27

1.3K 67 26
                                    




Fred still had the blue box in his hand while driving. Nagtatalo ang isip n'ya sa kung anong dapat gawin sa singsing na 'yon. Greg came from his house at the time of the accident. He told him how Sandra wanted to break up with him. He felt so sorry for him especially since he knows Greg has been working up a plan to propose to her. Kahit noong wala pa silang malay na buntis si Sandra ay may plano nang magpropose si Greg. He has waited years for this time with her to come to his life and he'd do anything to keep her.


Now that Greg is in the hospital, he was thinking of giving the ring to Sandra to let her know how much his friend loves her. Na gagawin n'yang mag-alok ng kasal kahit na hindi pa sila gaanong matagal na magkasintahan.


He was almost near Greg and Sandra's condo building when he finally decided to tell Sandra about the ring.


"Sands, matutulog ka na ba?" Fred asked on the phone.


"Hindi pa nga ako inaantok eh. Iniisip ko pa rin si Greg," ang sagot ni Sandra.


"Nandito ako sa parking lot. Can I come up? I want to talk to you."


"Sure."


Some minutes later ay nakaupo na sa living room si Sandra and Fred. He got the box from his pocket and handed it to her. She slowly opened it. Upon seeing the content, her eyes started to water.


"They found that in his car. Sands, I know this isn't the way he would've proposed to you but since he can't do it, ako na lang muna."


"Paano..."


"Matagal ko nang alam ang plano n'ya pero hindi n'ya sinasabi sa akin ang details. He loves you so much Sandra kaya he was so devastated when you told him that you didn't want to be with him. Ngayon alam ko nagbago na ang isip mo kaya mas tamang hawakan mo ang singsing na 'yan. Hindi sa pinangungunahan ko si Greg. I feel kasi that, while he's still in the hospital, mas magandang alam na nating lahat that you are bound to him. That is kung tatanggapin mo nga ang singsing na 'yan."


Hindi makapagsalit si Sandra. Magkahalong guilt at happiness ang nararamdaman n'ya. Naisip n'yang walang dudang tatanggapin n'ya ang singsing. When she found out that she had almost lost him ay napatunayan n'ya sa sarili n'yang si Greg lang ang gusto n'yang makasama. And if in some sort of twisted fate ay ayaw na ni Greg sa kanya ay gagawin n'ya ang lahat just to win him back. Kung mahal s'ya ng kasintahan, she knows she loves him back that much.


"At Sandra... alam kong wala akong karapatang sabihin sa 'yo ang mga sunod kong sasabihin kasi I didn't go through what you went through. Pero ang pakiusap ko lang sa 'yo, as his bestfriend, please subukan mong mabuhay ulit. I will never know the pain you felt when you lost the baby pero kung mamamatay ka ng dahil d'yan ay parang papatayin mo na rin si Greg kasama mo. You are his life now. Heck, ever since he met you, you have been his life. Ikaw ang nagbibigay buhay sa kanya. At 'yung nakikita ka n'yang unti-unting nawawalan ng buhay, it's killing him, too. Pareho kayong nawalan ng anak, Sandra. Nasasaktan din s'ya katulad mo. 'Wag mong akuin lahat ng sakit."

Basta't Kasama KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon