Kabanata IV

11.2K 253 30
                                    

Kabanata IV

Muntikan na akong madapa dahil sa pagmamadaling makalabas ng silid na iyon. I can't breathe! Namamawis ang noo ko gayundin ang mga palad ko dahil sa labis na pagragasa ng tibok ng aking puso. Pakiramdam ko ay lalabas na iyong puso ko sa lakas ng kabog niyon! What's happening to me?! Okay naman sana ang ventilation sa loob nitong hotel at centralized maski ang pasilyo ngunit hindi pa rin ako makahinga. Sa tingin ko ay magkakasakit ako kung hindi pa ako makakahanap ng mauupuan ko ay baka tuluyan na akong bumagsak rito. Ayokong gumawa ng eksena sa unang araw ng trabaho.

Hinaklit ko ang blusa ko lalo pa't naramdaman ko ang masidhing kirot sa dibdib ko. Aatakihin na naman ba ako? Pumikit ako ng mariin at mabagal na nagbuga ng hangin upang kumalma ang sistema ko. Ikamamatay ko yata ang paghangang nararamdaman ko para kay Sir Aaron. Keep your shit together Auldey! Pagalit ko na lamang sa sarili ko habang naglalakad patungo sa magiging opisina ko. Mapapahiya ako kung sa unang araw ay sa clinic na agad ang bagsak ko. Throughout my life ay sa clinic na lamang ang laging kanlungan ko sa tuwing aatakihin ako ng sakit ko. Hindi lilipas ang isang school year na hindi ako magiging laman niyon.

I hate being sick and fragile! May mga bagay na gusto kong gawin ngunit hindi ko magawa. I still don't know if I'm capable to fall inlove dahil natatakot akong kapag nasaktan ako ay tuluyan ng tumigil ang puso ko sa pagtibok. 

Lokohin ko man ang sarili ko'y alam kong hindi ko na kayang pilitin ang sarili ko kaya naman sa abot ng aking makakaya ay pinilit kong makarating sa may infirmary kahit pa nagdidilim na ang aking paningin. Para akong nauupos na kandila, nanlalambot ang mga kamay at tuhod ko ni hindi ko na nga sila maramdaman. Basang-basa na ako ng pawis at kung hindi ko pipilitin ay hahalik ako sa malamig na sahig nitong hotel.

"Oh my gosh! Auldey!" napangiti na lamang ako ng agad akong dinaluhan ni Maribeth at tuluyan nang nagdilim ang aking paningin.

Madilim. Malamig. Umuulan.

"Nagustuhan mo ba Clarisse." tawag ng isang pamilyar na boses mula sa kawalan. Nasa harap na naman ako noong mansyon na napaliliguan ng kulay dugong pintura. Sa tabi ko ay isang babae na nakaakbay sa akin. Kahit na malabo ang mukha niya ay batid kong nakangiti siyang nakatanaw sa bahay na sa tingin ko ay siya mismo ang may ari. Gusto ko sanang itama na Auldey ang pangalan ko ngunit hindi ko magawa.

"May problema ba hija?" nangunot ang aking noo. Hindi ba niya nakikita na hindi ako si Clarisse. Kahit na nahihiwagaan ako sa mga nangyayari ay sumama ako. Napaawang ang aking bibig sa likas na kagandahan ng loob ng mansyon. Malayo ito sa nakakatakot at eerie na impresyon sa labas. Moderno ang loob ng mansyon maski ang mga muwebles ay naghuhumiyaw sa karangyan.

Wala sa sariling hinawakan ko ang mga iyon. Kumikinang pa nga ang ilang kagamitan dahil sa kinta niyon. Lumapit ako sa may piano at sinubukang magtipa ngunit napangiwi lamang ako dahil wala na iyon sa tono. Isasarado ko na sana iyon ng mahagip ng mga mata ko ang sarili kong repleksyon sa may piano. Nanlalaki ang mga mata ko ng makita ang mukha ni Clarisse! Nagsusumigaw ako ngunit parang walang nakakarinig sa akin. Hysterical kong hinawakan ang mukha ko at sumigaw ng tumugon ang repleksyon ko!

"AULDEY!!!" isang malalim na paghinga ang hinugot ko at mabilis na bumangon. Hingal na hingal ako at parang napapaos nga ang boses ko sa kasisigaw. It was just a dream! Thank God! Pangalawang beses ko nang napapaginipan na ang mukha ko ay kay Clarisse. Ano bang nangyayari sa akin? Mabilis kong iginala ang paningin ako at sa gilid ko ay nahagip ko si Maribeth na sapo ang kanyang dibdib habang ang isang kamay nito ay may hawak na bulak na sa tingin ko ay Ammonia.

Midnight Lover Duology : Huling Sayaw (Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon