Kabanata XVII

7.1K 230 34
                                    

Kabanata XVII

Parang bigla na lamang naglaho ang mga tao sa aming paligid dahil sa pagkakalunod namin sa halik ng isa't-isa. I can't get enough, halos habulin ko ang mga labi ni Aaron nang unti-unti na niyang inilayo ito sa akin. Kapwa kapos ang aming paghinga dahil sa tagal din ng halik na pinagsaluhan namin. Hindi maialis ang mga ngiti ko habang si Aaron naman ay parang naguguluhan pa sa kung anong nangyari sa pagitan namin. Aaron, naramdaman mo ba iyon kay Victoria?

Takot at kalituhan ang naghalinhinan sa mga mata ni Aaron at hindi ko siya hinayaang makalayo sa akin. I even wrapped my legs around his waist. I felt his erection, kahit gaano ko man kagustong maramdaman ang mga haplos niya ay kailangan kong limitahan iyon. Nasa ibang katawan ako at hindi ko hahayaang gamitin ito sa pansariling pangangailangan. Kahit na gustong-gusto ko na muling damhin ang init ng bisig ni Aaron, ang mga halik niyang gumagapang sa bawat hibla ng pagkatao ko, ang init mula sa mga labi niyang dumadampi sa aking balat. Ang isipin pa lamang lahat ng iyon ay nagpapahirap na sa akin.

"I'm sorry, Auldey. I---I don't know what to say." kinagat ko ang aking labi at umiling,

"How does it feel?" nanatili pa rin kami sa aming puwesto. Bahagya lamang lumangoy si Aaron upang maisandal niya ako sa may batuhan.

"Hindi ko maipaliwanag Auldey. Kahit anong layo ang gawin ko sa iyo ay puwersahan pa din akong napapalapit sa iyo. You are like a magnet. Fuck!!" pinigilan ko ang mapangisi. Napapugto lamang ako sa paghinga ng inilapit niya sa akin ang kanyang mukha at hinawi ang ilang takas na hibla ng aking buhok.

"What are you doing to me Auldey? One day siguradong sigurado ako na si Clarisse na ang para sa akin pero simula ng pumasok ka sa hotel ay nagulo na ang sistema ko. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang lahat ng ito dahil maski ako ay naguguluhan. I love Clarisse! Damn I love her! Pinipilit kong lumayo pero hinihila mo ako pabalik. Sa tuwing tuwid na ang intensyon kong ayusin ang relasyon namin ni Clarisse ay lilingon at lilingon pa rin ako kung nasaan ka. Ano bang ginawa mo sa akin?" inosente akong umiling at kahit na nakakaawa ang frustrations ni Aaron ay natutuwa pa rin ako. Dahil kapag mahal mo Aaron, kahit nasa ibang katauhan pa siya ay mararamdaman mo ang tunay na pagmamahal. Ilang babae man ang magpanggap na Clarisse ay sa akin ka pa rin babalik. Kailanman ay hindi niyon mapuputol ang koneksyon nating dalawa. I am your soulmate, remember?

Imbes na magsalita ay hinawakan ko ang nakaawang na mga labi ni Aaron. Mabilis na bumaba roon ang mga mata niya at muling umangat sa akin. Isang ngiti muna ang ibinigay ko sa kanya bago muling inilapat ang mga labi ko sa kanya. Sabay kaming napaungol ng nilaliman pa niya ang mga halik namin. Damn! I miss his kisses! I miss everything about him. Hindi na ako makapaghintay na makabalik.

"Kilala mo ako Aaron, deep in your heart ay kilala mo ako. It's me." bulong ko sa kanya. Bago pa man siya makapagtanong ay hinalikan ko siyang muli. Mas malalim at mas marubdob. I kissed him with full of hunger. I kissed him as if we've never been kiss before. Hinagod niya ang aking baywang at pinaglaruan ang tali ng bikini top ko kaya naman napahagikgik ako. At bago pa kami mawala sa katinuan ay may park attendant na ang tumawag sa amin. Hindi namin namalayan na unti-unti na pa lang nagdidilim ang kanina lang ay maulap pang kalangitan. Ani ng park attendant ay may bagyo raw na paparating at alas kuwatro ng hapon ang pagtama niyon sa probinsya.

Walang imik kaming nagpatuyo at nagbihis ni Aaron at pabalik na sana kami sa may kotse nang tuluyan ng bumuhos ang malakas na ulan. Maagap akong inakbayan ni Aaron at sumilong kami roon sa isang tindahan. Isang matanda ang nakaupo sa loob niyon. Napag-usapan naming dalawa ni Aaron na hintayin na lamang naming tumila ang ulan bago tumulak pabalik sa may mansyon.

Treinta minutos na din kaming nakaupo sa may labas ng tindahan ngunit wala yatang balak huminto ang ulan. Habang tumatagal ay lumalakas pa ang ulan gayon na rin ang hangin nito.

"Halina muna kayo dine sa loob hijo't-hija. Magkape na muna kayo at mamayang gabi pa yata titila ang ulan. Mahirap pa naman ang daan pabalik sa may Bayan. Tara na dine." At dahil unti-unti na rin namang nanunuot sa amin ang lamig ay nagpasya kami ni Aaron na paunlakan ang anyaya ng matanda.

"Ako nga pala si Aling Dolores. Matagal na akong nakatira dito sa Biak Na Bato. Maupo kayo riyan. Ako na lang ang nakatira dito kaya huwag kayong mahihiyang magkasintahan." Naupo nga kami ni Aaron ngunit hindi kami nagtabi dahil nariyan na naman ang ilangan sa pagitan namin. Para kay Aaron ay may girlfriend pa din siya at naiintindihan ko na para sa kanya ay isa itong pagtataksil. Pilit kong ikinubli ang sakit sa pagtahimik hanggang sa mamaya ay naramdaman ko ang mainit na kamay ni Aaron sa akin. Tipid akong ngumiti at inaliw na lamang ang sarili ko sa pagmamasid sa maliit na bahay ni Aling Dolores.

Kahawig ng mga palamuti ni Impo ang buong sala ni Aling Dolores. Sa harap ng pinto ay may nakasabit na natuyo ng palaspas. Sa isang sulok naman ay imahe ni Mama Mary sa gilid naman iyon ay mga kandila subalit ang mas pumukaw ng atensyon ko ay iyong kumpol ng insenso sa may gilid ng sofa, sa tabi naman niyon ay mga baraha. Tarot cards. Nagkibit-balikat ako at wala sa sariling kinuha iyon. Luma na ang mga baraha pero mapapansin mong iningatan iyon ng husto.

"May ganito rin si Impo." Mahina kong usal na siyang narinig pa rin ni Aaron.

"Nakarating ka na rin sa kanila?" inisip ko pa muna kung magsisinungaling ba ako kay Aaron o sasabihin ko ang totoo. Sa huli ay pinili ko ang magpakatotoo.

"Oo. 3 years ago." And I meant Victoria.

"The Lovers" sabay kaming napalingon ni Aaron kay Aling Dolores na ngayon ay may hawak na tray laman ang dalawang tasa ng kape. Ininguso niya ang hawak kong baraha na napag-alam kong "The Lovers"

"Maglaan ka ng oras upang masabi mo sa taong minamahal mo kung gaano siya ka-importante sa iyo. Timbangin mo ang kung sino nga ba ang tunay na nilalaman ng puso mo at itapon ang mga hindi naman kailangan." Imbes na sa akin ay para bang kay Aaron niya direktang sinasabi ang nilalaman ng baraha.

"How did you know?" nagtatakang tanong ni Aaron na napatigil pa sa paghigop sa kanyang kape. Nagtaas lamang ng kilay si Aling Dolores at ngumisi.

"Hindi nagsisinungaling ang baraha." Wala sa sariling napangiti ako kaya naman iniwasan ko na makita ni Aaron ang ekspresyon ko. Sakto namang nagkatagpo ang ang mga mata namin ni Aling Dolores sa may full length mirror na nasa gilid ko lamang. Mabilis na nawala ang mga ngiti ni Aling Dolores at hindik akong tinitigan. Napalunok ako ng namamangha niya akong tinitigan.

"Anong ginagawa mo riyan hija? Anong ginagawa mo sa katawang ito?" kumalabog ang dibdib ko sa tanong ni Aling Dolores. Nakikita niya rin kung sino ako! Kailangan ko na ring sabihin kay Aaron kung sino ako at ito na siguro ang tamang panahon para roon.

"Anong meron?" naguguluhang tanong ni Aaron kaya naman hinagap ko ang kamay niya at pinisil iyon. Determinado na sana ako sa aking desisyon nang tumunog sa kawalan ang cellphone ko. Mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak sa kamay ni Aaron ngunit sadyang ayaw tumigil kung sino man ang tumatawag sa akin.

"Sagutin mo na muna yan Auldey, baka importante yan." Wala sa sariling napairap ako at handa na sanang sigawan kung sino man ang tumatawag sa akin. Hikbi lamang ang narinig ko sa kabilang linya, inilayo ko pa sa akin ang telepono ko para masigurong kay Psalm nga iyon.

"Psalm? What happened?!" natataranta kong tanong. Mas lalong lumakas ang iyak niya. Halatang pinipigil niya iyon ngunit hindi niya mapigilan. Ano kaya ang posibilidad na nangyari. Napakapit ako sa dibdib ko dahil sa antisipasyon.

"What is it Psalm?!" sigaw ko sa kabilang linya.

"Si Impo...wala na siya."


itutuloy....


Twitter/Instagram: Bonitababyy


Midnight Lover Duology : Huling Sayaw (Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon