyan ang muka mo? May naka-away ka ba?" umiling sya tapos nagbuntong hininga lang.

"Pagod ka na ba? Pwede ka namang umuwi na lang muna, nandito naman sila –" pinutol niya ang pagsa-salita ko.

"Ok lang ako! Gusto ko sa tabi mo." Pagsu-sungit niya sa akin.

Gusto daw niya sa tabi ko. WAAAHHH!!

"Oh oh, sinu-sungitan mo na naman ako." Nagtampu-tampuhan ako sa kanya.

I heared him 'Tsked.'

"Wala 'to. Last day na pala ng leave ko ngayon. May pasok na ako bukas." Sagot niya na may pag-kainis.

"May pasok ka na pala bukas, edi dapat nag-papahinga ka na lang." sabi ko sa kanya habang naka-tingin sa cellphone ko.

Patuloy ako sa pagii-scroll sa twitter nang hablutin niya sakin 'yun. Nag-pukol ako sa kanya ng masamang tingin.

"Ano ba? Balik mo nga 'yan." Inis kong sabi sa kanya. Tinignan niya lang ako na parang wala siyang ginawa.

"Kapag kausap mo ako, ako lang. Ayaw ko nang may kaagaw sa atensyon mo. Gets?" Sabi niya habang tinatago sa drawer 'yung phone ko.

Huminga ako ng malalim, sumaldal ako ng ayos sa unan ko at ibinalik ang oxygen mask. Bahala ka diyan.

"Kayong dalawa, nag-aaway na naman." napa-tingin ako kay Tita. Natawa sina Mama at Papa.

Aish! Nandito nga pala sila.

"Ah. Hi, Tita." Sabi ko nang maalis ko 'yung oxygen. Naiinis na ako sa oxygen na 'to, sabi kasi ni Doc hanggang sa maari isuot ko muna ito.

Ngumiti ako sa kanya na medyo pilit.

"Kamusta ka?" tanong ni Tita at nag-beso siya sa akin. "Ok na ba pakiramdam mo?"

"Maayos na din naman po, Tita. Bukas daw po pwede na akong ma-discharge." I smiled. "Sino pong nag-aalaga kay Jordan ngayon?" tanong ko.

"Mabuti naman kung ganoon. Si Magui, ayun nga. Nung isang araw iyak ng iyak kasi siya daw ang may kasalanan."

"Hahaha, hindi naman po eh. Tatawag na lang po ako sa kanya mamaya, kakausapin ko po."

"Ayy, teka muna Kath. Tatawag muna ako sa batang 'yon. Baka kung anon ang nangyari sa bata eh. Excuse lang." Matapos ang ilang mga kwentuhan namin ay lumabas siya para tumawag.

Napa-lingon ako kay DJ at nakita kong siya ang may gamit ng phone ko. Aagawin ko na sana ng ilayo niya iyon sa akin. Pinukulan ko siya ng isang matalim na tingin. Iginanti lang niya ang isang mapanglokong ngiti. Napaka talaga nito!!

"DJ! Give it back!" I hissed. He mouthed 'wait lang'.

Nag-hintay akong ibalik niya pero wala! Ayaw talaga hanggang sa tinawag siya ni Papa.

"Daniel, alam mo ba kung saan ang Besties' Ice Cream?" tanong ni Papa. Saglit na napa-isip si DJ bago tumango.

 

 

 

Daniel's Point of View

 

 

"Salamat, anak. Hindi ka ba muna dadaan kay Kathryn?" nanggaling na kami sa Besties'. Sinamahan ko kasi siya doon, ngayon ay nasa may harapan kami ng ospital. Hinatid ko lang siya kasi may gagawin pa ako.

"Hindi po, Tito. Magpapa-miss lang muna ako kay Kath. Hahaha." Biro ko kay Tito. Medyo close na kasi kami. Mehehehe.

"Loko ka talaga. Sige na, ingat sa pagmamaneho. 'Yung uasapan natin ha?"

"Hindi ko po makakalimutan 'yun, Tito." Nag-bless ako sa kanya saka siya bumaba ng sasakyan.

Anong usapan namin? Tikret!

Summer's

 

Nandito ako sa isang restaurant may ime-meet ako. Nag-order na ako kasi malapit na daw siya.

Mayamaya ay natanaw ko na din siya sa may entrance, wearing a pink floral dress, skin tone wedges ang light make up. I raised my hand para makita niya ako. Nang makita niya ako ay pinanliitan niya ako ng mata.

"Nakakainis 'to. Bigla-bigla na lang nag-yayang mag-lunch. Anong meron?" tanong niya nang maka-upo siya sa tapat ko.

"Wala naman. Masama bang ayain ka ng date, Jasmine?" natawa naman siya. Maganda talaga siya, no wonder kung bakit habulin 'to lalo na sa opisina. She is Jasmine Cortez, officemate/ninang ni Jordan.

"Ano ba talagang trip mo? Kasi ang dami ko pang gagawin sa trabaho." Uminom siya ng milk tea na in-order ko para sa kanya.

"Date me...."

 

May chance na ako para manligaw at matagal ko na iyong napagtanto. Dapat na talaga akong kumilos ngayon. I really like her. Sisimula ko na and NO TURNING BACK.

Votes, Comments and being a Fan is highly appreciated.

♥Alyssaxx

©2015

Substitute Mom (KathNiel) COMPLETE [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon