RETURN 1.0

1.6K 54 8
                                    

Kiefer's POV

Nagising ako at narinig kong nagtatawanan sila Pauly and Mika. I didn't bother na istorbohin pa sila. Hindi ko na rin narinig kung anong pinaguusapan nila hanggang sa nakita kong lumabas silang dalawa at hindi na napansin na gising na ko.

Pero ilang minuto lang naramdaman kong bumalik si Mika, I saw her from the side of my eyes dahil nakatingin lang ako sa ceiling ng room ko. We both remain silent, natulala ako sa ceiling na parang it's my way of gathering strength para sabihin sa kanya kung anuman yung decision ko. Sana nga hindi na lang ako nagising, here I am again pag nasa point ako ng buhay ko na hindi ko na kaya yung pain gusto kong mawala ng instant.

Finally I found the courage to apologized AGAIN. Siguro the first step to free yourself from pain is to forgive the person that cause it. I know one way or another nasaktan ko rin sya ng paulit ulit. And maybe nasaktan ko rin ang sarili ko kaya naniniwala ako na I have to apologized to myself too and stop myself from hoping, to let her go coz holding on hurts the most.

I said sorry but I can't find the courage to look her in the eyes. Natatakot ako na baka hindi ko mapanindigan yung mga nauna kong sinabi sa kanya. Natatakot ako kasi ang totoo hindi naman talaga ako sigurado. Natatakot ako kasi baka tamang panahon na to pero mali na yung desisyon ko. Natatakot ako dahil baka makita ko lang na nasasaktan sya bawiin ko na lahat ng mga nasabi ko. Pero this time I chose to be brave. Sabi nga nila fears are what if's. Ang relasyon namin ang pinakamalaking what ifs ng buhay ko. Natatakot pa rin ako, hindi na siguro yun magbabago.

Naging furious sya when I told her I give up. Ang labo, gusto kong bawiin yung sinabi ko dahil naramdaman kong hindi nya gusto yung mga naging desisyon ko but at the back of my mind, natatakot ako dahil baka awa na lang ang lahat. Tapos pag natakot ulit sya iiwan nya ko ulit at magkakasakitan na naman kami. Parang naging isang pangit na cycle na lang ang relasyon naming dalawa. Alam ko it's not healthy, ayoko na ulit bigyan ng kulay yung mga pinapakita nyang concern. Ayoko na ulit umasa na mahal niya pa ko dahil iniisip ko na lang nagpapakaselfish si Mika. This is the best thing to do paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko lalo na nung lumapit sya para hawakan ang kamay ko. Hindi ko sya pinansin, hindi ko sya tinignan. Ayokong makaramdam ng kahit ano dahil para akong tanga na kakainin lang ang mga sinabi ko.

"Aalis ka o aalis ako?" hamon ko sa kanya dahil natatakot na ko sa pwede kong gawin, parang bawat minuto na andito sya pwedeng magbago yung desisyon ko. It feels like ayoko na muna syang makita. The pain is too strong that letting go is the only choice.

Umalis si Mika at naiwan akong magisa. Natakot siguro sya dahil naging matapang ako para paalisin sya. Never in my life na naimagine kong ipagtatabuyan ko sya pero kung yun na lang ang paraan para hindi na ko masaktan wala akong choice kung hindi ang gawin yun.

After she left napaisip ako. Is it really the right thing to do? Nainip na din ako with the thought na naiwan akong magisa. Kung hindi ba naman ako gago na ipagtatabuyan si Mika eh di may kasama ko. Things are different na kasi! Paulit ulit kong sinasabi.

Almost an hour after Mika left me dumating naman si Pauly

"Oh bakit ka andito? Monday ngayon may trabaho ka ah!" I told him as he enters my room.

"Tangina Paps mawalan na ng trabaho wag lang mawalan ng kaibigan. Wala kang kasama sa tingin mo iiwan kita?" sigaw nya sakin at lumapit sa higaan ko

"Tsk Paps naman eh hindi mo na to kailangan gawin! Alam ba nila Mama at Papa nangyari sakin? Bakit wala sila?" tanong ko dahil nagtataka na rin ako kung bakit silang dalawa lang ni Mika ang nagbabantay sakin.

"Oo kaya lang nasa Iloilo pa sila pero dont worry baka by afternoon andito na silang lahat." sagot ni Pauly sakin

"Mabuti naman nahihiya na ko sayo eh inaalala mo pa ko" drama ko sa kanya

AMNESIA BABE ( MIEFER FANFIC )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon