Chapter 14

431 6 2
                                    

Kung saan saan nalang sumulsulpot si Jeron sa buhay ko. Ano ba problema niya?! Sinabi ko na sakanya na ayaw ko siya makita ah. Nangiinis talaga. Ayoko siya makita. At mas lalong ayaw ko siya makausap. Pagkatapos niya makipag kita kay Captain? Di niya pa ako sinabihan na mag memeet niya pala sila ni Fort.

*flashback*

I answered my phone kasi tumatawag si Kyra "Hello?" Sabi ko.

"Sis!!! San ka?"

"Nasa bahay ako ngayon, Ky. Bakit?"

"May sasabihin ako pero huwag ka magulat ah?"

Tumayo ang mga balahibo sa kamay ko sa sinabi ni Kyra. Parang ako ang natatakot sa sasabihin ni Kyra..

"Ano yun?"

Huminga ng malalim si Kyra "andito kami ni Thirdy sa bagong restaurant na kakaopen lang today sa Taft.. Andito si Jeron."

"Sus, yun lang naman pala. Of course makikita mo talaga si Jeron diyan, eh taga Taft yan eh."

"Hindi girl! Kasama niya si Fort!!"

Nabitawan ko phone ko.

"Sab?"

Shit. Bat magkasama si Jeron at si Captain?!

Pinulot ko phone ko, "Ky, usap nalang tayo mamaya. Busy ako. Sige." Binaba ko agad ang phone ko.

Hindi ako makapaniwala na mag kasama sila ngayon. Sinabi ko na noon ky Jeron na huwag na siya makipagkita kay Fort, which was a little bit hard for him kasi close si Kuya Jeric at si Fortuna. Kaya alam ko na di niya talaga maiiwasan yun. Pero yung sila lang dalawa? Nakakaduda.

Magkikita pa naman kami mamaya ni Jeron..

"Sab, nasa labas na si Jeron. Inaantay ka na." Sigaw ni Manang Mimi mula sa labas ng kwarto ko.

Tumayo ako sa kama ko at binuksan ang pinto. Na shock si Manang Mimi nung makita niya ako.

"Isabelle, ano ba yang suot mo? Bat nakapang bahay ka pa?"

"Manang, pakisabi po kay Jeron na hindi na kami matutuloy. Masama po ang pakiramdam ko. Pauwiin niyo na lang siya."

"Ah, ganun ba. Sige, papauwiin ko nalang. Magpahinga ka nalang diyan ha."

"Thank you manang." sabi ko at Ngumiti ako kay Manang Mimi

I closed the door ulit at umupo sa study table ko and turned my laptop on. I opened my twitter pero nag stalk lang ako. Di ako nag ttweet.

Bigla nag blue yung mentions ko.

@jeronteng: @sablacson what happened to you?

Di ko siya nireplyan.

Bigla ako may narinig na parang may nalaglag sa labas sa may balcony ko. Nagdadalawang isip ako if I should go and check it out pero bigla akong tinamad. Kaya di ko nalang pinansin.

May narinig ako na parang may bumukas na pintuan.. Tinignan ko ang main door ko. Di naman nakabukas. Tinignan ko ang pinto sa banyo, di rin naman nakabukas. Tinignan ko ang pinto sa balcony..

"Sab.."

"OH MY FREAKING GOSH! What the hell are you doing here?! Umakyat ka??? Ano ba kailangan mo?! Ha?!"

"Bat di ka sumipot sa plano natin? I thought aalis tayo.."

"Ewan ko sayo. Magsama kayo ni Fort!"

"Sab! Let me explain! Please"

"Kuya!!!!!!! Kuya Earl!!!!!!!! AHHHHHH"

Pumasok agad agad si Kuya Earl sa kwarto ko dala ang baseball bat.

Taking RisksWhere stories live. Discover now