Kabanata XIV

9.5K 302 90
                                    

Please, mag backread sa Panaginip : Huling Kabanata if naguguluhan.


Kabanata XIV

Labinlimang minuto na lamang bago mag alas-dose ng gabi subalit ni dalaw ng antok ay wala akong maramdaman. Halu-halo ang emosyon na bumabalot sa akin. Pananabik, kaba at takot ang nangingibabaw sa mga iyon. Hindi ko kayang kumalma dahil sa dumadagundong na tibok ng aking puso. Nasubukan ko na yata ang deep breathing exercise o di kaya naman ay magbilang ng mga tupa sa aking isip ngunit wala pa rin.

Pinagmasdan ko ang kisame, ang banayad na paggalaw lamang ng orasan ang naririnig ko sa paligid pati na rin ang aking paghinga. Napagitla ako nang marinig ang isang marahang katok sa aking pinto. Nag-alinlangan pa ako sa pagbagon dahil maaga akong nagpaalam na matutulog na. Is it Psalm? Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at tumambad sa akin si Psalm na naka-sweatpants at puting sando. Nagtaas ako ng kilay kaysa ang magtanong, nakangiti lamang niyang itinaas ang insensong nasa may parang vase.

"Seriously, Psalm?" tanong ko sa kanya. Bihira lang sa mga lalaki ang naniniwala sa mga ganito dahil para sa iba ay isa itong malaking kalokohan o kabaliwan.

Hindi na nagpaalam pa si Psalm at kusa na niya akong itinulak upang makapasok sa silid na tinutuluyan ko. Wala akong ngawa kundi ang umirap na lamang. Agresibo talaga ang lalaking ito na maibalik si Auldey ni hindi man lang inisip ang kapakanan ko. Inilapag niya ang insenso sa may bed side table at sinindihan iyon. See! Alam naman niya sana na may sakit sa puso ang katawang ito. Umarte akong nauubo subalit sa ngiti niya ay parang proud pa siya sa kanyang ginawa.

"Baka mahirapan lang akong huminga niyan. Hindi man ako si Auldey pero nasa akin ang katawan niya. Baka sakaling alam mo yun diba?"

"Saglit lang naman. Humiga ka na." nanlalaki ang mga mata ko at napatakip sa aking hinaharap. Agad naman yatang nahinuha ni Psalm ang iniisip ko kaya nanlaki rin ang mga mata niya.

"What I mean is, matulog ka na! Tss." natatawa akong umirap at humiga na nga. Nandoon lamang siya at nakatayo, muli akong nag-angat ng kilay. Ano pa bang hinihintay niya? Nanatili pa rin siya sa kanyang kinatatayuan at pinagmamasdan ako.

"Ah... eh.. pinababantayan ka sa akin ni Impo!" bago pa ako makapagsalita ay tumabi na siya sa aking kama kaya naman napaupo ako. Sinilip ko ang orasan at 11:50pm na. Paano naman ako makakatulog nito? May katabi akong lalaki! Magrereklamo na sana ako ngunit hindi na naman ako binigyan ng pagkakataon ni Psalm dahil hinilana niya ako pahiga.

"Alam mo hindi mo naman ako kailangang bantayan. Makakatulog naman ako!" singhal ko sa kanya pero pumikit lang ang mokong. Mas lalo pa yata akong tinakasan ng antok dahil sa pang-aasar nitong si Psalm. Padabog na lang akong umayos ng higa at huminga ng malalim. I feel so uneasy.

"Pumikit ka na baka maunahan pa kitang matulog niyan." ipinikit ko rin ng mariin ang ang aking mga mata pero wala talaga. Maya-maya'y narinig ko ang malumanay at baritonong boses ni Psalm. Wait? Is he singing?! Ano 'to lullaby?

Di ko naisip na darating pa

Ang isang tulad mo sa aking pag-iisa

At ngayon buhay ko ay nagbago

Ito'y dahil sa 'yo

At nasabi kong 'di na iibig pa

Ngunit 'di magawa nung nakita ka na

At muli nadama ang pag-ibig

Sa aking puso'y ikaw lang

Ipinikit kong muli ang aking mga mata at ninamnam ang bawat salita sa lyrics. Nakaka-relax ang boses ni Psalm, hindi ko akalaing maganda pala ang boses niya. Bagay na bagay sa kanya ang kanta at malumanay ang kanyang boses. Pakiramdam ko ay tumatagos ang kanta sa aking puso hanggang sa unti-unting kumalma ito.

Midnight Lover Duology : Huling Sayaw (Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon