DESIGN

1.4K 45 19
                                    

Mika's Pov

"Hello Miks pwede mo ba kong samahan may bibisitahin lang akong customer? Please" Jeron said after I pick up my phone.

"What time?" I asked dahil ngayon rin yung schedule ng site visit namin sa Batangas pati na rin design presentation ni Kiefer.

"Actually maghapon sya. Please magiging customer mo rin naman to eh please ayoko lang magisa" pagmamakaawa sakin ni Jeron. Dahil importante din sakin ang business. I chose to be with Jeron. Isa pa mas ok na sigurong kay Jeron na lang ako sumama kesa makita ko si Kiefer.

"Sige just text me kung saan tayo magkikita" I told Jeron

"No. Sunduin na lang kita sa shop wag ka na magdala ng car okay?" Jeron said at dahil makulit to umoo na lang ako and ended the call.

Kakatapos lang ng tawag ni Jeron ng tumawag naman si Papa.

"Hello Miks sasama ka ba sakin?" tanong ni Papa to confirm if sasama ako dahil susunduin nya daw ako kung oo.

"Pa no na po muna we have meeting ni Jeron for a possible client kaya pass muna Pa kaw na lang po muna pumunta" sagot ko kay Papa at naintindihan nya naman.

Mabuti na ring hindi na muna kami magkita ni Kiefer. Baka nga hindi pa to ang tamang panahon.

Kiefer's Pov

Today is our design presentation and site visit kasama si Tito Manuelito. I'll also introduce to him Alyssa since sya yung Arki ng project.

Medyo nahirapan kami ni Alyssa nung binubuo yung design ng rest house. Hindi na daw kasi applicable yung design na sinabi ko. We have no choice but to make some adjustments and the necessary changes. For approval pa naman ni Tito pero in case hindi nya magustuhan we will stick to the original plan but I think mahihirapan kami if we did kaya naman me and Alyssa are hoping na sana okay na kay Tito or if not we will try to convinced him.

Medyo long drive ang papunta sa site nila Mika pero buti na lang familiar si Alyssa sa place since tagaBatangas naman sya. Buti na lang din kasama ko sya kaya hindi ako nabored.

We are currently waiting for Tito to arrive, hindi ko alam kung kasama si Mika pero sana kasama sya para maexplain din sa kanya yung design. Baka kasi magfreakout if she find out na may mga nabago. Knowing her, magagalit yun.

Maya maya lang may dumating ng car and I bet it's Tito already at tama nga ako. Instead of Mika si Tita Bhaby yung kasama nya. Ok na rin yung ganito since baka pag si Mika tapos makita nyang kasama si Aly mainis na naman sya. Gulo na naman nakakahiya pa sa parents nya.

"Ah Good morning Tita and Tito by the way si Alyssa po pala sya yung Arki for this project" I politely greeted them and inroduce Alyssa to them.

"Hi Miss. Alyssa ikaw siguro yung ----" Tita was about to say something kay Aly but Tito cut her.

"Ah ikaw siguro yung Arki di ba Honey?" tanong ni Tito kay Tita at tumingin sya kay Tita as if telling something or telling her to shut up. Hmmm if I know my kinuwento na to si Mika sa kanilang dalawa.

"Hi po good morning po Sir and Ma'am" Bati ni Alyssa sa kanilang dalawa.

After that brief intro we immediately proceed with our site inspection while explaining the design of their rest house. Medyo nagulat din si Tito at Tita na nagiba na yung plano pero naconvince ko naman sila when I told them that it's the best design for the house since hindi na pwede yung previous plans as per Alyssa.

"Tito Tita pakiinform na lang din po si Mika about the changes" I told them after finishing the presentation.

"No Kief you better inform her, mas alam mo to and we believe na mas maiintindihan nya pag ikaw ang nagsabi" sagot ni Tito sakin but I doubt it kung maiintindihan nya ko, I doubt it kung makikinig sya.

AMNESIA BABE ( MIEFER FANFIC )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon