SEA Chapter 11-My sacrifice

2.2K 29 6
                                    

Apat na araw ibinurol ang daddy ni Andrew na si Rafael… maraming nakiramay… mga kapamilya, kamag anak, katrabaho, maging ang mga dati niyang employees at mga pamilyang natulungan ni Rafael.

Elena and Andrew were so flattered by the warm regards of these people about Rafael.

Sa apat na araw na ding ito tiniis ng husto ni Andrew na makitang magkasama ang dalawang taomg may mahalagang kaugnayan sa kanya… ang kanyang dating nobya, at ang kanyang kapatid… alam ni Elena na hindi madali kay Andrew ang makasama sa iisang lugar at Makita ang dalawang ito…pero batid rin naman niyang hindi naman kasalanan nina Madeline at Lance na nasasaktan si Andrew…

Mabuti na nga lang ay hindi rin nagmimintis sa pagpunta sa lama yang barkada nina Andrew para damayan ang kaibigan, lalo na’t alam na rin nilang lahat ang tungkol kay Lance…

“Dude, ahh… what can I say…. ‘wag mo nang masyadong pag iisipin yung dalawa… kung talagang mahal mo si Maddie..I know one day makakaya mo ring maging masaya para sa kanila ng kapatid mo.. and about your Dad, wherever he is now, I’m pretty sure he’s happy and he’s in peace…just don’t stop praying….”, pakikiramay ni Daniel sa kaibigang si Andrew

ang iba naman ay pilit na ginagawang casual ang kanilang mga usapan, para hindi na lalo pang bumigat ang dinaramdam ng kaibigan..

ang mga babae naman sa tropa ay nakipagkamustahan din kina Madeline at Lance… at casual talk lang din ang ginagawa nila… this is not the time to talk about serious things…masyado nang mabigat at malungkot ang ambiance..

Dumating na ang araw ng libing ni Rafael…sa Heritage Park din siya ililibing…

Sa araw na ito, bumuhos na ng todo ang emosyon ng buong pamilya ni Rafael… maging ang mga anak niyang si Andrew at si Lance ay hindi rin napigilang lumuha sa pagpanaw ng kanilang ama…

Sa mga oras na iyon ay ang nanay ni Andrew na si Elena ay inaalalayan ni Isabela.Si Madeline naman ay hindi umaalis sa tabi ng nobyong si Lance… at si Andrew, ipinaubaya na sa kanyang Tita Bela ang pag alalay sa ina niyang si Elena, dahil kahit siya mismo ay kailangan ng isang taong magiging lakas niya sa mga oras na iyon…at ang taong iyon ay ang nasa tabi ng kapatid niyang si Lance…

Natapos na ang libing…nangagsiuwian na rin ang karamihan sa mga nakipaglibing… pero nagpaiwan sa harap ng puntod ni Rafael si Andrew… ganoon din si Lance, kaya’t pinauna na niyang umuwi si Madeline kasabay ng pamilya nito.

Sa harap ngayon ng puntod ni Rafael nakatayo ang kanyang dalawang binata… ngayon pa lang sila magkakaroon ng pagkakataong makapag usap nang maayos…

si Lance ang unang lumapit at tumapik sa balikat ni Andrew…gusto rin niyang makausap ang kapatid kaya siya nagpaiwan… walang alam si Lance sa naging past relationship ng kapatid niya at ni Madeline, all he knows is that his fiancé and his half-brother are friends ever since their childhood..

Someone Else's Angel (KimXi Fan Fiction)Where stories live. Discover now