Chapter 46 - Memories

55.9K 933 68
                                    

Chapter 46 – Memories

Khiara's  POV

Sa lahat ba naman kase ng pwede isuggest yung Amusement Park pa.  Medyo nakakabadtrip alam niyo yon?! Siguro hindi. Ilan ba kame, binilang 6 pala. Buti kasya kaming lahat sa sasakyan ni Red. Kami ni Red sa unahan at siksikan silang 4 sa likod  hahaha.

"Ang sikip naman dito" reklamo ni Cyrus

"Sa bubong ka na lang" suggestion ni Zhane

"De sige sarap nga dito ehh" nakasambakol din mukha niya

Nagkatinginan lang kami saglit at humarap na ako, parang nag-iinit mukha ko ugh, bahala na. Kinuha ko cellphone ko at nakinig ng music.

"Teka gusto niyo ako magpatugtog?" tanong ko

"Kpop yan no?" hula ni Zhane

"Ehhhh pano mo nahulaan" tanong ko

"Obvious mo kaya hahahha"

"Edi English song pero kpop artist kumanta GAME?" tanong ko

"May magagawa ba kame, pag humindi kame baka palabasin kame ni Red ng sasakyan" reklamo ni Kyle

"Napakareklamador nyong dalawa! Kung wala si Vanessa kanina ko pa kayo binatukan" banta ni Zhane

"Dapat against na kayo sa violence at nagbabagong buhay na kayo" sabi ni Cyrus

"Old habits never die" sabi ni Zhane at sumandal na lang

 Pinatugtog ko, Heaven sina Tiffany at Jessica ng SNSD kumanta. Minsan sumasabay si Cyrus kaso hinahampas sya ni Zhane. Malapit lang naman kaya naka dalawang kanta lang tas nasa Amusment Park na kame.

"Hayyy sa wakas, ngalay na ngalay katawan ko ehh" reklamo ni Kyle

 Si Cyrus tinitingnan yung paligid. Lumapit ako sa kanya.

"Alam mo pwede namang umuwi ka na lang kung di ka kumportable" sabi ko

"Hah, ako? Tss ano ba ok lang yan! Tsaka.... Naka move-on na naman ako ehh" tapos tumingin siya  sa Ferris Wheel

"Talaga lang ha? Mukhang inlove ka pa din saken eh" sabi ko at nandila

"Pano kung oo"

Hindi ko na narining yung huli nyang sinabi pero hindi ko na rin inalam baka kung ano lang malaman ko.

"Hayy kakagaling lang naten sa Arcade tapos Amusement Part naman, parang pareho lang ehh" sabi ni Red at nag-unat

"Hahha kase naman pumayag ka dito!" sabi ko kay Red at sinuntok yung braso nya

"Ingat baka balian mo ako" sabi ni Red

"Yung Maid Café nga yata habol mo dito ehh" sinamaan ko siya ng tingin

"Nayyyy selos naman ang Baby ko" tas ginulo buhok ko

"Pag nakita kita nakikipaglandian talagang bubugbugin kita" seryoso ako ahh =_=

  Tinawanan lang ako ng mokong na to. Akala yata nagbibiro ako ehh

"Hoy kayong dalawa mag lalandian ba kayo dyan o sasama kayo?" tanong ni Kyle

"Sandale lang!" sigaw ni Red at hinawakan kamay ko at tumakbo na kame

Medyo may nagbago dito, konti na lang sa mga tindahan ang nandito, yung iba halos mga bago na. Hayy naalala ko nung niyaka..... ANO BA! Ba't ko iniisip yon  sabi na bad idea pumunta dito ehh. Tiningnan ko si Cyrus ayun nag-aaway sila ni Zhane, si Kyle at Vanessa nagkakamabutihan shet haahah bagong love team na yata to. Mukhang di affected tong si Cyrus buti naman.

THE NERD IS A SECRET GANGSTER PRINCESS?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon