16

2.5K 102 76
                                    

 

 

 

 

Greg opened the door for her after he parked Sandra's car. Ito pa rin ang ginamit nila dahil hindi pa nakukuha ni Greg ang kanyang SUV sa kanilang bahay. But this time, he insisted on driving the car.


"Thank you," she said at nagsimula nang maglakad.


Sumunod naman agad si Greg sa kanya at humawak sa kanyang kamay nang magkasabay na silang naglalakad. Nagulat si Sandra kaya napatingin kay Greg. "Ay oo nga pala. Boyfriend ko na nga pala ang gwapong 'to."


"Don't look at me like that. Baka gusto mong bumalik tayo sa condo at hindi na lang pumasok," he said with a smirk.


"Ang manyak talaga," ang natatawang sagot ni Sandra.


Magkawak pa rin sila nang pumasok sila ng elevator pero nang may ibang taong pumasok ay bigla naman binitawan ni Sandra ang kamay ni Greg. His brows furrowed because of this but he let it slide. Hanggang sa paglalakad nila papasok ng opisina ay halos magmadali si Sandra na parang ayaw n'yang kasabay maglakad si Greg.


"Hi Sir Greg! Welcome back. Namiss namin kayo ah," she heard someone say. She didn't dare look at the source of the voice to avoid throwing that person dagger looks.


"Hi! It's nice to be back," ang sagot naman ni Greg.


She continued walking until she got to her desk. She looked out the window and calmed herself. "Shit! Hindi naman ako ganito noon 'pag may nakikita akong ibang babae'ng pumapansin sa kanya ah. Kainis!"


"Baby, are you okay?" he asked when he entered her office.


"Y-yeah," ang gulat na sagot ni Sandra.


"Good morning kids!" ang bati ni Fred. Napatingin silang dalawa sa kanya. "Don't tell me hindi pa rin kayo nagkakaayos ha. Dude, ang hina mo talaga!"


"Hindi Fred. We're okay," she replied.


"Okay as in kayo na?"


He nodded.


"Thank goodness! Lahat na ng tao sa paligid n'yo alam na mahal n'yo ang isa't isa, kayo na lang ang hindi. Finally! So shall we celebrate? Let's go out on Friday. Tawagan natin sila Liv."


"Sige. I'll call them," sabi ni Sandra.


"Great! I won't tell them the big news. I want them to be surprised when they see you being sweet towards each other on Friday. Okay, work mode on now. Sands, next time please discuss with Greg the ideas you told me about last week. But for now I need to borrow your boyfriend because I need to bring him with me to a meeting."


"Oo naman Fred."


"Tara Greg."

Basta't Kasama KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon