Introduction

2.8K 20 11
                                    

 [Vincent’s POV]

“Vince! I love you!! Tingin ka naman dito!” Sabi ng isa sa mga fans ko ..

“Vince! Pakiss naman ako!” “Ang ganda mo Olivia!” “I love you Vince!” “Mahal na kita Olivia!” “Empath! We love you!” Sabi ng mga fans namin.

“We love you too .. All of you.” Sabi namin sa mga fans namin ng may ngiti then umalis na kami papuntang backstage. Yeah, isa akong sikat na singer at model. Empath ang Band name namin ng kapatid kong si Olivia Pearce. Empath dahil ang mga kanta namin ay para maintindihan ang mga nararamdaman ng tao. Although Empath ang band namin, isa akong ­malihim na tao at lingid sa kanilang kaalaman, isa akong bampira .. Bampira na hinahanap ang nagligtas sa’kin mula sa bingit ng kamatayan at ang nagdala ng kapahamakan sa buhay ko, ang Stray Vampires na nanggugulo at pumapatay sa mga tao at tumututol sa Royal Trio.

Sikat na singer at model ako ngayon pero hindi ito ang pinangarap ko. Isa lang ito sa mga paraan ko para maitago ang tunay kong katauhan na pagiging bampira. Wala pang nakakaalam ng tunay kong pagkatao kahit ang kumupkop sa’kin.

Hindi ko inaasahang magiging ganito ang buhay ko pagkatapos ‘kong maging bampira .. Buti nalang may kumupkop sa’kin. Akala ko noon katapusan ‘ko na simula nung nangyari ang insidenteng kumitil sa buhay ng maraming tao pero naligtas ako .. Naligtas ako ng isang babaeng bampira  na nagngangalang Ashley ..

*Flashback*

8 years ago

“Ma! Pa!” Sambit ko ng makita kong parehas na may dugong tumutulo galing sa kanila. Galing ako sa secret room <> namin dahil doon ako madalas maglaro, pero pagpunta ko sa labas ng bahay ay nakita ko sila mama at papa na nakahandusay na sa daan. Hindi ako nakapagsalita pagkatapos non. Bigla nalang akong humagulgol sa pag-iyak nang makalapit na talaga ako kila mama at papa.

Nagulat nalang ako ng biglang may papalapit na isang maputi at matangkad na lalake. Nang makalapit na siya, napansin ko agad ang pula niyang mga mata. Pero mas lalo kong ikinagulat ng biglang bumangon sila mama at papa.

“May natira pa pala ditong isang bata. Mukhang anak ka ng mga taong ‘yan. ‘Wag kang mag-alala, susunod ka na sa kanila.” ‘Yan ang mga katagang nagpakilabot lalo sakin. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari at kung bakit wala ang ibang mga tao sa lugar namin.

“Ma, Pa .. Anong nangyayari sa inyo?” Tanong ko sa kanila na punong-puno ng pagtataka. Paano sila nabuhay uli? Tanong ko sa sarili ko.

Papalapit na sila sakin at kinagat ako. Wala ng lumalabas sa aking bibig na boses at hinayaan ko nalang na makagat nila ako at maging katulad nila. Maya-maya pa ay may biglang bumaril sa kanila. Sa ulo ang tama ng bala at parehas naging abo sila mama at papa. Paglingon ko sa direksyon kung saan may bumaril ay nakita ko ang isang maganda at maputing babae na meron ding pulang mga mata na nagniningning sa aking paningin.

[A/N: Tingnan nalang po ang picture ng babaeng bampira sa gilid -3- ========>]

Secret IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon