[ 47 ] Trust

38.2K 532 50
                                    

Chapter 47: Trust

Hindi na bumalik pa sina Jin at Gab sa lugar kung saan ginaganap ang team building activity at pumunta na lang sila sa kwarto nila.

"Let's just go back to Manila, Sir Gab. Since you are injured, we can't join any of the activities anymore."

"Hindi pa tayo pwedeng umalis dito. May mga kailangan pa akong gawin."

"May iuutos ka ba?"

"Wala."

"Can I borrow your phone for a while? I need to call someone"

"Si Marc?"

"That's something personal, Sir Gab. I hope you won’t be nosy. Kung ayaw mo akong pahiramin, okay lang din naman sa akin."

Kinuha ni Gab ang phone niya at inabot kay Jin. Kinuha ‘yon ni Jin at pumunta siya sa loob ng CR. Nilock niya ang pinto para hindi marinig ni Gab ang pag-uusapan nila ni Marc. Agad naman na sumunod si Gab sa labas ng CR. Gusto niyang makinig sa pag-uusapan ng dalawa kahit na boses lang ni Jin ang maririnig niya.

"Marc!"

"Ano'ng problema mo?"

"I lost my phone and I can't find it."

"Ano'ng gusto mong gawin ko ngayon?"

"Sinasabi ko lang sa 'yo para alam mo."

"Okay. Busy ako ngayon, Jin. Mag-ingat ka na lang dyan. Bye."

"Okay. Bye, Marc!"

Nang marinig ‘yon ni Gab. Agad siyang tumalon papunta sa kama. Nakalimutan niya ang nangyari sa kamay niya kaya namimilipit siya sa sakit. Paglabas ni Jin sa CR, nagtataka siya sa nangyayari kay Gab.

"Nagugutom na ako, Jin. Gusto kong kumain."

"Bakit ako pa ang kukuha?"

"Baka nakakalimutan mo na secretary kita?"

"Oo nga, secretary mo ako pero hindi mo ako katulong."

"Binabayaran kita para gawin 'yan, hindi ba? Kung nasa office tayo at inutusan kita na bumili ng pagkain ko, gagawin mo. Tama?"

"Fine! It’s almost time for the snacks. Bumalik na tayo doon."

Pumunta sila sa kung saan ginaganap ang event. Kailangan nilang sumabay sa pagkain sa ibang mga kasali. Kumuha si Jin ng isang bote ng tubig at saka sila umupo at nanood.

"Masakit ba?" tanong ni Jin kay Gab.

Nag-aalala siya para kay Gab. Galit man siya sa balita tungkol sa anak nina Gab at Haeja, hindi niya pa din maiwasan na mag-alala dito. Pinipilit niya lang naman ang sarili na maging matapang at sungitan si Gab kagaya ng ginagawa niya noong hindi niya pa alam na siya si Jin.

"Masakit, pero okay lang."

"Ganun ba talaga kalala 'yan para gumamit ka pa ng arm sling?"

"Siguro."

Binuksan ni Jin ang bote na hawak niya at iniabot kay Gab habang nakaiwas ng tingin dito.

Game of Love 2: Still in Love (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon