Kabanata III

11.3K 244 25
                                    

Kabanata III

God. Why is he so intimidating? Pakiramdam ko ay nahuli akong nagnanakaw ng candy sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Hindi niya rin siguro inaasahan na makikita niya ako rito. Damn! I'm palpitating! Huwag naman sana akong aatakihin ng sakit ko ngayon lalo na sa harap ng lalaking ito. Naka black suit siya at puting long sleeves sa loob niyon, nakabukas pa ang dalawang butones nito kaya naman maagap akong lumunok. Kanina ay malakas ang aircon ngunit ngayo'y para akong piniprito sa kalan.

He's taken! Iyan ang itatak mo sa isip mo Auldey. Hindi lang basta taken, ikakasal na siya! Bakit ba kasi may ganito kagwapong lalaki? Kinagat ko ang labi ko at nakayukong humarap sa kanya. I inhaled his scent, napapikit ako at mas lalong bumilis ang pintig ng aking puso. Nahihilo ako dahil sa sensasyong iyon. Pamilyar ang amoy niya, nanunuot sa sistema ko iyon. It is a mix of natural scent and his perfume. What a perfect combination! Lalaking-lalaki.

"What are you doing here Ms. Zobel? Are you not feeling well?" malalim at baritono ang kanyang boses na dahilan upang tumindig ang mga balahibo. Bakit may feeling ako na kilala ko ang lalaking nasa harap ko? Pamilyar ang bawat kilos at ekspresyon niya sa akin. Have we met before? But nah, ang ganitong ka-intimidating na lalaki ay hindi madaling kalimutan ang hitsura lalo na sa angkin kagwapuhan nito.

"Ms. Zobel? I am asking you. Are you not feeling well?" taranta akong umiling at umatras dahil sa intensidad ng kanyang boses. Nanliit ang kanyang mga mata na sinusuri kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi. Damn it! Bawat detalye sa mukha niya ay tumatatak sa akin na para bang napagmasdan ko na iyon ng malapitan.

"Then, anong ginagawa mo rito? Nasabi sa akin ni Mr. Zobel na kagagaling mo raw sa sakit at hindi ka maaaring mapagod. I want you to be honest with me. Kapag may nararamdaman kang masama ay sasabihin mo agad sa akin at kay Clarisse o kaya kay Maribeth na parehong nurse rito sa Hotel." kinagat ko ang labi ko at palihim na umirap. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Porke't anak ako ng CEO at may karamdaman ay may special treatment ako. I'm not made in China. Kailangan ko rin mag-trabaho at hindi ko kailangan ng pag-alalay nila dahil kayang-kaya ko ang sarili ko.

"Hayaan niyo po Sir hindi po ako magiging pabigat sa trabaho. Excuse me po." hindi ko na siya muling tinignan pa sa kanyang mga mata bagkus ay lumabas na lamang ako ng tahimik sa loob ng clinic.

Lagi na lamang mahina ang tingin sa akin ng ibang mga tao. I am better than that! Nagpapadyak na lamang ako at padarag na naglakad pabalik sa conference room. Tiyak na hindi pa ako late dahil ang taong maglalahad ng orientation sa amin ay hayun manliligaw pa yata sa may clinic. Why am I jealous? Attracted ako sa kanya kasi gwapo siya at malakas naman talaga ang dating sa akin ngunit wala akong rason upang magselos. This is so crazy! I am being crazy!

"Porke't fiancee na niya si Aaron ay ganoon na siya umasta! Nagbago na talaga ang Clarisse na 'yon!" kumunot ang noo ko mula sa babaeng nagsasalita sa may likod ko kaya nilingon ko siya. Nakasuot siya ng puting uniporme. Company Nurse nitong hotel?

"Hi. Is there something wrong?" tanong ko sa kanya kaya naman agad siyang napahinto mula sa malalim na pag-iisip at nginitian ako ng hilaw. Nakakaunawa akong ngumiti at lumapit sa kanya.

Hahanap na lang siguro ako ng magiging kaibigan rito sa trabaho, wala kasi ako niyon. Marami akong kaibigan ani Papa. Actually pumunta nga silang lahat sa hospital nang malaman nilang gising na ako ngunit isa sa kanila ay wala ako masyadong nakasundo. Mabait daw akong tao kaya maraming nagmamahal sa akin but bakit kabaligtaran niyon ang nararamdaman ko. They are all strangers for me even my own dad. Makakalimot nga siguro ang utak ngunit hindi ang emotional attachment di ba?

Bakit may pakiramdam ako na hindi ko sila kilalang lahat? I have an amnesia. Sa hindi malamang dahilan ng doktor ay nakalimutan ko ang lahat tungkol sa pagkatao ko, may ilang ala-alang bumabalik sa akin at kapag sinabi ko naman iyon kay Papa ay pinagtatawanan lamang niya ako. Napaghahalo ko raw ang mga panaginip ko at inaakalang ala-ala iyon.

Last time napaginipan kong nasa harap daw ako ng isang malaki at lumang mansyon. Kulay pula ang kulay ng buong bahay, kulay dugo iyon. Pinagmamasdan ko raw iyon at may katabi akong isang lalaki. Why it feels so real?

"Ikaw si Auldey di ba? Grabe! Ang ganda mo!" ngumiti na lamang akong sa kaharap ko na napag-alaman kong Maribeth pala ang pangalan base na rin sa kanyang nameplate.

"Yup. Ano nga pala yung sinasabi mo kanina? Para kasing may kaaway ka." ayoko sanang magtanong dahil baka isipin niyang chismosa ako iyon nga lang kasi ay narinig ko ang pangalan ni Clarisse. I am curious abou her. I don't know, hindi naman siguro ako natotomboy.

"Ah! Si Clarisse kasi! Kilala mo 'yon. Siya yung girlfriend ni Sir Aaron. We used to be friends! Ngayon napaka-arte na niya at yabang! Kaibigan niya ako pero sinabihan niya akong tatanga-tanga dahil lang nasanggi ko ang braso niya habang nag mmake-up? Nakakainis talaga! Dati naman walang arte sa katawan ang babaeng 'yon! Nagagawa nga naman ng pera." gusto ko sanang sumang-ayon sa kanya ngunit ayoko naman gatungan pa ang ngitngit niya dahil tiyak na mag-aaway ang magkaibigan. Well, medyo dark nga ang aura nitong si Clarisse pero kapag nakikita ko naman sila ni Aaron ay parang napakasaya nila. Baka naman snob lang talaga iyon. They are both intimidating, bagay nga sila.

"I'll talk to you late Maribeth. May meeting pa kasi and late na ako. See you around!" gusto ko pa sanang makipag-kwentuhan sa kanya. Alamin ang mga bagay kay Aaron at Clarisse. Grabe 'tong curiosity ko sa kanilang dalawa. Gusto kong malaman kung paano sila nagkakilala at kung paano sila nagkagustuhan. Perfect couple ang tingin ko sa kanilang dalawa.

Pagdating sa loob ng Conference Room ay saktong kalalapit lamang ni Aaron sa may platform kaya naman mabilis akong naghanap ng bakanteng upuan. Nagtagpo ang mga mata namin. Kumunot ang kanyang noo na para bang malalim ang iniisip. Kahit na nakakunot ang kanyang noo ay gwapo pa rin siya! Hindi ko maiwasang hindi humiwalay ng titig sa kanya kahit na nagwawala na naman ang puso ko at ang mga paru-paro sa aking tiyan. Hindi ako magsasawa kahit mag-hapon pa kaming magtitigan. Nawala lamang iyon ng siya na mismo ang naglihis ng kanyang mga mata at pumikit ng mariin. May epekto ba ako sa iyo Sir? Wala tuloy akong nagawa kundi ang mapangiti habang nagpapaalam sa isang manager kung may nakaupo na ba sa bakanteng silyang katabi nito o wala na.

Halos dalawang oras ang naging meeting. Unang pinag-usapan ay ang tungkol sa rules and regulations at ilang protocol na kailangang sundin pati na rin iyong mga dapat gawin sa iba’t-ibang sitwasyon. He is a great leader. Bawat sabihin niya ay detelyado, guluhin mo man ang isang sitwasyon ay kayang-kaya niyang lusutan mas lalo lamang tuloy lumaki ang paghanga ko kay Aaron. Natatakot akong mas lumawak pa itong paghangang nararamdaman ko para sa kanya lalo pa at lagi kaming magkakasama sa trabaho. Wala akong maalala kung umibig na ba ako noon o hindi ngunit sa puso ko ay para bang minsan na akong umibig at nasaktan.

Nang matapos ang meeting ay nakipag-kamayan siya sa ilang managers habang ako naman ay pinapanood lamang siya mula sa kinauupuan ko. I can stay like this forever. Hindi nakakasawang pagmasdan ang kanyang mukha lalo na kapag siya’y nakangiti. Nawawala iyong strong aura nita. Umiwas lamang ako ng tingin ng pumasok si Clarisse mula sa pinto at lumapit kay Aaron. Tinarak ang puso ko ng halikan siya nito sa may labi. Bakit naman ako masasaktan? Crush lang naman ‘to! Pumikit ako ng mariin at dinama ang nakadagan sa may dibdib ko. There is a boundary between us., Kailanman ay hindi ko na siya maaabot pa dahil mayroon ng may hawak sa kanya. I need to stop this madness bago pa ako tuluyang mabaliw.

itutuloy...

Midnight Lover Duology : Huling Sayaw (Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon