[ 48 ] Caught

35.9K 507 56
                                    

Chapter 48: Caught

 

Maagang gumising si Gab para masamahan si Haeja sa pagpapacheck up sa doktor nito. Ito na ang pinakahihintay niyang araw dahil kapag nalaman na niya kung sino ang doktor ni Haeja, mas madali niyang malalaman kung gaano na katagal ang dinadala nito.

"Haeja, okay ka na ba? Pwede na ba kitang sunduin sa inyo?"

"Kakagising ko lang, Gab. Pumunta ka na lang dito after an hour."

"Okay. Magtext ka kapag pwede na akong pumunta dyan."

Bago pumunta si Gab sa bahay na tinitirhan ni Haeja ay nagpadala muna siya ng text kay Jin.

To: Kabs

Ngayon ko na mapapatunayan sa 'yo na hindi ko anak ‘yon. Magkita tayo mamaya.

Pagkabasa ni Jin ng text na iyon ay hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya. Natutuwa siya dahil matatapos na ang lahat pero natatakot din siya dahil maaari na totoo nga ang sinasabi ni Haeja na anak nila ‘yon ni Gab. Kinakabahan siya sa posibleng maging resulta ng kung ano mang binabalak gawin ni Gab. Dahil wala siyang masabihan ay kaagad niyang tinawagan si KL.

"Bessy!"

"Si Spencer ‘to. Bakit ka napatawag, Jin?"

"Pwede ko bang makausap si KL?"

"Hindi mo man lang ba ako namiss? Ayaw mo yata akong kausap, eh."

"I missed you, Spencer. I just have something important to tell her. Can you please hand her the phone?"

"Malapit ka lang naman sa bahay ni Steven nakatira, hindi ba? Pumunta ka na lang dito at i-share mo na din sa 'min 'yan. Nandito kaming lahat maliban kay Gab."

"Okay. See you! Bye!"

Nagmadaling pumunta si Jin sa bahay nina Steven. Kagaya ng sinabi ni Spencer, nandoon ang barkada puwera lang kay Gab.

"Jin, you're here! How are you?" tanong ni Aine.

"Not so good but I'll be fine so there's nothing to worry about."

"That's good."

Lumapit si Jin sa kanila at agad siyang niyakap ni KL.

"Bessy, namiss kita!" masiglang sinabi ni KL.

"Likewise, KL."

"You don't look so good. 'Diba umalis kayo ni Gab para sa isang team building activity ng tatlong araw? May nangyari ba na hindi maganda sa inyo?"

Umiling si Jin.

"Wala naman."

"Jin, tara kain!" sigaw ni Steven.

Pumunta sina Jin sa pool area kung saan kakatapos lang nilang magluto ng barbecue.

"Hindi man lang kayo nagyayaya, may ganito na pala na nagaganap. Kung hindi pa ako tumawag, hindi ko pa malalaman. Ang daya niyo, guys!" nagtatampong sinabi ni Jin.

Game of Love 2: Still in Love (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon