BIRTHDAY WISH

1.7K 45 3
                                    

Kiefer's Pov

Last year everything was so different. Tandang tanda ko pa how excited I am to celebrate her day. We're both enjoying her last day of her teenage years. Feeling excited ako na yung baby ko nagmamature na. She's getting old pero parang gusto ko mas matanda na, gusto kong hilahin yung oras para dumating na yung right time na both of us are old enough para pakakasalan ko na sya.

This year everything is so different. Birthday niya, oo alam ko pero yung mga tao sa paligid ko paulit ulit na nireremind ako na birthday niya. Please stop reminding me! Minahal ko sya hindi pwedeng hindi ko yun alam, I knew it! Kung last year gusto kong hilahin yung oras na tumanda sya, ngayon gusto kong ibalik yung oras nung 19 going 20 pa lang sya. Yung bago pa lang kami, halos isang linggo pa lang. Yung masaya pa kaming dalawa. Yung kinikilig pa lang. Yung maraming ko ng haters dumami pa kasi sinasabi nila hindi daw ako bagay kay Mika. Mika deserves better kesyo na playboy ako, masyadong maganda si Mika for me, masyadong mabait pero wala eh ako yung pinili.

Gustuhin ko mang bumalik sa mga panahong ok kami, hindi na pwede. The damage was done. Yung mga haters ko nung bago pa lang kami ni Mika naging fans ko na rin kasi nakita naman nila kung gaano ko minahal yung idol nila pero ngayon back to being haters dahil pinatuyan ko lang na tama sila. Wala eh gago ako eh. Hindi ko na alam kung paano o ano pa ang itatawag ko sa sarili ko dahil sa mga ginawa ko. Akala ko kasi nakasubscribe ako sa unlimited one more chance kaso naeexpired din pala.

IG and Twitter peeps kept on bugging me. Lahat sila parang nagaabang ng greetings ko kay Mika. Saktong 12am dati nageffort akong gumawa bg birthday greetings for her at ipost yun sa IG pero ngayon wala. I remember pa our fans said na dapat mas effort ako sa birthday ni Miks dahil grabe yung effort niya nung binati niya ko sa IG nunG birthday ko. I also made a promise to myself na mageefort talaga ko when her birthday comes. Eto na yun birthday na nya pero mukha akong tanga na hindi ko alam kung paano ko sya babatiin. Ano ba dapat ang sabihin ko? Paano ba dapat bumabati ang ex?

"Manong it's Mika's birthday tinext mo na ba?" Mama asked me.

"Manong 21 na si Ate Mika" it's Dani

"Kuya trending yung HBDMikaReyes, sa dami ba naman ng fans at hashtag nagtrend pa rin" Thirdy

"Anak kasabay pa ng father's day ang birthday ni Mika siguro kung kayo pa mahihirapan kang imanage yung time mo. Biruin mo you'll celebrate with me tapos you'll celebrate with her. Torn between Papa and Babe sana" Papa told me.

Haaaay parang all of them are pressuring me to greet Mika pero sa dami ng nagmamahal sa kanya hindi na naman siguro niya mapapansin kung wala akong birthday greeting to her. Hindi na siguro ako kawalan kung hindi ko man batiin si Mika.

Just like nung birthday ko, parang birthday ko din pag birthday ni Mika. During my birthday sobra yung kilig ko pag may nakatag din kay Mika every birthday greeting sakin, it made me feel kasi na pati birthday namin conjugal na din. Ang sweet di ba? Pero ngayon nung birthday niya bihira lang yung nakatag sakin, siguro kasi gusto nilang bigyan ng peaceful birthday si Miks. She deserves that dahil after all wala akong narinig na kahit anong bitterness from her. Kahit mga friends niya never na nangaway ng Miefer fans, walang kahit anong masama na sinabi sakin. Sya mismo, walang pinatulan. She remain calm amidst all the controversies, the issues thrown between us. Sa dami ng mga taong nakikialam samin, never syang pumatol. Tama nga sila, Mika is a strong woman and that strong woman doesn't deserve a douchebag like me.

Dahil wala ng Miefer, kung kani kanino na nililink si Mika. Una na kay Joseph Marco na binati sya sa IG niya, yung Joseph na pinili niya over me sa guesting nila sa GGV. Pati yung screenshot nung comment nakatag pa sakin. Tangina lang nung teamcoke na yan!

AMNESIA BABE ( MIEFER FANFIC )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon