Chapter 9

488 7 4
                                    

"hali ka nga dito, basang basa ka na ng pawis oh" sabi ko sakanya habang pinapahiran ko ng towel ang pawis niya

"sympre papawisan talaga ako dahil kakatapos ko lang mag practice ng basketball. May nakita ka na bang player na nag practice na hindi pinapawisan?" hinawakan niya agad ang kamay ko at napatigil naman ako sa kakapahid ng pawis niya.

"oo naman! Yung mga swimmers kaya di pinapawisan. Kala mo no" napatawa naman siya sa inangal ko sakanya

"niloloko mo ko babe eh. nasa tubig kaya sila. Dun nakahalo ang mga pawis nila"

Aangal pa talaga eh. Tumayo ako at lalabas na sana ako ng court ng bigla niya kong hinila at pinaupo sa lap niya

"eto naman si babe eh, nilalambing ka lang." agad niya hinalikan ang braso ko, ang pisngi ko tapos ang buhok ko tapos he rested his head sa braso ko habang ang right arm ko nakapalibot sa neck niya and my fingers were playing with his hair.

"aba aba aba Captain! Dito pa talaga kayo nag plano na mag PDA, buti nalang wala si coach kundi lagot ka sakanya!" singgit ni Aljon habang palabas sila ng locker room kasama ang ibang players

Tumawa naman ang lahat sa sinabi ni Aljon

"oo nga captain! Awat na! Malayo pa yan bahay ni Sab. Umalis na kayo" sabi naman ni Kim habang naglalakad sila papunta samin

"ganyanan na ba talaga ngayon? Kala ko pa naman mga katropa ko kayo."

"di joke lang yun, Captain. inyong inyo na ang court. Kami nalang ang aalis. Para ma solo mo na ang court, solong solo mo pa si Sab" sabi naman ni Ron

"PALIBHASA KASI JERIC FORTUNA." sigaw ni Aljon habang palabas silang lahat sa court

"naman!" pahabol ni Captain. "teka lang babe ha? Dito nalang ako bibihis, ayaw kasi kitang iwan na magisa, baka mawala ka"

Grabi naman tong si Captain. Mawawala ba talaga? Alam niya naman na di ko siya iiwan diba? Loko loko talaga.

Agad hinubad ni Captain ang jersey niya sa harap ko.

Oh my gad the abs. Ano ba yan Captain, mahiya ka naman please.

Tapos niyang mag palit ng shirt, hinubad niya shorts niya. Wtf. At sa harap ko pa. INTENSE!

Buti nalang nakacycling siya. Pero di parin tama eh. Ano beyyy.

"sorry babe, huwag mo nalang ako tignan. Titingin pa talaga kasi eh, Baka e mamanyak mo pa ko. Alam ko naman na you find me hot, so awat na. Baka matunaw pa ako" pabirong sinabi ni Captain. Siya pa ngayon ang may lakas loob na mag sabi na e mamanyak ko siya talaga.

Kinuha ko towel niya at ibinato sakanya.

Ugh, missed.

"ewan ko sayo! Bilisan mo na diyan" inaayos ko ang mga gamit niya at nag umpisa na ako lumakad palabas ng court.

Tapos tumakbo siya papunta sakin.

He hugged me from my back.

"eto kananaman Babe, naglalambing nga lang diba. Miss you" tumalikod ako para magkaharap kami at ipinatong ko ang mga kamay ko sa ibabaw ng shoulders niya.

"kaya nga. Niloloko lang kita. Alam mo naman na miss din kita. Love you captain"

He smiled then pressed his forehead against mines then he leaned his face forward.

Our lips just 1 inch apart

He kiss--

"ISABELLE GUMISING KA NA, ANG SARAP ATA NG TULOG MO AH" sigaw ni Demi

Taking RisksWhere stories live. Discover now