Chapter 45 - Boys and Girls

51.9K 943 22
                                    

Chapter 45 – Boys and Girls

Khiara's POV

Nagmaadali kami pumunta kay Zhane kung bakit sya humihingi ng tulong samen. Kaso pagdating namen dun sa pinaglalalruan nina Zhane at Vanessa nakita namen si Vanessa naka-upo sa motor at tumatawa samantalang si Zhane nandon sa lapag at nakasambakol ang mukha. Tumakbo ako papunta kay Zhane at sinapok sya.

"ARAY ANO BA?!"

"ZHANE NAMAN! PINAG-ALALA MO AKO! MAY NALALAMAN KA PANG HELP ME! AKALA KO KUNG NAPANO KA! HINDI TULOY NATULOY YUNG PAGKANTA NITONG MGA BOYS!" sigaw ko sa kanya

"Oo na, ako nanaman yung male, ako na nga natalo ako pa pinagalitan" pagtatampo ni Zhane

"At wag mo itry magpa-awa saken" sabi ko at hinampas ulit siya

"Zhane naman, laro lang naman to eh" sabi ni Vanessa at tinapik ang likod nya

"Tss laro lang, oo na" sabi ni Zhane at tumayo

"Ano ba Zhane ngayon lang kita nakita ganyan ka badtrip ano ba kinaiinisan mo?" tanong ko

"Wag na di mo din naman maiintindihan ehh" sabi ni Zhane at nag unat-unat

"Kain na lang kaya tayo sa labas?" tanong ni Kyle

Nanlaki mata ni Zhane pagkakita kay Kyle kaya naman napa kwento muna kami, si Vanessa nakikinig din ng mabuti.

"Anyways, kain?" tanong ni Kyle matapos  ko iexplain ano nangyayare

"LIBRE MO AH!" sigaw ni Cyrus

  Nagkamot pa ng ulo si Kyle tas nilabas ang wallet. Nagbibilang yata kung kasya pera nya.

"Wag na ako na manlilibre" prisinta ni Red, ugh yaman naman ng mapapangasawa ko haha

Nag cheer naman ang lahat.  Si Zhane sinusubukan ko patawanin tapos si Vanessa nasa gilid niya lang nakangiti. Dumating kame sa isang restaurant, sina Cyrus at Kyle nagreserve ng table kami nina Red pumunta para umorder si Zhane at Vanessa pina-upo na namen.

"Red, badtrip si Zhane, nag-aalala ako, alam mo namang napama masiyahan nyan naninibago ako" sabi ko

"Wag ka mag-alala may plano ako jan" sabi ni Red at ginulo ang buhok ko

"Talaga ano plano mo?" tanong ko

"Basta secret na lang muna" sabi ni red

"Secret mo mukha mo, hula ko wala ka pa naiisip eh" tukso ko

"Haha tama ka, wala pa ako naiisip pero iisip ako" sabi niya

   Umorder na lang kame tas bumalik sa   upuan at inantay na iserve ang pagkain. Lahat kame sinusubukan patawanin si Zhane. Napaka pikunin naman nito, date date hindi naman ehh. Ano ba kase nangyare?nakahawa yung pagka badtrip nya ahh.

"Zhane wag ka sumimangot sige ka dadami yang lines mo sa noo magiging lola ka" sabi ni Cyrus

"Oo nga Zhane papanget ka lalo hahaha" sabat ni Kyle

"Sinasabi mo ba na panget na ako ngayon?" tanong ni Zhane at sinamaan ang tingin kay Kyle

 Napalunok si Kyle at siniko si Cyrus. Siguro nanghihingi ng tulong.

"Zhane naman, pinapatawa ka lang nitong si Kyle ehh" sabi  ni Cyrus at binanat mukha ni Zhane para ngumiti sya

  Inalis lang ni Zhane kamay ni Cyrus at pinitik tenga nya.

"Meron yata to eh" sabi ni Cyrus at nakasambakol na din ang mukha

"Cyrus tamo nahahawa ka na sa pagsambakol ng mukha ni Zhane" sabi ko at tinuro ko mukha noya

"Wala nakakahawa mukha niya ehh, epidemic disease mamaya lahat tayo panget na" sabi ni Cyrus

Nagtitimpi lang yata ng galit tong si Zhane, parang hindi nakakatulong yung ginagawani Cyrus. Sinipa ko yung paa niya at umiling ako. Pero kumindat lang sya mukhang may balak. Hinayaan ko na lang, sya naman yung mabubugbog pag nagkataon ehh.

"Zhane alam mo ba ganito mukha mo"

Kanina pa gumagawa ng mga nakakatawang mukha si Cyrus. Lahat kame tumatawa pero si Zhane hindi, pero mukhang gumagaan na loob niya naka poker-face na siya hindi na nakasambakol. Dumating na ang mga order namen, at si Cyrus na kanina pa salita nang salita inatake agad ang Sprite akala yata tubig at ininom agad. Hindi manlang napansin yung bula ayun nasamid tuloy siya. Mangiyak ngiyak na yung mukha nya tapos biglang......

"HAHAHAHHHAHHAH" tumawa ng sobra si Zhane

ahil sa tawa ni Zhane lahat kame nagtawanan na din, maging yung ibang tao sa restaurant natawa sa tawa ni Zhane. SI Cyrus ayun naghihngalo pa din tinatapik ni Kyle likod niya habang natawa. Nang huminahon na si Zhane sa kakatawa natigilan kaming lahat hindi alam kung pano na magreeact.

  i Cyrus naman ok na din tapos hinampas nya ang lamesa.

"ALAM MO BANG PARA LANG MAPATAWA KA MUNTIK NA AKO MAMATAY" sabi ni cyrus

"Masyado ka naman, mamamatay agad" sabi ni Zhane at ngumiti

 Dumating na din ang order namen nagkwentuhan kameng lahat at kumain. Sa hindi malamang dahilan ang ganda na ng mood ni Zhane.

"Zhane di ka na galit saken ahh" sabi ni Vanessa

"Haha hindi na, laro lang naman yun ehh, ngapala salamat sa jeans"


Habang nakain ang lahat si Cyrus todo inarte pa rin na muntikan na syang mamatay. Si Zhane tinatawanan na lang siya.

"Gusto niyo ba after nito.... Punta tayong amusement park?" tanong ni Kyle

 Nagkatinginan kame ni Cyrus. Tumigil sa kaadkdak si Cyrus tapos kumain kami ng tahimik.

"Uyy, ayaw nyo ba mag Amusement Park?" malungkot na tanong ni Kyle

"GAME AKO!" sigaw ni Zhane

"Ako din!" at tinaas ni Vanessa kamay niya

"Syempre ako game jan!" at tumawa si Red "Oi Khiara ayaw mo ba?" tanong ni Red

"Ahh, nako hindi naman, haha sa totoo lang gusto ko nga ehh, syempre sasama ako" sabi ko at ngumiti

"Uyy Cyrus ang KJ mo, sasama ka ba?" tanong ni Kyle

"Oo" tapos ngumiti sya at tumingin saken "Tingin nyo andon pa din ba yung Maid Café?" tanong ni Cyrus at nag smirk

 Nang-aasar na tong isang to ehh.

"Maid Café? May ganun don? Edi ibig sabihin madaming babaeng naka maid-outfit?" tanong ni Kyle

"Hulaan mo" sagot ni Cyrus

 Siniko ni Cyrus si Kyle na parang sinasabi na nag date kame don date tapos bawiin nya yung suggestion. Nung una nagtaka lang si Kyle nang tumingin sya saken tas nagulat sya tiningnan nya uli si Cyrus na patay malisya. Mukhang nahulaan niya na.

"Uyy..  kung mag MOA na lang tayo?" biglang suggestion ni Kyle

"Ehh, gusto ko mag amusement park" giit ni Zhane

"Tsaka gusto ko Makita yung Maid café" sabi ni Vanessa

"Tsaka mas mura sa amusement park, gagastos lang tayo ng malaki sa MOA eh" sabi ni Red

"Ahh.. ganun ba.. sige" tapos tumahimik din si Kyle

   Tumingin siya saken na parang humihingi ng tawad. Bumuntong hininga na lang ako. Ano kaya mangyayare....

++++++++++

-eyysarmi

THE NERD IS A SECRET GANGSTER PRINCESS?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon