Kabanata VI

10.9K 250 21
                                    

Kabanata VI

Matapos ang hapunan ay saglit pa kaming nag-kwentuhan ni Papa na sa pakiramdam ko ay ngayon ko lang naranasan. Minsan ay kilala ko siya at kung minsan naman ay hindi. May kung ano sa pagkatao ko nalilito sa lahat ng impormasyong nalalaman ko. Ang ibang ala-ala ay hindi ko maitanto kung totoo ba o isa na naman sa mga panaginip ko.

Napag-usapan namin ni Papa iyong bagong katiwala na pumalit kay Aling Delia na siyang matagal na nanilbihan sa aming pamilya. Sa bawat kwento ni Papa sa nakaraan ko ay mas napapalayo ako sa mga bagay na alam ko sa sarili ko. Marami na nga sigurong nagbago simula noong nagkasakit ako. Sa paglipas ng panahon dala ng mahabang pagkakatulog ay nakalimutan ko na ang tunay na ako.

"Psalm, sumama ka sa akin kapag nagpunta ako sa may Bulacan. Gusto kong may pamilyar na tao sa tabi ko kung sakaling magbabakasyon nga ako roon." siko ko kay Psalm na kasabay kong naglalakad paakyat ng second floor. Kung may isang tao mang pamilyar sa akin ay iyon ay si Psalm. Magaan ang loob ko sa kanya at walang salita niya ang hindi ko paniniwalaan.

"Siyempre naman! Hindi kita pababayaan. Ba't naman kita basta ipagkakatiwala sa Aaron Reyes na iyon gayong hindi naman natin siya kilala ng lubusan." napangisi na lamang ako at tumango bago tuluyang huminto sa aking silid. Magkatapat lamang ang aming mga silid at sa bahay na ito ay hindi na iba si Psalm dahil dito na rin naman siya lumaki.

"Thank you so much Psalm. Goodnight." mabilis akong hinagkan ni Psalm sa aking noo bago siya tuluyang pumasok sa aking silid. Ang halik na iyon ay mabilis lamang at parang dampi lamang ng hangin ngunit nagdulot sa akin iyon ng comfort.

Ilang araw at gabi na rin akong iritable dahil sa mga bagay na bumabagabag sa akin at ang makasama ang isang taong komportable ako ay nakakapagpagaan sa dinadala ko ngayon. Isang buntong hininga muna ang pinakawalan ko bago mapagpasyahang pumasok na sa pintong kanina pang naghihintay sa akin.

Halos mapatili ako ng may isang matandang babae ang tumambad sa akin buti na lamang ay naikalma ko ang aking sarili. What the heck?! Sino ang babaeng ito? Kagaya ko ay mukhang nagulat rin ang matanda sa naging presensya ko kaya naman sapo nito ang sariling dibdib.

“Sino po kayo?! Anong ginagawa niyo rito sa silid ko?” marahas kong tanong sa matanda na ngayon ay nakangiti lamang sa akin. Hindi ako madalas magpapasok rito sa aking silid, madalas ay nais kongmag-isa dahil dito ako nakakapag-isip.

“Pasensya ka na hija. Ako nga pala si Impong Teresita. Ako iyong bagong katiwala rito sa bahay ninyo. Mayroon lang kasi akong naulinigang boses rito sa silid mo, akala ko’y may tao iyon pala ay wala.” Hindi ko alam kung makakahinga ba ako ng maluwag sa sinabi niya o dapat bang magimbal? Tinatakot yata ako ng matandang ito. Nawala sa isip ko na may bago nga pala kaming kasambahay at walang tao rito sa kwarto ko kundi ako lamang. Damn! Tumindig ang mga balahibo ko dahil sa mga sinabi niya.

“Pasensya na po.” Iling ko sa matanda at ibinaba ko na sa aking kama ang mga gamit ko habang pinapanood siyang nagliligpit sa aking study table na wala naman halos dumi o gulo.

“Ako na po riyan. Matulog na po kayo.” Magalang kong saad. Nahiya akong bigla dahil sa inasal ko kanina sa harap ng matanda. Is just that hindi lang talaga siguro ako sanay na may nakakapasok rito sa silid ko at isa pa ngayon ko lamang siya nakita.

May edad na itong kinuhang kasambahayn ni Papa. Masayado na yata siyang matanda para sa trabahong ito marahil ang nararapat sa kanya ay manatili na lamang sa bahay. Hindi naman yata kaya ng konsensya ko na utusan o pakisuyuan itong si Impong Teresita. Mabagal na ang mga kilos nito at malay ko ba kung malakas pa ang kanyang pandinig.

May itim na tabing ang isa niyang mata na nakakapagdala ng kilabot sa akin. Para siyang mangkukulam na madalas itampok sa mga kwentong bayan. Ipinilig ko ang aking ulo dahil sa kaisipanh iyon. What am I thinking?! Pinag-iisipan ko ng masama ang pobreng matanda gayong nabastos ko ito kanina pa. Ugh! Actually mukha nga siyang mabait at tahimik lamang, wala nga siyang kibo habang patuloy pa rin sa paglilinis.

Nangunot ang noo ko ng dumapo ang kanyang mga mata sa aking repleksyon sa may salamin. Kasalukuyan kong sinusuklay ang aking buhok habang naghahanda sa paliligo. May kung anong kuryosidad ang nasa kanyang mga mata na mas lalong nakakapagtaka. Tinitignan niya ako na para bang ibang tao ako.

“May problema po ba Impo?” mahina kong usal habang tuluyan ko na siyang hinarap na siyang nakapagpabalik sa kanya sa realisasyon.

“Wala naman hija. Alam mo ba kung bakit may kaluluwa ang isang tao?” what?! Napangiti ako sa kanyang out of the blue question habang naiiling. Seriously? Hindi iyon ang inaasahan kong isasagot niya. Akala ko naman ay nagagandahan siya sa akin or something ngunit hayun at hinggil sa kaluluwa pa ang kanyang tinanong.

Ang creepy na ng matandang ‘to! Hindi pa nga nawawaglit sa isip ko iyong rason niya kung bakit siya napadpad sa aking silid. May narinig daw siyang boses sa kwarto ko! Paano naman kaya ako makakatulog mamaya ng mahimbing kung ganoon nga?

Itinaas niya ang kanyang kilay na para bang hinahamon ako sa maaari kong maging kasagutan. Bakit nga ba may kaluluwa ang isang tao? Diba’t iyon ang bumubuhay sa atin? Walang silbi ang pisikal na katawan kung wala naman ang kaluluwa. Iyon ang buhay. Maski ako ay nalilito sa explanation ko. Damn it! Sa bandang huli ay lihim na lamang akong napairap at eksaheradong nagbuntong hininga. I’m tired at wala akong panahon para sa mga ganitong usapan lalo na sa dis oras ng gabi.

“Wala po akong ideya. Mabuti pa ay bumalik na kayo sa inyong silid Impo kaya ko naman pong ihanda ang sarili kong pampaligo.” Isang beses pa niyang pinagmasdan ang aking repleksyon at nang makuntento na sa tantiya ng tubig sa aking bathtub ay tumindig na siya upang lumabas sa aking bathroom.

“Ang kaluluwa natin ang siyang dahilan kung bakit natin nakikita ang ating repleksyon sa salamin. Kung ano ang nakikita mo sa salamin ay siyang tunay na ikaw. Minsan iba ang nakikita natin sa panlabas na anyo kaysa sa tunay na nilalaman nito.” Naiwan na lamang akong nakapamaang habang pilit na ipinapasok sa aking kukote ang mga huling kataga ni Impong Teresita bago niya tuluyang nilisan ang aking silid.

What the hell was that?! Ang lalim naman niyon! Wala akong naintindihan sa ibig pakahulugan niya. Wala sa sariling nilingon ko ang sariling repleksyon sa salamin at hinawakan ang aking pisngi. Sarili ko naman ang nakikita ko. Iba ang nilalaman ng aking katawan? Anong ibig sabihin niyon? She’s weird and I don’t like that old woman!

itutuloy...

pasensya na po sa mabagal na update. Aayusin ko plot nito at tuloy-tuloy na. 

Midnight Lover Duology : Huling Sayaw (Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon