Chapter 2

731 8 4
                                    

"ahhh" sigaw ko.

Muntik na sana akong malaglag pero may sumagip sakin.

Naka hawak siya sa bewang ko pero nakapikit parin ang mga mata ko. Kala ko kasi tuluyan akong madadapa. Buti nalang sinagip niya ko kung sino man siya talaga.

"okay kalang?!" sigaw niya na may halong kaba sa boses niya.

Pagbukas ko ng mga mata ko, hinawakan ko ang kamay niya na nasa bewang ko at tumalikod ako.

si Jeron lang naman pala.

"Ano ba nangyari? Tanga lang? HAHAHA di joke. Clumsy as always, Ms Lacson." tumatawa lang siya habang pinagsasabihan niya ko.

Siniko ko siya sa kanyang "so called abs" at tumawa lang kami.

"Li kana nga, namiss kita" he pulled me close to him at niyakap niya naman ako. Niyakap ko rin siya. Para fair.

Nakaakbay siya sakin habang papunta kami sa sasakyan niya. As always, siya ang nag bukas ng pinto ng kotse para sa akin.

"kamusta first day mo sa Ateneo, Sab?" tanong ni Jeron habang eyes on the rode ang peg niya. ni hindi man lang tumingin sakin ang shokoy na to. oh well, mas mabuti na hindi siya tumingin sakin kesa ma paano pa kami sa gitna ng kalsada.

"Okay lang naman. Wala masyadong ginawa. Pero nakakastress pala yung college noh. find your own classroom ganito ganyan. kakapagod. di ako tuloy naka paglunch huhu" *sighs deeply*

"sabi ko sayo dun ka sa De LaSalle mag aral eh! para naman ma alagaan ko pig ko. Yan tuloy di ka nakakain ng lunch"

"Luh ang sama mo! ikaw nga, Chinese na malaki ang mata. Chinese ka ba talaga ba? or joke lang yun? HAHAHA wew tsaka ano naman ang paki mo? ako naman ang dapat pumili ah. ako kaya ang nag pakaloka kumuha ng test." sabi ko at tumatawa lang siya.

"okay fine. mas mabuti na lang na nadito ka kesa dun ka mag aral sa states kasama ang dad mo."

tas tumahimik kaming pareho. walang umiimik. anyare sa shokoy na to? hindi naman kami ganito ah. ano kaya ang pumasok sa ulo niya o may naalala kaya siya? hmm.

Before kasi, nagusap kami ng dad ko na sa states na kami ni Kuya Earl mag college, eh dream school ko yung Ateneo even though kumuha ako ng mga tests sa DLSU, UST at UP. Kahit papano gustong gusto ko dun mag aral. Tapos dun rin nag aral si mommy kaya okay lang sakanya. Separated kasi parents ko. Ako si Mama at Kuya Earl lang ang magkakasama. Pero kahit papano, kayang kaya naman kami ni Mama paaralin, buhayi at kung ano pa diyan. Akalain mo dun kami ngayon umaaral ni Kuya Earl?

Galing sa mayaman na pamilya ang mama (mayaman kasi parents niya) ko at sumisikap din siyang mag trabaho ng maigi para samin ni kuya. Ako? Ewan. Hahaha pero nabibili naman ang mga gusto ko. So okay na yun.

hanggang ngayon eh, nasa traffic parin kami. Buhay Maynila nga naman.

"San ba tayo pupunta Jer?" tanong ko sakanya

"Basta pig. Akong bahala sayo." tinignan at ngumiti lang siya sakin.

sa sobrang traffic, di ko namalayan na nakatulog na pala ako. sobrang sarap kaya matulog sa kotse ni Jeron. tsaka, di mo naman ako masisi.

traffic kaya.

"gumising kana, sleeping beauty :)" bulong sakin Jeron at ngumiti siya. Ang lapit ng labi niya sa tenga ko, kaya pag maririnig ko ang boses niya, sobrang sarap pakingan. Yun nga lang, di marunong kumanta HAHAHA

nagulat ako, kaya agad agad naman akong nagising at inayos ko sarili ko. lol may laway pa ko oh. Pagkadilat ko ng mga mata ko, dinala na pala ako ni Jeron sa Resorts World. Bihira na ata tong shokoy na to mang libre eh. kaya na gulat ako. Lumabas siya saka pinuntahan niya ako sa other side oh his car at pinagbuksan ng pinto.

Taking RisksWhere stories live. Discover now