Chapter 31

1.6K 36 11
                                    

SERIES OF FLASHBACKS

Mika's Pov

Sa sobrang pagod namin ni Kiefer naging mahimbing yung tulog naming dalawa. Sobrang himbing na hindi na namin namalayan na umaga na pala. I checked what time it is at nagulat ako nang makita kong 9am na. Shoot may pasok pa tong mokong na to ah.

"Babe! Babe! Babeeeeeeeeeee!!!!!" sigaw ko sa kanya sabay yugyog na rin dahil napakatulog mantika talaga.

"Hmmmm" yun lang ang nasabi niya, pikit pa rin wala atang balakang bumangon.

"Babe gising na ano ka ba malilate ka na! I mean late na pala" sigaw ko sa kanya daig ko pa ang asawa kung makasigaw.

"San punta?" tanong nya habang nakapikit pa rin.

"Trabaho Babe huy gising na kasi!" kulit ko sa kanya

"Babe wala kong work today, nakaleave ako. Ang ingay ingay mo Babe alam mo namang pagod ako tapos ang kulit kulit mo" reklamo ni Kiefer nung makabangon na sya. Naguilty naman ako . Tama talaga yung magbiro ka na sa lasing wag lang sa bagong gising tsk.

"Im so sorry Babe concern lang naman ako eh" suyo ko sa kanya kasi naman nakakunot noo pa rin ang jitim.

"Halika dito I have to punish you!" galit na utos niya sakin. anong problema nito?

"Sorry na nga eh" inis kong sagot sa kanya

"Ikaw talaga bad ka!" inis nyang sagot sabay kiss sa lips ko.

"Babeeeeeeeee" reklamo ko sa kanya habang kinikiss niya pa rin. walang planong tumigil kung hindi pa ko magrereklamo.

"Ayaw mo na ko ikiss? Palibhasa nagsawa ka na kasi nakuha mo na ko. Sakit Babe" arte niya pa. Pakaabnoy talaga

"Hoy wala pa kong kinukuha sayo. Feeler mong ilong ka!" inis kong sagot sa kanya.

"Joke lang mahal ko. I love you" he told me and hugged me so tight.

"I love you too umuwi ka na ba sa bahay niyo? Baka hinahanap ka na nila Tita" tanong ko sa kanya.

"Yes dun ako dumiretso bago ko ginawa yung surprise ko and by the way Miks dun na tayo maglunch ha. Miss ka na nila eh" Kiefer told me at naexcite naman ako dahil miss ko na rin ang Ravena Fam.

"Yes po and Babe ok lang ba dun muna ko sa shop sa umaga? Sunduin mo na lang ako pag lunch na" sagot ko kay Kief

"No ayoko" sagot niya sakin at ayan na naman yung mukha niyang ewan.

"But why?" tanong ko sa kanya.

"Hindi kita susunduin dahil ayokong umuwi na wala ka. Sasama ko sa shop" he answered then winked at me. Baliw talaga.

"Okay ikaw bahala sige na Babe ligo muna ko sa shop na tayo magbreakfast drive thru na lang tayo okay. Ligo ka na rin after ko" bilin ko sa kanya at tumayo na para pumunta sa CR pero pag tayo ko, tumayo rin sya at humarang sa pinto.

"Oh bakit?" tanong ko sa kanya

"Mamimiss kita eh kahit saglit lang ingat sa pagligo Babe okay? Dahan dahan sa pagshower baka madulas. Be careful sa sabon baka pumasok sa mata mo okay I love you" he told me at pinapak ako ng kiss. PakaO.A talaga.

"Hahahahahahahaha kakatawa ka po. Sige na maliligo na ko wait for me okay?I love you too my one and only ilong" I told him at pinisil ang ilong nya. Laki talaga.

Pagtapos kong maligo sumunod agad si Kiefer. Buti na lang mabilis syang maligo kaya nakaalis na kami agad ng condo. Dumaan muna kami sa Jollibee para magdrive thru ng breakfast namin at dumiretso na sa shop.

AMNESIA BABE ( MIEFER FANFIC )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon