SEA Chapter 14-Little things

2.3K 32 5
                                    

Saturday came… the day for Andrew to meet Eric, Madeline’s cousin from Canada…

They will be having their dinner at a place in Serendra…

“Maddie, anak.. may aasikasuhin kami ng Papa mo sa Bulacan mamaya…baka bukas or Sunday afternoon na kami makauwi..”, sabi ni Mama Bela sa bunsong anak

“we will be meeting your lolo’s lawyer.. he said we have to settle some things, it’s urgent, so we have to be there immediately.. we might as well spend the weekend there.. alam mo naman ang lolo mo, medyo matampuhin na, ang tagal na raw naming hindi bumibisita doon…pati kayong mga bata, pinapasama niya, pero dahil nga you kids are busy with your own stuffs, plus you will be meeting with your Tita beth’s family later with Andrew, ang sabi ko na lang, you can’t come with us.. pero alam mo, anak, pakiramdam ko, excuse lang ng lolo mo yung ipapakausap kami sa lawyer nya eh.. gusto lang kaming papuntahin dun… hahahah…”, tuloy-tuloy na kwento ni Papa Ric

“ah ganun po? heheheh.. si Lolo talaga… ah, sige Pa’, paki kamusta na lang po kami kina Lolo.. I have to prepare now for the dinner..”, sagot naman ni Madeline sa ama

“ah.. okay… susunduin ka ba ni Andrew dito?”, tanong naman ng Papa niya na halatang na-excite sa isasagot ng anak

“ahm.. oo Pa’.. mga before 6pm he’ll be here… baka daw kasi ma-traffic papunta sa Serendra eh.. pa-gabi na pati… rush hour na…”, pilit na ginagawang casual ni Maddie ang sagot sa nahihimigang pang aasar ng Papa niya.. dahil kahit siya’y may hindi mawariang excitement na nararamdaman sa pagsundo sa kanya ng dating nobyo.. pero pilit niyang dinidismiss ang thought na magkakasarilinan sila ni Andrew mamaya on their way to Serendra..

“ah.. that’s great.. okay then, mga within 30 minutes, aalis na kami ng Mama mo… mata-traffic na rin kami eh… “, sagot naman ng Papa niya at binibigyan siya ng mapang asar na ngiti…

“goodluck for later, anak…”, ginatungan pa ng mas nakakalokong ngiti ng kanyang mama Bela.

Hindi naman mapigilan ni Madeline na mapangiti na lang sa inaasal ng magulang niya, dahil feeling nga niya mas excited pa ang mga ito sa dinner kaysa sa kanya kahit hindi naman sila sasama… “sige Ma’, Pa’.. ingat po… call me pag nandun na kayo sa bahay ni Lolo…”, parang nanay na nagbilin si Maddie sa mga magulang niya..

“Yes, Mommy…”, sabay namang sagot ni Isabela at Ricardo sa anak…halatang halatang nang-aasar ang mag asawa na nakapagpabunghalit ng tawa sa bunso nilang si Madeline

Alam ni Madeline na kanina pa umalis ang mga kapatid niya, dahil may trabaho pa ang mga ito…si Iza sa boutique, at si Richard naman ay may tatapusing trabaho sa opisina nila, pagkatapos ay dadaanan si Iza sa boutique nito..

kaya si Madeline lang ang sasama kay Andrew sa dinner with her Tita Beth’s family..

Pagkatapos maligo ay agad nang naggayak si Maddie para sa dinner, isang simple pero eleganteng dress na baby pink na three inches above the knee ang kanyang isinuot… na tinernohan ng Celine metz peep toe pumps na color pink.  simpleng make up lang ang nilagay ni Madeline sa kanyang mukha at inilugay ang buhok na medyo kinulot ang bandang dulo.. tsaka binitbit ang isang eleganteng silver purse..

Someone Else's Angel (KimXi Fan Fiction)Where stories live. Discover now