SEA Chapter 1-Only reminds me of you

6.1K 72 10
                                    

Halos mag a-alas otso na ng umaga nang makalapag ang eroplanong naglululan kay Madeline Torres, isang part-time interior designer at isa ring theater performer sa Broadway New York. After four years of living her dream as a stage actress there, heto siya’t nagbabalik sa Pilipinas.

“Maddie!”, pagtawag ng isang pamilyar na boses na nakapagpalingon kay Madeline. Agad na lumapit sa dalaga ang nagmamay-ari ng boses na ito…ang kanyang Ate Iza. Agad na niyakap ni Maddie ang kanyang ate at bumeso.

“Hi Ate! Na-miss kita, grabe! At talagang kinareer mo ang pag da-diet ah! Ang sexy mo na lalo ‘teh!”, masayang bati ni Maddie sa kapatid na dalawang taon ang tanda sa kanya.

“Oo naman ‘noh! Syempre! Hahahah… oh, halika na, nandun sina Mama at Papa..”, yaya ni Iza sa kapatid.

Pagkakitang pagkakita ni Madeline sa mga magulang ay agad niyang niyakap ang mga ito, kung salbabida lang ang mga magulang niya, ay malamang sa malamang, umimpis na sila’t nawalan ng hangin sa higpit ng yakap ni Maddie sa kanila. 

“Ah, a-anak, anak…sandali’t hindi makahinga si Mama’t Papa”, pabirong reklamo ng mama Isabela ni Maddie,

 “masyado mo naman yata kaming na-miss, Anak…”, sabi naman ni Papa Ricardo.

“Syempre naman po, Bakit, ‘Pa? hindi n’yo ba ako na-miss? Wala na kayang nagpapasakit sa ulo n’yo mula nung pumunta ako sa New York!”, baling ni Maddie sa papa niya.

“Buti alam mo.. hahahahah…. Miss you, Maddie!”, sabad ng Kuya niyang si Richard, sabay yakap sa bunsong kapatid.

Pagkatapos isakay ang lahat ng mga bagahe ni Madeline sa kanilang sasakyan. Habang nasa loob ng sasakyan, nakikipagkulitan at kamustahan si Madeline sa mga kapatid na para bang wala siyang jetlag.

“Kuya, ano na? akala ko ba seryoso ka na sa girlfriend mo? Eh bakit nag break na naman kayo? Ano ba yan, kung bumbilya lang yang relationship nyo, ay naku! Matagal nang napundi! Eh pa’no, on-and-off kayo lagi! Yun ba ang seryoso?”, sermon ni Madeline sa panganay niyang kapatid.

“Eeeh…. Ganun talaga eh.. anong magagawa natin eh….”, kakamot-kamot ng ulo si Richard at hindi madugtungan ang sagot sa pang-aalaska ng kapatid.

“nakoooo.. feeling ko talaga, tatanda kang binata pag ganyan ka ng ganyan, umayos ka na kasi! Hahahahah…”, tuloy sa pang aasar si maddie sa Kuya.

“ay nako.. ako na naman ang nakita mo! Pwede ba… kadarating mo lang eh… parang hindi ka pagod sa byahe ah…”, pag iwas ng kuya niya..

“O, o.. ayan na naman kayo..tigilan nyo na nga muna yan….”, kunwaring pag awat ni Iza sa mga kapatid, “eh kasi naman kuya, ano ba talagang plano mo ha? Ikaw naman kasi eh, sinabi nang splitan mo na.. breakan mo na…iwanan na! tigas din ng bungo mo eh! Kangino ka ba nagmana? Charot! Hahahah…”, dire-diretsong patutsada ni Iza sa kuya nila.

“Teka nga, teka nga, akala mo naman ‘tong si Izadora aawat eh, isa ka pa eh noh! Teka nga, Kuya n’yo ko ah, kung mang-alaska kayong dalawa, parang ako ang bunso…”, pagrereklamo ni Richard na pinagtutulungan ng dalawang nakababatang kapatid.

“Maddie, kalian pala susunod si Lance dito?”, tanong ni Ricardo sa anak, tinutukoy ang fiancé nitong sa U.S. naka base.

“Ah, two weeks from now Papa, marami pa siyang inaayos dun sa company na pinagtatrabahuhan niya sa New York”. Architect kasi ang fiancé niya, at marami itong iiwang trabaho sa New York, dahil magsstay sila ni Madeline ditto sa Pinas hanggang sa maikasal sila.

Someone Else's Angel (KimXi Fan Fiction)Where stories live. Discover now